Chapter 32 Back Home

1005 Words
Matapos silang kumain ay dumiretso sila pauwi sa bahay nina Greg. Mula sa gate ay natanaw ni Gio si Lara. Tumakbo ito papunta sa kaniya upang salubungin siya. Kitang-kita sa mga mata ni Gio ang kasiyahan na makita ang mommy niya. Mabilis din na hinagip ng yakap ni Lara si Gio. Maluha-luha ang mga mata dahil hindi alam kung paano niya masasabi kay Gio ang nangyari sa daddy niya. Lumingon si Lara kay Ivan. Tumango lang si Ivan sa kaniya na nagpapahiwatig na okay lang na maghintay ito sa labas. Pumasok si Lara at Gio. Naupo sila saglit sa sala. Naka-kandong siya sa mommy niya at nakayakap. Kahit malaki na siya ay madalas pa din siyang maglambing sa mommy niya. "Mommy kararating mo lang? Sabi ko tatagal ka pa ng ilang days doon? Sino po ang naghatid sa inyo?" Tanong ni Gio kay Lara. "Love will you be fine if mommy and daddy will not be home for a while?" "Why?" Bagsak ang mukha noong sabihin ito ni Gio. "Ganito kasi nak, si daddy kailangan magpagaling sa hospital, kailangan niya ng doctors and nurses to take care of him, so kailangan ni mommy samahan si dad doon kaya wala muna kami dito sa bahay." Napaisip si Gio at hindi muna sumagot kay Lara. "Is it okay with you?" Tanong niya sa anak. Tumango ito. "What happened to dad?" Tanong naman ni Gio kay Lara. "Mabilis kasi ang takbo ng car kanina, hindi na control ni dad kaya nabangga niya ang malaking puno, kaya ayun nasa hospital si dad ngayon para magpagaling." Naluha si Gio at yumakap sa mommy niya. "Kailan kayo uwi?" " I dont know yet baby. I will call you always para sabihin kung okay si dad. Okay?" Niyakap niya si Gio ng mahigpit at hinalikan ang anak sa pisngi. Mas lalong naramdaman niya na kailangan niyang asikasuhin si Greg para sa anak. "Hey! Kuha lang ako ng things ni dad, we will be going to the hospital, halika samahan mo ako sa room to fix some things needed." Tumayo si Gio at naunang naglakad papunta sa kwarto ng daddy niya. It feels different this time para kay Lara. Nakakapanibagong muling nakatuntong sa bahay kung saan nila binuo ni Greg ang kanilang pamilya. Ito din ang mismong bahay kung saan nawasak ng tuluyan ang kanilang pagsasama na nauwi sa ilang taong paghihiwalay. Subalit sa pagkakataong ito ay muli siyang bumalik upang bigyang pansin ang lalaking pinag-alayan ng kaniyang buhay. Napapaluha siya sa tuwing maaalala ang masasayang alaala nilang binuo sa apat na sulok ng bahay na ito. Binuksan ni Gio ang dating kwarto nilang mag-asawa. Tila walang nagbago, ang pintura ay ganoon pa din na napanatili ang kulay nito. Hindi pinalitan ni Greg, bakas pa din doon ang mga alaala nilang dalawa. Naalala niya ang mga sandali na sila ay nag-uusap noon sa couch noong oras na pinatawad niya sa unang pagkakataon si Greg. She can still feel the warmth in the couch while she lies on his chest and they talk intimately. While Greg caresses her cheek lovingly. Namimiss ba niya ang asawa niya? Bakit iyon ang mga naaalala niya sa pagkakataong nakita niya ang couch na iyon. Tila kahapon lang ng huling maramdaman ang pagmamahal nito sa kaniya. Greg always knows how to keep her safe in hs arms. Iyong tipong magkadikit lang ang balat nila ay nawawaglit ang lahat ng sakit mula sa kaniyang puso. Just a little touch of him makes her feel fine and contented. Kung pwede lang balikan ang nakaraan, sana ay naging mas matatag siya na ipaglaban ang pagsasama nila mula sa mapanirang babaeng si Tina. Nasa harap lang ni Lara ang cabinet kung saan naroon ang mga gamit ni Greg. Binuksan niya ito ng marahan na dinig pa ang lagitnit nito ng buksan. Bumungad sa kaniya ang mga nakatiklop na damit ni Greg. Kagaya ng dati ay maayos pa din ito. Walang pinagbago sa paraan ng pag-aayos sa gamit niya. Isa din ito sa mga magandang katangian na inibig niya sa asawa. Bahagyang napangiti si Lara, namiss niya ba ang ganitong amoy na nagmumula sa loob ng cabinet? Amoy iyon ni Greg. Ang amoy na tila humihila sa kaniya upang hindi kumawala sa dibdib nito. That manly scent she loved for so long at hindi na muling nalanghap ng ilang taon. "Mom? Do you need a bag?" Tanong ni Gio na nasa likod niya. Oo nga pala kailangan niya iyon upang may mapaglagyan siya ng gamit ni Greg. "Yes baby kailangan ko. Will you get one for me?" Hiling niya kay Gio. "Sabihin ko po kay tiya Laura, saglit po." Agad naman tumalikod si Gio at lumabas sa kwarto. Kumuha si Lara ng isang pirasong tshirt ni Greg at inamoy iyon. Malalim ang iniisip habang dinaramdam ang pagka miss niya dito. Sa tagal ng panahon na nag-iisa ay muli niyang naramdaman ang pagmamahalan nila sa kahapong nilimot na ng panahon. "Mom! Ito na po." "Mom?" Pag ulit ni Gio. "Ah! Okay nak, ilapag mo sa bed ni dad, kuha lang ako ng mga kakailanganin niya." Mabilis na kumuha si Lara at ipinasok ang mga iyon sa bag. Mula sa tshirt hanggang sa underwears nito na naka roll ang pagkaka ayos. Kumuha din siya ng mga malinis na towels nito at pati shorts na maluluwang. Natapos niyang ayusin sa loob ng bag ang mga gamit at bitbit na niya ito palabas. Nilapag niya saglit sa sahig at nilingon ang anak. She hugged Gio tight and kisses him on his head. "I'll miss you again, love." Malambing na bulong ni Lara kay Gio. Yumakap ng mahigpit si Gio kay Lara. "I will miss you too, and dad. Please take care, mom." Ang malambing na tugon naman ni Gio. "Huwag ka papasaway kay tiya Laura ha? And always pray with Lola para mabilis na gumaling si dad." "Yes, mom." He hugges her again. "O sige na, mom got to go." Paalam ni Lara kay Gio. Aalis sila ni Greg dahil ililipat niya ng ospital at doon na makapagpagaling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD