Kabanata 51 - Naglaho

2800 Words

NANANALIG AKONG ILILIGTAS ako ni Diego, na mahahanap niya ako. Subalit sa bawat paglubog ng araw, unti-unting naglalaho ang paniniwalang iyon. Kinagat ko nang mariin ang aking labi nang humilab ang aking tiyan. Itinatanggi ng isip ko ang maaaring kahulugan niyon. Maaga pa para isilang ang anak ko. Napasinghap ako bago bumuga ng malakas na hangin dahil sa sakit na naramdaman. Ipinatong ko sa ibabaw ng tiyan ang isang kamay. Ang kabilang kamay naman ay nanatiling nakahawak sa renda ng kabayo. Bumilis ang mga yabag ng kabayo sa gawing likuran ko. Bahagyang bumagal iyon nang maabutan ako. “Kaya mo pa ba?” tanong ng lulan niyon. Si Aylan. Kulot ang maikling buhok, may kayumangging balat, at katamtaman ang kaniyang pangangatawan. Isa siya sa pitong dumukot sa akin na pawang mga kalalakihan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD