THUNDER •• NAKAUWI na ako dito sa bahay. Hindi ko na inabala pa ang sarili ko para puntahan si Lolo Ignacio, hinayaan ko na lang itong magpahinga. Bukas na bukas, umaga pa lang sasadyain ko na siya sa silid niya para sundin ang pangako ko kay Gail. Tumuloy na ako sa silid ko. Magpapahanda na lang siguro ako ng makakain sa katiwala bago ako matulog. Para hindi na rin ako bumaba pa. "Mabuti naman at umuwi ka na." Nalingunan ko si Sylvia--- sa ayos nito mukhang pauwi na yata ito at nakasukbit na sa balikat nito ang bag na palaging dala. "Oo eh. Nagsimba ako. " "At kahit kailan pa naging traffic sa Nagcarlan para ngayon ka lang umuwi?" nang-uuyam nitong tanong sa akin. "Wala naman akong sinabing traffic, Sylvia. May pinuntahan lang ako." "Without thinking na nandito ang lolo mo't

