" Nyaaaww... " Napainat ako ng kamay dahil sa wakas ay naramdaman ko na ulit ang salitang 'pahinga' kahit sandali lang. Napatingin naman ako sa relo ko ng nakita kong madilim na ang langit. 8pm na pala. Masyado atang napasarap ang tulog ko ah. Tumalon na ako pababa sa puno dahil sa taas ako natulog. Kasi naman, ang peaceful doon at walang mang-iistorbo. Naglalakad na ako palabas ng campus. Oo nasa campus pa ako ngayon. Kanina pa natapos ang klasi namin pero dahil ayaw ko pang umuwi ay natulog muna ako sa tambayan ko. Sa puno. Wala ng katao-tao ang campus at patay na din ang mga ilaw. Malamang Allison, kanina pa uwian at 8pm na po. Haha sabi ko nga. Napahinto naman ako at napatingin sa second floor ng building kung saan doon ang klasi namin kanina. Yun lang kasi ang bukas ang ilaw at

