Chapter 31 In Sickness and In Health

1169 Words
It’s past three o’clock ng hapon noong dumating si Melinda sa ospital. Sinalubong siya ni Lara sa lobby upang doon ay makapag-usap silang dalawa. Ipinaliwanag niya dito ang sitwasyon ni Greg at ipinaalam din niya na kung ayos lang na ilipat ng ospital si Greg sa lalong madaling panahon dahil kinakailangan na maagapan ang kaniyang sitwasyon. “Lara, matanda na ako, tanging si Greg na lang ang natitira sa tabi ko.” nakaupo silang pareho ng sabihin ito ni Melinda. HInawakan niya ang kamay ni Lara. “Utang na loob, huwag mong pababayaan si Greg, kailangan ka niya sa pagkakataong ito. Ikaw pa din ang asawa niya sa papel at sa mata ng Diyos. Kahit na anong mangyari, isipin mo pa din ang kapakanan ng pamilya niyo.” Mangiyak-ngiyak si Melinda sa pakikiusap kay Lara. “Ipinauubaya ko sa iyo ang kaligtasan niya. Kung ano man ang mga nangyari sa nakaraan, ipagpatawad mo ang kapangahasan niya at ang aking kapabayaan sa mga sitwasyon na kinailangan mo ng masasandalan. Kasalanan ko’ng hindi ko nagabayan ng maayos si Greg. Hinayaan ko siya sa lahat ng kagustuhan niya hanggang sa dumating sa punto na hindi na siya nakikinig sa akin.” Napapailing na lang ng ulo niya si Melinda at hindi nito mapigil ang pag-iyak. “Ma? Tama na po. Natapos na ang lahat ng iyon. Nandito po ako para sa anak ko.” “Kung alam mol ang, Lara kung gaano nawasak si Greg noong mga panahon na ikaw ay bumaba na ng tuluyan sa bahay. Walang gabi na hindi uuwi ng lasing. Kahit anong gawin kong pagpapaintindi ay ayaw niyang tanggapin. Sa tuwing tatawag ka sa akin upang humingi ng pabor na sunduin siya ay parang nasusugat ang puso ko’ng nakikitang nawawasak ang anak ko dahil sa kabiguang ikaw ay maibalik sa kaniya at muling mabuo ang inyong pamilya. Kaya naman sobrang saya ko noong panahon na nagkasundo kayo tungkol kay Gio. Unti-unti ay naibabalik noon si Greg sa dati niyang sigla. Kung nakita mo lang sana iyon noong mga panahon na nais na niyang ayusin ang lahat. Ngunit hindi kita masisisi kung napagod ka na. Patawad, Lara? Hindi ko ninais na danasin mo at ng apo ko ang lahat ng paghihirap na iyon. Patawarin mo kami.” Iyon na lang ang mga salitang binitawan ni Melinda sa kaniya. Sa tagal ng panahon na itinago niya iyon sa loob niya. Naging magandang pagkakataon pa itong nangyari na muling makausap si Lara. Simula ng bumaba ito sa bahay nila ay kailanman hindi na ito bumalik dahil sa sama ng mga alaalang naiwan sa apat na sulok ng bahay na iyon. Hinawakan ni Lara ang kamay ni Melinda. Nararamdaman niya ang sinseridad nito. Alam niyang lahat ay gagawin ng isang inau pang masiguro ang kaligtasan ng anak. Matanda na siya upang mag-asikaso kay Greg kung ay ipinaubaya nito kay Lara ang pag-aasikaso sa mga kakailanganin nito. “Ma? Dadalhin ko syudad si Greg para maagapan ang dapat maagapan. Si Gio po, pupuntahan ko saglit sa bahay. At kukuha na din ng mga gamit ni Greg. Aalis kami ngayong hapon din upang maasikaso siya sa kabilang ospital. Maaasahan ko po ba na hindi niyo pababayaan ang bata?” “Huwag kang mag-aalala kay Gio, Lara. Kaya naming siyang alagaan ni Laura. Alam mong hindi pababayaan sa bahay ang anak mo. Lagi akong tatawag sa iyo kung mayroon mang magiging problema. Narito ang passbook at ATM ni Greg. Naalala mo pa ba ang password niyan? Hindi niya pinalitan kahit naghiwalay kayo. Sa akin niya ito inihabilin. Nag-iipon siya para sa kinabukasan ninyo. Dahil umaasa siya na balang araw ay maayos kayo. Kung hindi man, ay masiguro na maayos ang magiging kinabukasan ni Gio.” Kumunot ang noo ni Lara dahil sa hindi napaniwalaan ang narinig mula sa biyenan. Kapakanan pa din naman pala nila ang iniisip ni Greg kahit na ipinagtatabuyan niya ito. Halos sumabog ang puso niya sa mga narinig. Ang buong akala niyang nawala na ng tuluyan ang pag-aalala ng asawa sa kanila ay mali pala. “Ma, akyat po muna kayo sa kwarto ni Greg, nailipat na po siya. Uwi lang ako.” Paalam ni Lara. Samantalang si Ivan ay nasa hindi kalayuan na nakatanaw sa kanilang dalawa. “Saglit, Lara. Parang may kasama ka kanina?” tanong ni Melinda. “Ma, kapatid ng boss ko. Hinatid ako dahil emergency. Hindi ko na hinindian dahil hindi na ako mapakali kanina. Ayon po siya nakatayo.” Itinuro ni Lara si Ivan. Lumingon naman si Melinda upang tingnan. Tumango lang ito sa kanilang dalawa. Napatango lang din si Melinda bilang pagtugon nito sa kaniya. Tumayo na silang dalawa. Inaakay ni Lara si Melinda paakyat ng hagdan upang ihatid kung saan naroon si Greg. Sumenyas lang siya kay Ivan na iniharap ang palad na nagpapahiwatig na hintayin siya at aakyat. Nakapamulsa si Ivan ng maabutan niya sa baba matapos na ihatid si Melinda. Tila nilalaro nito ang paa na maya-maya ay ginagalaw o dahil sa inip na din. Nilapitan niya ito. “Hey! Shall we eat? Ngayon pa lang ako nakaramdam ng gutom. Tara dalhin kita sa favorite restau ko kahit saglit lang. Then kailangan ko umuwi sa bahay to fix some needs. I’m taking him to the city for proper care and treatment. Ang sabi ni doc, after the operation and once he get healed a little, kakailanganin namin I rehab ang part na napilay para makarecover agad. Wala akong kakilalang therapist. Maghahanap pa ako. But I will try to ask some friends baka may pwede silang irecommend.” Paliwanag niya kay Ivan na nakikinig sa kaniya. Tumikhim si Ivan at tumingin sa mga mata ni Lara. “I can help you with the therapist.” Mabilis niyang sabi. “What? May kakilala ka?” “May kakilala ka. Hindi mo kailangan maghanap.” Ang sabi naman ni Ivan. “Wala nga akong kakilala ‘di ba? Nakikinig ka ba sa akin?” “Of course, it is all clear in my ears. That is why I said, I can help you.” Hindi na niya ito sinagot pa at hinila na niya sa pulsuhan dahil nagugutom na siya. Parang batang inaakay palabas ni Lara si Ivan. Hindi niya namalayan ang kaniya naging kilos. Saka niya lang binitawan noong bubunot ng phone sa bag niya. May tatawagan siya. Ang kaibigan na may-ari ng restaurant na kakainan nila. Nagpaluto na siya doon upang pagdating nila ay makakain sila. Nakakahiya kay Ivan na hindi pa ito nag-lunch and it’s late. “Did I made you wait long? I’m sorry kailangan mo magstay pa ng matagal.” nilingon niya sa gilid dahil nasa tabi niya si Ivan na naglalakad papunta sa parking area. “Hindi naman. I am always waiting for you kaya I don’t mind if it takes time.” Seryosong sabi niya. Napangiti ng lihim si Lara. Kahit papano ay naibsan ang pag-aalala niya dahil nagkausap na sila ng biyenan. At naroon naman si Ivan na handa siyang samahan sa pag-aasikaso sa asawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD