LUMIPAS ANG MGA araw, unti-unti ko nang nababawi ang lakas ko. Nabawasan na rin ang hilo ko. Nakatulong ang gamot at masusustansiyang pagkain para mapalitan ang nawala sa katawan ko. Habang nakapalibot sa isang siga, masayang nagkukuwentuhan ang mga kasama ko. Ito na ang huling gabi namin dito. Bukas, magsisimula kaming maglakbay pabalik sa Quezon. Inilibot ko ang paningin. Nakita kong nakagapos pa rin sa isang tabi ang grupo ni Aylan. Bukas sila pakakawalan. Uuwi na rin sila sa Mindoro pero hindi nila kasama si Aylan. Inalok kong ituturo dito ang lahat ng natutunan ko kay Nanay. Tinanggap nito iyon kaya pansamantalang sa amin ito maninirahan. Kinabukasan, maaga pa lang ay lumarga na kami. Hindi naging madali ang paglalakbay namin, lalo’t may sanggol akong karga-karga. Bilad kami sa in

