Elisse POV Hindi ako mapakali dito sa loob ng opisina ko dahil hanggang ngayon hindi ko alam kung nasa labas na ulit si Mark alam ko babalik yun dito hangga't hindi nakukuha ang gusto niya. Si Lara ay kanina pa nasa labas dahil maraming customers siya ang humaharap sa kanila hanggang ngayon. Kahit andito lang ako sa loob ng opisina hindi pa ako kampante lumabas hangga't wala pang update sa akin si Lara may usapan kami na babalitaan niya ako pag dumating ulit si Mark kasi handa ako ilock ang office ko para hindi niya malaman na nandito ako. "Maam, sa tingin mo po babalik pa si sir Mark?" pag tatanong ni lisa sa akin saka ako inabutan ng tubig. "Oo eh.. Kilala ko ang taong yon hindi titigil yun hangga't alaman niya may makukuha siyang information kay Lara." nag aalala kong sagot kay lisa

