Allison's POV: Nagising ako ng maramdaman ko na wala na akong katabi. Napaupo ako at napasandal sa dashboard. Inikot ang paningin sa bawat sulok ng silid at hinahanap si Blake. Pero wala. Saan naman kaya 'yon? Bumangon nalang ako at tumungo sa banyo para maligo. Nang natapos na ako ay bumaba na ako. Hindi pa ako nakakarating sa kusina ay may naririnig na akong mga boses. Boses palang nila ay alam ko na, na sila 'yon. Tuluyan na akong pumasok at nakita ko silang nagluluto at may kanya-kanyang ginagawa. 'Yong iba ay naghihiwa, nagluluto at nagkakape. Masaya silang nagkukwentohan habang nagluluto. Napangiti nalang ako dahil sa nakikita ko ngayon. Sana ganito palagi. " Good morning. " Napatigil naman sila sa ginagawa nila at napatingin sa akin. " Good morning din. " Sabay-sabay nil

