Kabanata 35 - Matindi

2036 Words

MALAKI TALAGA ANG pinagkaiba ng buhay ng mayaman kompara sa isang mahirap lang. Sa pagdilat pa lang ng mga mata ko, marangyang paligid na agad ang bumungad sa paningin ko. Pati nga sa amoy, malayong-malayo rin. Masarap huminga nang malalim dahil mabangong amoy ang nalalanghap ko. Idinikit ko sa pisngi ang kumot na tumatakip sa aking katawan. Ang lambot niyon, hindi katulad ng nakasanayan kong gamit na magaspang sa balat. Sana, puwedeng humiga na lang maghapon. Sinita ko ang sarili. Alam kong gumagawa ako ng dahilan upang huwag bumangon. Nangangamba akong makaharap muli si Señora Josefa. Natatakot din akong makita si Don Miguel. Umupo ako sa gilid ng kama at hinagilap ang tsinelas na ipinahiram ni Doña Claudia. Kahit ang mga paa ko ay nangingiming gamitin iyon. Malambot at mukhang marupo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD