BUONG PAGKAMANGHANG TINITIGAN ko ang sariling repleksiyon sa salamin. Ibang-iba na ang itsura ko. Ang dati kong mahabang buhok ay lagpas balikat na lang. Tila nagkaroon din ito ng buhay dahil sumasabay ang galaw nito sa bawat kilos ko. Tinuruan din akong gumamit ng kolorete sa mukha pero tama na sa akin ang polbo at pampakintab sa labi. Mas gusto ko pa rin ang natural lang na ayos. Masusi kong sinuri ang suot na bestidang bughaw na ang haba ay hanggang tuhod. Wala itong manggas kaya litaw ang braso at balikat ko. Ang istrap nito ay ibinubuhol sa likod ng leeg. Malapad ang sinturon nito na ang kulay ay pareho ng puting bilog-bilog na siyang pinaka-disenyo nitong damit. Sapatos na kulay puti ang ginamit ko. Kanina pa ako nakahanda. Pati ang aming hapunan ay nakahain na sa lamesa. Si Diego

