GAIL PINILIG ko ang ulo ko. Hindi ko dapat iniisip ang lahat ng 'to, aniya ko. Hindi ako ang dapat mahulog sa kung ano'ng laro ang mayroon si Thunder sa akin, dahil ang pagkakaalam ko ang may larong kailangan kong harapin. "Gusto mo bang umuwi na tayo? Iniisip ko kasi ang kaibigan ko at baka wala siyang susi sa bahay, baka hindi makapasok. Naalala ko kasi nasa akin ang susi niya at nasa sasakyan niya," pagsisinungaling ko sa kaniya. Ayaw ko man sanang gawin 'yon wala na akong choice--- ayaw kong magtagal kaming dalawa sa lugar na 'yon. Marami akong kailangan iwasang posible niyang mga katanungan kung sakali magkaroon pa kami ng maraming oras na magkasama. "Sigurado ka ba? Sayang naman, Gail. Marami pang taong darating dito kapag medyo madilim na, ayaw mo bang mag-stay pa?" Inikot k

