GAIL INAYA akong umupo ni Thunder sa gilid ng batuhan. Malilim ang bahaging 'to—sa harap namin ang magandang tanawin na ngayon ko lang nakita mula nang magpasya akong manuluyan sa Cebu. "Come trovi il posto?" tanong sa akin ni Thunder. "Bellissimo, Thunder..." sagot ko sa kaniyang walang duda. Talagang maganda ang lugar at hindi ko kayang itanggi ito kahit pa na may dahilan ang pagsama ko sa kaniya. "M-mas maganda ka, Gail—" narinig kong turan ni Thunder. Nilingon ko siyang hindi ko maitanggi ang ngiting pinagkaloob ko sa sa sinabi niya sa akin. "Grazie," ani ko. "Perchè tu sei. Credimi, Gail," dugtong pa nito. Napayuko ako nang wala akong masabi sa kaniya—bigla kong naramdaman ang pagiging blangko at tila nanuyo ang lalamunan ko. May kung ano'ng bikig na hindi ako makapagsali

