GAIL HUMIGIT muna ako ng isang malalim na hininga bago ko hiniga ang katawan ko sa malambot kong kama. Natutuwa na naman ako kay Thunder sa pagpapahalaga na pinaramdam nito sa akin. Nang matigilan ako at bigla kong naalala si lolo--- ilang linggo ko na rin binabalak tawagan ito na hindi ko rin matuloy-tuloy dahil baka masama pa rin ang loob sa akin ng lolo ko at isa pa wala pang nangyayari sa plano ko o sadya ko sa buhay ni Thunder. Paano naman magkakaroon ng panyayayri kung wala pa akong ginagawa sa ilang panahon na magkasama kami. Humigit ako ng mahabang hininga. 'Hindi bali. Matatapos na rin ang lahat ng 'to at babalikan ko na ang lahat ng sandaling kailangan ko sa kaniya. Just focus, Gail. Walang mangyayari sa 'yo kung hahayaan mo ang sarili mong magpasailalim sa laro na may

