GAIL HALOS trenta minuto na rin pala kaming nandito ni Thunder sa kubo na pinagdalhan niya sa akin sa bahaging 'to ng batis kung saan kami naroong dalawa. Malakas pa rin ang buhos ng ulan. "May bagyo ba?" hindi ko napigilang itanong kay Thunder. "Wala naman," matipid nitong sagot sa akin. Nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong titila din naman ito. "Baka low pressure lang," dugtong niya. "Baka nga. Titila din siguro 'to," sabi ko sa kaniya. Nagkasya na lang akong pagmasdan ang tanawin sa labas. Actually—na-miss ko rin ang mga sandaling 'to. "I'm remember when I was a child, madalas akong hinahayaan ni papa maligo sa ulan, samantalang si mama nagagalit siya. Baka raw kasi magkasakit ako o atakihin ng hika ko." Hindi ko namalayang napa-kwento ako kay Thunder. "Pero madalas si

