Third Person's POV: Habang kumakain at nag-uusap sina Blake at Sandy ay hindi nya maiwasang hindi makinig sa pinag-uusapan ng dalawa na katabi lang ng table nila. May inis at selos syang nararamdaman habang naririnig nyang tumatawa ang asawa at may kasamang ibang lalaki. Sa kabilang dako naman ay napangisi nalang si Allison dahil alam nya kung gaano kaseloso si Blake. Tingnan lang natin kung saan ka tatagal Reyes. Sabi nya sa isip nya. Habang kumakain sila ni Zee ay nagkukwentuhan sila tungkol nong high school pa sila. " Do you still remember Chalice? " Natatawang tanong ni Zee kay Allison. Umismid ang dalaga dahil na naging tanong nito. " How can I forget her? Eh sya kaya yung president ng fans club mo. Like duh! Araw-araw kaya ako inaaway non nang dahil sayo. " Mataray na sagot ng

