Allison's POV: Napasandal ako sa swivel chair ko at inikot ito. Tiningnan ko ang view sa abot ng aking natatanaw mula dito sa opisina ko. Napabuntong hininga nalang ako. Dalawang linggo na pala ang nakakalipas simula ng huli naming pag-uusap ni Blake. Hanggang ngayon ay hindi parin sya nagpaparamdam sa akin. Kahit alam ko na imposibleng mangyari yun ay umaasa parin ang puso ko na isang araw, kakausapin nya ako. Wala na din akong balita sa kanya. Sa dumaang dalawang linggo ay halos sa opisina na ako tumira. Haha dinaig ko pa ang lalaki maging workaholic ano? Maaga akong nagigising para pumasok, minsan nagta-training ako para naman mawala kahit konting oras sa isip ko si Blake. Ginagabi na din ako sa pag-uwi, at minsan sa condo ako umuuwi. I want to be alone. Naiintindihan naman ng pamil

