Salamat po sa mga nagbasa ng kuwento nina Diego at Miranda. Hope you'll read the story of Lucas too. The title of the book is Bandido. Ongoing pa lang yung libro at matagal akong mag-update. Maybe, save it on your library? Saka na lang po ninyo basahin kapag tapos na. Below is the Prologue. *** Paulit-ulit ang tunog ng sombrero. Hinahampas iyon ni Lucas sa kaniyang hita habang iniikot niya ang paningin sa paligid. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring naliligaw sa kinaroroonan niya. Naiinip na siya. Mukhang matatagalan pa bago bumalik ang kutsero. Dala nito ang nasirang gulong ng kalesa. Kapag minamalas nga naman, pati sa bayan ng Puting Tubig, Gapan, Nueva Ecija ay sinusundan siya. Isinuot niya ang kaniyang sombrero at nagdesisyon siyang maglakad na lang. Kinuha niya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


