SI DIEGO AGAD ang hinagilap ko pagmulat pa lang ng aking mga mata kinabukasan. Naging hungkag ang pakiramdam ko nang makitang wala na siya sa tabi ko. Ano ba ang dapat kong asahan? Ang suyuin niya ako at magmakaawang huwag siyang iwan? Kung may halaga kay Diego ang namagitan sa amin kagabi, dapat hindi siya umalis ng kuwarto nang hindi kami nag-uusap. Bumangon ako at tulirong iginala ang paningin sa paligid. Saglit na nagtalo ang isip ko. Hindi ko alam kung ano ang susunod na gagawin. Pinatatag ko ang aking sarili. Itutuloy ko pa rin ang plano ko. Humakbang ako papunta sa banyo. Paglabas ko roon, nakaligo na ako. Dinampot ko ang mga nagkalat na damit sa sahig matapos kong magbihis. Itinatabi ko iyon nang bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Nana Rosa. “Mabuti’t g

