Puzzled Lara

1478 Words
Lumipas ang gabi at balik sa dating gawi ang mag-asawa. Naghahanda ng agahan, sabay kumain at sabay pumasok sa trabaho. Habang nasa sasakyan at binabaybay ang daan ay naisingit ni Lara ang gustong itanong sa asawa. “Dad, sa’n ka galing last night? Hinintay kita sa office hindi ka man lang tumawag sa akin kung nakauwi ba ako?” tampong tanong ni Lara. Hinawakan ni Greg ang kamay ng asawa at hinalikan habang ang isang kamay ay may hawak na manibela. “Im sorry! If I kept you waiting. Nagkayayaan kasi ang mga staff ko na kumain sa talabahan, nahiya ako tumanggi, tapos lowbat ang phone ko hindi na kita natawagan. Alam ko din na uuwi ka kung mainip ka man,” paliwanag ni Greg. Hindi na umimik si Lara sa sinabi ng asawa. Mas pipiliin niya na payapa lagi ang usapan, kaysa naman ipaglaban ang nararamdaman niya. Ganoon niya kamahal si Greg, laging pinagpapasensiyahan kahit madalas ay hindi na siya nito nararamdaman na nagtatampo. Bumaba si Lara sa sasakyan at nagpaalam sa asawa. “Mag-ingat sa pagmamaneho, Dad,” paalala ni Lara kay Greg. Kahit na lumayo na si Greg, ay nasa isip pa din ni Lara na hindi siya naalala ng asawa kagabi. Hiniling niyang sunduin siya, subalit mas nauna ng bigyan ng panahon ang mga office mates kaysa sa kaniya na asawa. SAMANTALANG habang nagmamaneho si Greg ay tumunog ang phone nito. Itinabi ni Greg ang sasakyan at sinagot ang tawag. “Hello!” Tawag Ito mula kay Tina. “Sir papunta ka na po bang opisina? Nasa Luna Street po kasi ako, ang sinasakyan ko po ay na flat ang gulong, baka pwede po daanan niyo ko dito? Sorry talaga, Sir. Madalang ang dumadaan na sasakyan, mahuhuli po akong papasok," paliwanag ni Tina. “Malapit na ko diyan. Hintayin mo ako at dadaanan kita.” Binaba ni Greg ang phone at tumungo sa Luna Street. Nakita niya doon si Tina na nakatayo, nag-aabang sa kaniya. Itinabi ang sasakyan, bumaba ito at pinagbukas ng pinto si Tina. “Sir, Thank you po!” malambing na sabi ni Tina sa kaniya. Pumasok na ito ng sasakyan at ganoon din si Greg. “Kamusta ang anak mo?” tanong ni Greg kay Tina. “Mabuti na, Sir. Salamat sa paghatid sa akin kagabi, sobrang nag-alala ako dahil mataas ang lagnat ni Katlyn. Hindi ako nakatulog kaka check ng temperature niya. Salamat, Sir kasi from time to time nag chat ka din to check kung okay lang kami.” “No worries, pagdating sa mga bata. Hindi ako mapapakali kung magmasakit ang mga bata at mabuti na lang na okay na siya.” “Oo nga eh. Ang swerte ng pamilya mo,” ang sagot ni Tina sa kaniya. Natahimik si Greg at nagpatuloy lang sa pag drive. Malapit na sila sa building ng opisina ng biglang may tumawid na aso sa kalsada. Biglaang nag preno si Greg. Kinabahan siya dahil baka nabundol nila ang aso. “Okay ka lang, Tin?” tanong ni Greg sa kasama may pag-aalala. Bakas sa mukha ni Tina ang kaba dahil hindi inaasahan ang nangyari. “Sure, Sir. Okay na ako,” anito sa kaniya. Tiningnan lang siya nito. Nakarating na sila ng opisina. Sabay na bumaba sa sasakyan. May nakasalubong silang kasama sa opisina. “Uy, Tina! Namumuro ka na kay Sir Greg. Kagabi hinatid ka na ngayon sinundo ka pa?” pabirong sabi ni Paula, ang isa sa mga staff ni Greg. “Nadaanan ko lang si Tina na flat ang gulong ng sinakyan niya, nasa malapit lang naman ako, kaya pinasakay ko na,” paliwanag ni Greg at dumiretso na sa loob ng building. Walang lingon likod at hindi nakuhang magpaalam sa mga Ito. “GRABE ka, Paula! Huwag kang ganyan, marahil ay palabiro si Sir Greg, pero piliin mo naman ang oras na magtitrip ka ha," pakiusap ni Tina sa kasama. Tumawa silang dalawa. "Pero alam mo napaka-gentle ni Sir. Hay buhay, sana lahat ng lalaki katulad niya," iyon ang sinabi ni Tina. LUMIPAS ang ilang mga araw ay napadalas ang pagsabay ni Tina kay Greg. Marahil ay nagkataon lang iyon, subalit unti-unting lumalalim ang samahan ng dalawa. Madalas mag chat si Tina kay Greg. Pinapaalam dito ang mga ginagawa niya; kung saan siya naroon, kung sino ang mga kasama niya. Naging komportable naman si Greg sa babae at halos gabi-gabi ay magkausap sila sa phone, hindi man babad na usap, pero kinukumusta ni Greg ang kalagayan ng mga Ito. NAGING busy din si Lara sa trabaho sa loob ng ilang linggo. Ganoon na rin katagal mula ng huling sinundo siya ng asawa sa opisina. Malimit ng daanan ni Greg si Lara. Hindi na ito pinansin ni Lara dahil sa dami ng projects na pumasok sa section niya, marami siyang iniisip sa trabaho, kaya hindi din napansin ang mga nangyayari sa pagsasama nila. ISANG gabi sa opisina ni Greg. Naiwan ito doon dahil may mga kailangan pirmahan na mga dokumento. Kasama niya si Tina dahil tinutulungan siyan i-iscan ang mga iyon para ipadala sa pamamagitan ng email. Nag-uusap silang dalawa ni Tina; nagtatawanan, nagbibiruan, komportable sa isa't Isa. “Sir kamusta s*x life?” direktang tanong ni Tina. Komportable ito sa tono ng pananalita niya, marahil normal na lang ang lengwaheng 'yon sa kanila. “Sus, ako pa ba? Hindi pa ko matanda, sumisikad pa," pabirong sabi ni Greg. Natahimik silang pareho, nasa tabi lang ni Greg si Tina. Nakaupo si Greg at si Tina naman ay nakasandal sa mesa ni Greg. Maya maya ay lumapit si Tina kay Greg, kumandong ito at yumakap. "Sana ako na lang iyong asawa mo," pabulong niyang sabi kay Greg habang nakayapos. Hindi makahinga si Greg at hindi maipaliwanag ang nararamadaman. Nais niyang itulak si Tina, subalit hindi niya magawa. Sa isip niya, maganda ang pagkakataong iyon na nagpakita ng motibo sa kaniya ang babae. Nakasarado ang blinds ng bintana at nakalock ang pinto ng opisina. Tila siniguro ni Tina bago ito nagsimulang kumilos papalapit kay Greg. Yumakap si Greg kay Tina at sinabi. “I’m sorry. Nakatali na rin ako,” bahagyang tinulak ni Tina si Greg. Kumandong ito ng maayos sa ibabaw ng mga legs niya at humalik sa mga labi ni Greg. Hindi na nakaayaw si Greg, dahil sobrang lagkit ng halik ni Tina sa kaniya. Parang nalunod muli sa mga ulap ang pakiramdam na iyon. Naramdaman ni Greg na parang si Lara lang ang yumayapos at humahalik sa kanya ng ganoon. Nakapikit ang mga mata niya, nakikita ito ni Tina, mas lalong ginalingan ni Tina dahil alam niyang nagugustuhan na ito ni Greg. Gumalaw ang mga kamay ni Greg patungong ilalim ng blouse ni Tina. Inabot ang hook ng bra nito. Tinanggal niya ng tuluyan at hinahaplas ang likod nito. Nararamdaman ang init ng mga palad ni Greg na lalong nagpapaalab sa kagustuhan ni Tina na makuha ang boss niya sa ginagawa niya. Nagpapatuloy ang mainit na halikan, tinanggal ni Greg ang blouse ni Tina paitaas. Napapakagat labi si Tina sa mala alapaap na pakiramdam dahil sa ginagawa ni Greg. Umaapoy na damdamin ang nararamdaman nila pareho. Tumayo si Greg na karga-karga si Tina. Tumunog ang phone nito, si Lara ang tumatawag. Natigil ang ginagawa ng dalawa dahil nagulat silang pareho. Dali-daling hinablot ni Tina ang blouse at itinakip sa katawan, pinulot niya ang kanyang bra na nahulog sa sahig. Sinagot ni Greg ang tawag nito. “Hello, Mommy?” kalmang sabi ni Greg. “Bakit ka napatawag?” tanong pa niya. “Ano’ng oras na, Dad! Si Gio kanina pa naghihintay sa’yo,” ani sa kaniya ni Lara. “Nasa office pa ako. Mag sesend pa ako ng documents sa manila via online, I will be home in 30 minutes. Kindly tell Gio. I will.” Ang pangako ni Greg sa asawa. Hindi na nakaimik ang dalawa. Lumabas ng opisina si Tina na nakasuot na ng damit. Niligpit ni Greg ang mga gamit at uuwi na rin. Tila walang nangyari. Ang bilis ng pangyayari. Sumabay pa din si Tina kay Greg pauwi. " Tin, okay lang ba kung hindi kita mahahatid? Hinahanap na ako ni Gio, hindi 'yon matutulog habang wala ako," paliwanag niya kay Tina. “Sure, Sir? Hanap ka na sa inyo, okay na ako, kaya ko na," sagot ni Tina na tila naiilang na ang tono. Binaba ni Greg si Tina sa bayan at dumiretso na sa bahay nila. Mabilis ang takbo ng sasakyan. Nagmamadali siyang umuwi. Pagdating sa bahay ay ibinaba niya ang mga gamit at kumuha ng tuwalya. Hinubad lahat ng damit, boxers lang ang natira. Pagpasok ni Lara sa kwarto ay nagulat ito. “O, dad? Maliligo ka na agad? Kakarating mo lang," ang nagtatakang tanong ni Lara sa kaniya. “Sira kasi ang aircon ng sasakyan, pakiramdam ko ang dumi ko, maalikabok, kaya ligo muna ako," katwiran nito sa asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD