Elisse POV Pakiramdam ko binabangungut ako na tila ba ayoko na magising. Nawala ang anak ko dahil sa katraydoran ni Mark at ni Gwen hindi ko alam kung paano sila pakikitunguhan pa. Ang sakit na para bang pinarurusahan ako lahat na lang kinuha sa akin. Nagising ako agad nang maramdaman ko ang sakit ng dextrose ko dahil sa pagdudugo ko kagabi hindi ko akalain na sariling kapatid ko pa ang loloko sa akin. Sa dami-daming babaeng pwedeng maging kabit ni Mark si Gwen pa. Kailan pa nila ako niloloko yung panty na nakita ko sa kwarto namin panty pala ni Gwen yon. Sana pati ako nawala na rin kasi sobrang sakit na. Kanina ko pa hindi napapansin ang nasa paligid ko pero alam ko sila Mommy andito wala akong lakas ng loob na kausapin sila at ngayon ay lumabas muna sila para bumili ng pagkain dahil

