GAIL •• NAKARATING kami ni Thunder sa plaza na sinasabi nito sa akin. Tulad nga ng sinabi ko malapit lang ito sa simbahan. Halos katapat lang din at ilang lakad lang mula sa kung saan kami kumaing dalawa. "Ano ba ang gagawin natin dito? Wala naman siguro hindi ba?" sabi ko sa kaniya. "No. Maraming nag-de-date dito. Tingnan mo 'yon, ayon pa." Turo sa akin ni Thunder sa ilang kabataang magkakaparehang nakaupo at masayang nag-uusap kung titingnan mo lang ang isa't isa. "Ah. Puro naman mga kabataan ang tao dito, sigurado ka bang we're okay here? Mukhang hindi naman yata tayo allowed dito, Thund.. Mamaya ano pa ang sabihin nila sa atin," aniya ko sa kaniya. Giniya ako ni Thunder sa isang upuang bakanteng nandoon--- malayo mula sa ilang kabataang nakikita kong nagkukumpulan sa isang bahagi

