Chapter 29 Tell Me About It

1135 Words
Naiserve na ang inorder nilang pagkain. Tahimik lang si Ivan na nakasandal sa upuan habang habang ang kamay nito ay nasa kanyang baba. Tila may malalim na iniisip. Nahalata iyon ni Lara. Kaya naman nagboluntaryo na lang siyang maglagay ng pagkain sa pinggan nito na siyang umagaw sa kaniyang pansin. “Hey! Ako na ‘yan. Huwag mo akong pakikitaan ng ganiyan. Baka hanapin ko.” ang sabi ni Ivan. Ngumiti si Lara at hindi tinigil hanggang sa natapos niyang lagyan. “Bakit kasi tahimik ka? Ano ba ang bumabagabag sa isip mo? May problema ba? O ganiyan ka ba talaga minsan? Tahimik at malalim ang iniisip?” “Nothing. Kumain na lang tayo.” Ang sagot naman niya. “Hmm. Feeling ko talaga hindi ka okay.” Ang sabi ni Lara habang hawak ang kutsara at tinidor dahil handa ng kumain. “Tell me. Please?” ang sabi niya habang ang mga mata ay nagpapaamo dito upang marinig kung ano ang bumabagabag sa isip ni Ivan. Ngumisi si Ivan ng mata ang ganoong itsura ni Lara. Mas lalo yata ay nabibihag nito ang loob niya. Tila isang batang nanghihingi ng pabor ng mapagbigyan agad. “Ayan you look better kasi nakangiti ka na. Sana huwag ka ng sisimangot. Nakakatakot ka kasi kung ganyan ang istura mo.” “Nakakatakot ako pag seryoso?” tanong niya kay Lara. Tumango ito habang ngumunguya ng pagkain. “Kain na, mamaya na kita kukulitin ng tanong. Masarap ang food nila dito. Sana one-time madala ko dito si Gio. For sure matutuwa iyon na makakita ng mga farm animals.” “Sure! kailan mo gusto? I’ll take you two here.” Sabat ni Ivan. “Ha? Anong kailan ko gusto? Hindi na, ako na ang bahala. Hindi mo pwedeng iwanan ang negosyo. Unahin mo ‘yun, wala kang kikitain sa akin.” “It’s not about money. Ganoon ba iniisip mo? Kaya ba rejected agad ako?” “Wow! No offense! Hindi iyon. I mean mas mahalaga naman ang personal thing mo, at yung sa akin din. Quality time ko ‘yun sa anak ko kaya huwag. Isa pa, I’m not sure yet if I can take him here. Malayo ang biyahe. Pag-isipan ko muna.” Naging masaya kahit papano ang usapan nila kahit alam ni Lara na mayroong bumabagabag sa loob ni Ivan. Pabalik na sila ng city kaya naman sa biyahe ay patuloy lang ang usapan nilang dalawa. “Hey! I know may something na bumabagabag sa’yo. Will you tell me? Maybe I can help? Kahit tagapakinig mo na lang.” “I don’t think so, Lara. Kailan nga pala ang balik mo sa Aklan? Gusto kita ihatid pauwi sa inyo.” “Ha? Maghahatid ka? Hindi na kailangan. Vincent will take care of me. Isa pa, malayo. Wala kang kasama pabalik.” “Parang ang tanda-tanda ko naman niyan sa sinabi mon a kailangan ko pa ang kasama pabalik dito.” “Hindi naman. Of course, gusto ko safe ka naman makabalik in case. But, promise talaga okay lang na si Vincent ang maghatid sa akin pauwi. Sabay kami pumunta. Sabay kaming uuwi. “I would still want to kahit hindi ka sa akin sumabay.” Kunot noong bumaling ng tingin si Lara sa kanya dahil sa makulit. Hindi na siya kumontra dito at nanahimik na lang. “I’m leaving in a week.” Ang sabi ni Ivan. “What? Saan ka pupunta?” “Swiss!” At parang may anghel na napadaan sa pagitan nilang dalawa. Iyon ba ang dahilan ng biglaang timpla ng mood ni Ivan? Sino ba kasi ang tumawag at naging tahimik na ito pagkatapos noon. “Uuwi ka sa wife mo?” mahinang tono na tanong ni Lara. Tumango lang si Ivan at sinilipan ng tingin si Lara. “Will you miss me?” nakangiti si Ivan habang tinatanong niya iyon kay Lara. Tipid na ngumiti si Lara sa kaniya. “Siya ba ang tumawag kanina? Bakit biglang nag-iba ba ang mood mo? Pwede ko ba malaman bakit?” “Do you really want to know?” Tumango si Lara. “Then have a date with me habang nandito ka pa sa malapit.” Nagtaas ang kilay niya dahil hindi inaasahan ang sinabi nito sa kaniya. “Ano naman kinalaman nun sa pinagdadaanan mo? Ayan ka na naman. Hindi pa ba sapat na araw-araw magkasama tayo. Ano ba pinagkaiba?” “Meron. Were doing business here. Sinasamahan kita dahil part ng work mo at napakiusapan ako ng ate ko. Gusto ko yung sasama ka sa akin like you have nothing to be worried about.” “Sige! Then kailangan mo mag reconcile sa wife mo after nito.” “What? Why do you keep on pushing me?” “I am not! Gusto ko lang na you take your time together. You are a righteous man, she deserves you always. Paano naman niyo maayos eh nandito ka.” “Same with yours, Lara. Ang lapit-lapit niyo lang sa isa’t-isa pero hindi niyo din maayos.” “Iba iyong sa amin. You Know na may other woman. Ikaw, wala ka noon. At ang wife mo, wala din noon.” Hindi na umimik si Ivan sa kaniya. Bumalik sila ng hotel. Pagbaba ni Lara sa sasakyan ay nagring ang phone niya. Tumatawag si Greg. Sinagot niya iyon. “Bakit ka napatawag? May problemaba?” “Anong nangyari?” “Bakit?” “Okay. I’ll pack up and be home.” Iyon lang ang mga narinig ni Ivan mula kay Lara. Lumapit siya sa kaniya. “Anything happened?” tanong ni Ivan. “I need to go home. Kailangan ako.” “Ihahatid kita.” Alok ni Ivan. “No! Maraming bus na pwedeng masakyan. Okay lang.” “I insist! Ihahatid kita.” “Please? Huwag na.” “Still I will follow you.” Nagbuntong-hininga si Lara at tumango na lang dahil nangungulit itong isa sa kaniya at alam niyang susunod nga ito. Mabilis na umakyat si Lara sa kwarto niya upang mag-impake ng mga gamit. Hindi na siya babalik doon dahil kailangan na niyang umuwi. Hindi maganda ang balitang narinig mula kay Greg. Isa-isang pinasok ni Lara ang mga damit sa maleta. At niligpit ang mga personal na gamit niya. Lumabas siya ng kwarto at bumaba sa reception area para ibalim doon ang susi ng kwarto niya. Nasalubong siya ni Vincent na papaakyat sa itaas. “O? Nakaimpake ka na? Three days pa bago tayo uuwi. Anong nangyari?” tanong ni vince sa kaniya. “Ill tell you later. Kailangan ko ng umalis. Titext kita mamaya.” Nagmamadali si Lara at sinalubong ng isang staff ang maleta niya upang bitbitin patungo sa sasakyan ni Ivan. Isinakay doon sa compartment. Umakyat naman si Lara sa passenger's seat at saka na sila umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD