GAIL •• NAKARATING kami ni Thunder sa isang batchoyan na malapit sa simbahan. Ito rin ang nag-suggest sa akin na masarap daw dito. Laganap na ang dilim sa paligid, pinagbigyan ko na lamang ito na kakain lang kami saglit at uuwi rin pagkatapos. Ayaw ko na rin magtanong sa kaniya kung may pupuntahan pa after this place--- hindi na rin naman kasi ako makakasama at plano kong bumawi ng ilang oras sa kaibigan ko. Yayayain ko itong mag-movie marathon ngayon, may ilang series kaming inaabangan pareho na alam kong matutuwa ito kung tatapusin na namin panuurin. Ilang linggo na rin ang lumipas nang huli kaming manuod. "Masarap dito, after mo kumain sigurado akong makakalimutan mo ang pangalan mo," ani sa akin ni Thunder. Pinaghila niya ako ng upuan. "Salamat. Mukhang masarap nga feeling k

