Gwenneth's POV "ANONG GINAWA NIYO KAY ELI?! BUNTIS SI ELISSE AT PINATAY MO ANG ANAK NIYA GWEN!" Paulit-ulit na salita sa utak ko. Hindi ko pinatay ang anak ni ate at hindi ko sinasadya ang mga nagawa ko kay ate kung alam ko lang na buntis si ate hindi ko na siya papatulan, hindi ko na siya sasagutin. Hindi ako mapakali dito sa loob ng bahay ni ate walang nag sasalita ni isa sa amin ni Mark hindi mag sink in sa utak ko na kasalanan ko bakit dinugo si ate. Na ako ang papatay sa anak ni ate sana kumapit pa si baby kay ate kasi hindi ko kakayanin kapag nawala sa kaniya si baby. Hindi ko magawang tingnan si Mark para ako binuhas ng malamig na tubig dahil sa nangyari. God knows kung gaano ko pinag sisihan ang ginawa ko kay Ate Elisse. Natauhan ako sa sinabi ni ate Lara na pinatay ko ang ana

