Third person's POV: Nagsimula ng magsidatingan ang mga tinawagan ni Allison para linisin ang mga naging kalat. Nagtataka naman sina Seb kung bakit ang daming mga lalaki ang nagsidatingan. Tahimik lang silang nagmamasid kay Allison na nakikipag-usap sa isang lalake na kaedad lang nito. Nang natapos ng mag-usap sina Allison at Richard ay lumapit na sya sa mga kaibigan nya. " Guys, sa bahay na muna kayo. Masyadong delikado kung uuwi kayo sa kanya-kanya nyong bahay. " Paliwanag nya. Baka kasi masundan ang mga kaibigan nya dahilan para ikapahamak pa nila ito. Hindi na nakatiis si Cresent at nagtanong na sya dahil gulong-gulo na sya sa nangyayari. Lalo na ang naganap na barilan kanina. " Ano ba talagang nangyayari Allison? May dapat ba kaming malaman? " Nagkatinginan naman ang mag-asaw

