Agad akong tumakbo sa parking lot at sumakay sa kotse ko at doon ibinuhos lahat ng sakit. Hindi ko lubos akalain na aabot kami ni Blake sa ganito. Dahil ang tanging nakikita ko noon ay boboo kami ng pamilya, magiging masaya kami at tatanda kami ng magkasama. Pero mukhang hindi na mangyayari yun. Akala ko perfect na lahat para sa amin. Akala ko kaya namin lahat ng pagsubok basta magkakasama at mahal namin ang isa't-isa. Pero iba ito eh. May batang walang kamuwang-muwang ang madadamay. Pinahid ko na ang mga luha ko at inayos ang sarili ko. Pinaandar ko na ang sasakyan ko at pumunta ng coffee shop. Nang nakapasok ako ay nakita ko agad si Jack na nakaupo sa pangdalawahang mesa habang nagka-kape. Lumapit ako at umupo. Tinaas naman ni Jack ang kamay nya at may lumapit sa amin. Um-order na

