Inaayos n ani Lara ang mga gamit nila ni Greg. Nakahanda na din ang saklay na gagamitin ni Greg upang makapagsimula ng makagalaw-galaw. Nakaupo ito sa kaniyang wheel chair habang nagmamasid sa may bintana at tanaw ang ilang mga gusali mula doon. “Nakakamiss lumabas, mom.” Ang sabi ni Greg. Napatingin naman si Lara sa kaniya. Ngumiti ng tipid. Kahit siya ay sabik na din umuwi dahil kailangan na din siya ng anak. Pumasok ang nurse sa kwarto nila at nagpaabiso. “Excuse me, maam pwede niyo na po asikasuhin ang clearance for discharge ni sir.” Ang sabi ng nurse mula sa pintuan. Lumingon si Lara sa kaniya. “Okay, bababa na rin ako pagkatapos nito.” Ang sagot naman ni Lara sa nurse. Lumabas naman agad ang nurse. Natapos na ayusin ni Lara ang lahat ng gamit. Lumapit siya kay Greg at nagpaa

