“HINDI MO AKO minahal,” mahina ngunit may halong panunumbat na saad ni Diego. “Naiintindihan ko pa si Papa, pero ikaw”—umiling siya—“hindi ko naramdamang mahalaga ako sa ’yo.” “Mahal kita . . . pero kailangan kong gawin ang alam kong makabubuti sa lahat.” “Ang ipagdamot na mahalin mo ako?” naguguluhang tanong niya. “Nagbago ang papa mo nang araw na ’yon. Dati, mapagmahal at mahaba ang pasensya niya, pero naging mainitin ang ulo niya. Kahit sa maliit na bagay, pinagbubuhatan ka niya ng kamay.” Kinuha ni Doña Claudia ang panyong nakasilid sa bulsa ng blusa at ipinahid iyon sa pisngi niya. “Lumalaban ka tuwing pinapagalitan, at sa edad mong apat na taon, matigas na ang ulo mo. Hindi ka katulad ng kuya mo na madaling sumunod.” “Kaya pati ikaw, tinalikuran mo ako dahil mahirap akong mahalin

