Chapter 30 BACK TO GREG

2097 Words
Chapter 30 Back to Greg “Hey, are you okay?” tanong ni Ivan sa kaniya. “I- I am.” Kabadong sagot ni Lara. “You don’t look fine. Pwede mo sabihin sa akin kung bakit.” Huminga ng malalim si Lara. Hindi alam kung paano sasabihin. “Greg is in the hospital. Naaksidente daw. I needed to come home dahil si Gio kailangan ako.” hindi mapalagay ang loob ni Lara. Kinakabahan ba siya? Inabot ni Ivan ang kamay ni Lara upang ipaalala na naroon siya sa tabi niya at hindi kailangan mangamba. Napatingin siya sa kaniya. Bahagyang ngumiti sa kaniya upang patahanin saglit ang pangamba niya. “Thank you. Magfocus ka sa pag drive. Okay lang ako. Don’t worry.” Pagpapasiguro niya kay Ivan na ayos na lang siya. Hindi maintindihan ni Lara na tila nais kumawala ng kaniyang luha mula sa kaniyang mga mata. Natatakot ba siya na kung ano ang nangyari kay Greg? Subalit baka hindi naman malubha dahil nagawa pa nitong tawagan siya. Nasa ospital na ba siya noong oras na iyon? Marahil oo nasa ospital ito noong oras na kinausap siya sa phone. Kinuha niya ang phone niya at nagdial ng numero ni Melinda. Nagring ito sa kabilang linya. “Ma, nasaan kayo? Tumawag si Greg sa akin kanina. Ano po ba ang nangyari?” tanong ni Lara. Ilang minute lang ang pag-uusap nila ng biyenan at ibinaba n ani Lara ang phone. Sinabi ni Lara kay Ivan ang pupuntang ospital. Mabuti na lang at kabisado niya ang daan kung kaya mabilis nilang narating ang ospital. Habang binabaklas ni Lara ang seat belt ay kinausap siya ni Ivan. “Samahan kita sa loob.” Alok niya kay Lara. Natigilan si Lara saglit dahil hindi alam kung oo papayagan niya o hindi. Tumingin siya sa kaniyang mga mata. Nakakahiyang iwanan niya ito doon ng mag-isa kung kaya ay minabuti niyang tumango na lang at saka na bumaba. Sabay silang naglakad papasok ng ospital. Halatang taranta si Lara sap ag-aalala kung napano na si Greg. Nagtanong siya sa admitting section kung saan naroon si Greg. Maraming pasyente ang inaasikaso ng mga nurse sa loob. Hirap pa siyang makita si Greg dahil wala itong malay. Nakita niyang naka-lab gown na ito at mayroong tinuturok ang nurse sa kaniya. Nilapitan niya si Greg. Pinagmasdan dahil hindi alam kung ano ba ang sasabihin. Her emotion left her speechless. Nasa may kalayuan lang si Ivan watching her. Mayroong brace ang leeg nito at may bendahe sa bandang noo. Nakapikit ang mga mata na tila mayroong pasa sa gilid. Nakabalot ng bandage ang mga paa. Nakatusok sa kaniyang kanang kamay ang swero na kumukonekta sa IV niya. Awang-awa sa kalagayan ng asawa. Kinausap ni Lara ang nurse na umaasikaso kay Greg sa oras na iyon. Wala doon si Melinda, tanging si Greg lang ang naroon. Nagtataka siya kung sino ang nagdala kay Greg sa ospital. “Miss ano ba ang nangyari? Kanina pa ba siya dito? Sino ang kasama niya na nagpunta dito? Gising ba siya kanina ng dalhin dito?” alalang tanong ni Lara sa nurse. Lumingon ang nurse kay Lara at humarap ng tuluyan. “Maam kaano-ano niyo ba ang pasyente?” tanong ng nurse. “A-asawa niya ako.” Sagot naman ni Lara. “Naaksidente po kasi si sir, naipit po ang binti niya sa driver’s seat. Nadaanan po siya ng rescue team na pabalik na sana sa headquarters, sila po ang nagdala sa kaniya dito. Nainform na po namin ang nasa contact niya kanina. Kayo po ba si Tina?” tanong ng nurse kay Lara. Tila muling napunit ang puso niya ng marinig ang pangalang iyon. Iyong malamig na pakiramdam na nagpapahina sa kaniyang kalooban. Bakas sa mukha ni Lara ang pagkadismaya. Marahil si Tina ang tinawagan dahil iyon ang nasa contact list niya. Subalit tumawag din si Greg sa kaniya. “Miss? Nasaan ang mga gamit ng asawa ko?” tanong niya sa nurse habang abala ito sap ag-ayos ng IV ni Greg. “Ah nandito po sa loob ng drawer. DIyan ko po muna itinabi kasi kanina pa po kami naghihintay ng folks ni sir. Mabuti po at dumating na kayo.” Paliwanag nito. Nagababa ng tingin si Lara sa drawer na nasa kaliwang bahagi ng higaan ni Greg. “May mga kakailanganin pa ba siya? Nasuri na ba siya ng doctor?” tanong ni Lara. “Maya-maya po babalik si doc. Ang habilin kasi niya na kapag may folks na darating ipaalam agad sa kaniya. Ipapaalam ko pa lang po muna kay doc.” Tumango si Lara. At tumalikod na din ang nurse papalayo sa kinatatayuan niya. Napatakip siya ng bibig dahil pinipigil ang sarili na umiyak. Nakikita siya ni Ivan mula sa kinatatayuan nito. Lumapit siya kay Lara upang tapikin sa balikat. “Hey, he will be fine. Don’t cry.” Ang sabi ni Ivan. Tumango lang siya at hindi na umimik. Palaisipan pa sa kaniya kung paanong nahantong sa ganoong kalagayan si Greg na nakaratay sa ospital. Bumalik ang nurse kay Lara. “Maam excuse me po. May ipapa fill-out lang po sana akong mga forms para po sa pasyente.” Inaabot iyon ng nurse kay Lara at nagbigay ng instruction sa mga gagawin. Tila nakalutang lang siya at walang ulirat. Hinawakan siya ni Ivan sa balikat. “Will you allow me to do it fo you? I-fill out mo lang iyan, ako na lang ang mag-aasikaso. You may stay beside him.” Alok nito sa kaniya. Lumingon siya sa kaniya. “No.” umiling si Lara. Malungkot ang mga mata. “Ako na ang bahala. You may leave me here.” Ang sabi niya kay Ivan. “Hindi, mamaya na ako aalis. I’ll see to it na okay na bago kita iwan.” Iyon ang malumanay na sabi ni Ivan sa kaniya. Tila nagpapalakas sa kalooban niya ang mga salitang iyon. Bakit kailangan nito mag-stay sa tabi niya knowing nasa harap sila ng asawa niya. He really cares for her kahit na ganito ang sitwasyon nila. Kinuha ni Lara ang iniabot na papel mula sa nurse. Naupo siya sa tabi ng bed ni Greg habang si Ivan naman ay nasa likod lang niya. Nagsusulat si Lara ng mga impormasyon ni Greg para sa admission. Nakita niya ang relationhip to the patient at natigilan siya saglit. Napaisip pero maya-maya ay nagsulat niya ng wife dahil hindi pa naman sila legally separated ng asawa niya. Natapos niya ifill-out iyon. Tumayo siya bitbit ang bag niya at nagtungo sa admitting section at iniabot ang papel na iyon. Ng pabalik na sila sa emergency room ay may nakasalubong silang dalawa. Nagkrus ang tingin nila. Ang mga mata ng babae sa harap niya ay tila nahihiyang tumitig sa kaniya ng diretso. Malikot ang mga iyon na kung maari lang na huwag na siya tingnan. Akma sanang tatalikod ang babae upang lumayo. “Tina!” tawag ni Lara sa kaniya. Tumigil siya sa pagkilos at hinarap si Lara. Hindi ito nagsasalita. Naghihintay na may sasabihin si Lara sa kaniya. Nagkatinginan silang dalawa. Kita sa mga tingin ni Lara ang nag-aalab na pagkamuhi sa babaeng dahilan ng pagkawala ng kaniyang anak. At ngayon nasa sitwasyong ito si Greg, talagang nagpakita pa siya sa ospital. Nagtaka naman si Ivan kung bakit tila nag-iba ang tono ng pananalita ni Lara. Ngayon niya naalala na marahil ito nga ang sinasabi ni Lara na babae ng asawa niya. Humawak si Ivan sa braso ni Lara para sana ilayo ito dahil nasa punto pa siya ng pag-aalala sa kalagayan ni Greg. Tumahan ang damdaming nag-aalab sa galit. Hindi niya maintindihan kung bakit sa pagkakataong iyon ay bigla na lang napawi ang galit niya kay Tina na hindi na niya magawang magsalita ng kung ano. O baka naman panandalian lang ang pakiramdam na iyon. “Let’s go now. Deal with her later. Kailangan ka ng asawa mo.” Bulong ni Ivan sa kaniya. Walang anumang sumunod din si Lara kay Ivan. Naiwan si Tina sa kaniyang kinatatayuan. Subalit ang paningin ni Lara ay tila nanunusok na tatagos hanggang buto ni Tina. Hindi na nagawang humakbang pa ni Tina upang pumasok sa emergency room dahil naroon na si Lara. Inabot ni Lara sa nurse ang papel na galing sa admitting section. Nasulyapan niya na mayroong doctor sa tabi ni Greg na nakaupo. Tila kilala niya ang lalaking iyon. Nilapitan niya ito at binati. “Hi, doc. Excuse me po. I am Mrs. Ledesma.” Pakilala ni Lara sa kaniya. Humarap ito sa kaniya at agad naman na tumayo upang harapin siya. “Lara?” tanong nito. Siya si Doctor Rafael Lopez ang kababata ni Greg na siyang sumuri din sa kaniya noong dinala siya ni Greg sa ospital bago niya nalaman na nagdadalang tao siya. “Kamusta ka na? Matagal na tayong hindi nagkita.” Ang sabi niya. Niyakap niya ito saglit. “Kanina ka pa ba?” tanong ni Rafael. Tumango lang si Lara. “But anyway. Here’s my bestfriend. He undergone X-ray a while ago. Mabuti na lang at on duty ako. He really doesn’t look good as I assess ng maabutan ko na inaasikaso siya ng nurses. He’s got broken legs based sa intial assessment ko. As for now pinatulog ko siya to lessen his pain. He needs to undergo surgery I think, but that to be confirmed when the ortho arrives. Nasa manila pa kasi si doc Vallez, but tinawagan ko na siya. He said he will be here at midnight. So bukas pwede natin ischedule si Greg. Okay lang ba? But if not, we can take him to Iloilo as soon as possible.” Ang sabi ni doc Lopez. Hindi nakaimik si Lara dahil nag-aalala sa kalagayan nito. Tanging malalim na paghinga lang nagging tugon niya. Nanginginig ang katawan niya. Takot ang siyang bumabagabag sa kaniya. Takot para kay Gio. “Raf? Ano ba ang dapat gawin? Kasi bukas pa dadating ang surgeon ninyo?” tanong ni Lara. “If gusto mo, we will transfer him right away to Medical City.” Napapikit siya ng mariin dahil sa tono ng pananalita nito ay mukhang malubha nga ang kalagayan ni Greg. “Will he still walk after?” tanong niya. “We will see after the operation kung gaano kalaki ang damage sa loob. Naipit siya sa driver’s seat eh. Mabuti na lang at naagapan siya ng mga rescuer. His was crashed in a tree. Mabilis siguro ang takbo niya, blind side eh, maybe he tried na iwasan ang nakasalubong niya kaya nawalan siya ng control at bumangga sa puno.” Unti-unti na lang namuo ang luha sa mga mata niya. Ang kaninang pinipigilan ay ngayon tuluyan ng bumuhos. Rafael tapped her shoulders. “Magpasabi ka sa nurse kung kailangan niyo ako. Nasa doctor’s lounge lang ako. Don’t worry a matter of hours he will be awake. Don’t cry now. Mapagagalitan ako ng asawa mo niyan. Hinahayaan kitang umiyak.” Ang sabi naman niya. “Thank you, Raf.I’ll tell you right away if decided na kami na itransfer siya ng hospital. Tatawagan ko si mama.” Ang sabi naman ni Lara. “O siya! Maiwan ko muna kayo.” Ang paalam niya kay Lara. Tumalikod na si Rafael at halos naguguluhan si Lara kung ano ang gagawin. Nagtaas siya ng tingin kay Ivan. Ano nga ba ang magagawa nito sa dindala niyang problema ngayon. “Hey! I think kailangan mo ng bumalik.” “No, I’m staying for a while. Wala ka pang kasama dito.” “Tatawagan ko ang mama niya. Ito nga ang problema ko. If I leave him here, there will be nobody na mag-aasikaso sa kaniya. Matanda na si mama para isipin pa niya si Greg. And I can’t let that woman get in here. Hindi ko siya kilala kung aalagaan ba niya si Greg sa sitwasyong ito?” “I understand. Aren’t you hungry? Shall I buy you a meal?” alok ni Ivan. “No, ikaw baka gutom ka na?” “Hindi rin. Maybe mamaya na lang. Sa labas muna ako. If kailangan moa ko, just call me. I will be here right away.” Tinapik ni Ivan sa balikat si Lara saka ito lumabas. Naupo si Lara sa upuan na nasa tabi ng bed ni Greg. She stared at him. Ang lungkot-lungkot ng mga mata niya. Naalala niya na tatawag siya kay Melinda. Kinuha niya ang phone niya sa bag niya at idinial ang numero nito. Nag-ring ang phone nito sa kabilang linya. “Ma, pupunta ka po ba dito? Mag-usap po tayo.” Ang tanging nasabi ni Lara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD