Chapter 42 Portrait Umalis na nga si Lara at Vincent. Hinatid siya ng kaibigan sa bahay niya. Habang nasa biyahe ay napansin ni Vincent ang bitbit nitong frame na nakabalot. “Uy! Ano bai yang dala mo na ballot na ballot?” tanong nito kay Lara. Ngumiti lang si Lara at tumingin kay Vince. “Ano ba naman ang ngiting iyan? Nakakaintriga ka.” Ang sabi naman ni Vince. “Bakit ba?” Nagtaas ng kilay si Lara at umiwas na ng tingin sa kaniya. “Nakakapagtaka lang, kanina pa kita napansin. Napapangiti ng walang dahilan? Naloka ka na?” ang sabi naman ni Vince. “Uy hindi ah. Masaya ako dahil balik na ulit sa normal ang buhay ko dito sa Aklan. Nakakapagod din mag stay sa city. Iba pa din pag nasa lugar natin. Sariwa ang hangin, tahimik at malapit na ulit ako sa anak ko. Hindi na kami callmates ni G

