Chapter 28 Something Weird

1765 Words
Lumipas ang gabi ng masayang kwentuhan. Kinaumagahan ay gumising kay Lara ang tunog ng alarm niya sa cellphone nito. Sa araw na ito ay pupuntahan nila ng boss niya ang site kung saan itatayo ang building ng extension office nila. Bumangon siya at naupo saglit. Tila wala pa sa sarili ng makita ang sofa kung saan sila nag-usap ni Ivan kagabi. Hinahagilap sa diwa niya kung ano ang mga nangyari. Napangita siya ng bahagya dahil isang magandang alaala ang pagkakataong mayroon silang dalawa. Subalit nagtataka at malinis na ang kwarto dahil naalala niya na kumain pa siya ng ice cream kagabi at uminom naman itong si Ivan habang tinatapos ang iginuguhit nito sa sketch pad. Kinuha niya ang cellphone niya at binuksan upang tawagan sana si Ivan. Subalit noong buksan niya ito ay mayroon nang message na naghihintay na basahin niya. Ivan: Good morning, Lara I’ll see you at the lobby at 8am. Napatingin siya sa oras at alas syete na ng umaga. Inilapag niya ang cellphone at tumungo na sa cr para maligo. Pagkababa niya ay nasa lobby nga si Ivan. Bihis na bihis suot ang long sleeves na midnight blue at naka slacks din ito. Ang linis niyang tingnan na hindi mahalata ang tinatagong edad sa kasuotan niya. Lihim na ngumiti si Lara. Nakakaaliw lang dahil parang may manliligaw siyang nag-aabang kahit sinabi na niya dito na walang mangyayari sa pagitan nilang dalawa dahil pareho silang nakatali sa mga asawa nila. “Lara we will do business with the Gomez’ kaya kumalma ka lang.” bulong niya sa kaniyang sarili. Naglakad siya papunta sa kaniya. “Hello good morning, sir.” Bati niya at sabay na yumuko ng bahagya. “Saan ang punta mo niyan? Bakit bihis na bihis ka?” tanong niya. “Ang aga mo naman mang-inis. Sasama ako. Ate told me hindi siya makakasama dahil may emergency meeting siya. Kaya in behalf of her, ako ang sasama sa iyo. I’ll drive for you.” “Wow? Okay hindi ako kokontra because this is for work’s sake.” Naglakad silang magkasabay papalabas sa hotel at tumungo sa sasakyan. Habang nasa daan ay kinausap ni Ivan si Lara. “Would you like to eat bago dumiretso sa site?” “No, I want to be there as soon as possible. Kailangan ko ma secure muna na okay na ang mga equipments and check also the materials kung may naideliver na ba? Then saka na ako kakain. Are you hungry?” “No, I had my coffee earlier. I’m thinking lang baka nagugutom ka.” “I’m fine. Unahin ko ang work para mamaya libre akong gawin ang gusto ko.” “Okay then.” Sabi naman ni Ivan. Biglang tumunog ang phone ni Ivan at hindi nito pinansin. “O may tawag ka, sagutin mom una baka importante.” Sabi ni Lara. “Mamaya na. I’m driving.” “No, stop for a while at sagutin mo.” Nagsignal si Ivan na papagilid. Kinuha niya ang phone niya at sinagot. Tanging yes lang ang naririnig ni Lara kay Ivan sa kausap nito sa phone. Nagpatuloy sa pagdrive si Ivan at narating na nga nila ang site. Bumaba si Lara at tumambad sa kaniya ang malawak na area na iyon kung saan may mga heavy equipments na nakapark. Ang mga materials ay nakahanda na din sa isang temporary warehouse na itinayo upang may mapaglagyan ng mga kakailanganin sa construction. Mayroon na ding barracks ang mga construction workers na nakahanda na anytime na sisimulan ang pagpapagawa. Kahit mayroong in charge doon ay kinailangan niya pa din siguruhin na ayos ang lahat. May sumalubong sa kanila. “Kuya magandang umaga po.” Bati ni Lara. Dali-dali din sa paglakad ang lalaki at hinarap sila. “Magandang umaga po maam at sir. Kayo po ba ang ipinadala ni Maam Cherry na mag check sa site?” tanong nito. “Ay opo. Ako po pala si Lara Ledesma at kasama ko po ang—” putol na sabi ni Lara. “Driver niya ako.” Biglang singit ni Ivan. “Ah opo!” mabilis naman na sinang-ayunan ni Lara kahit nagtaka kung bakit ganoon ang sinabi ni Ivan. “Titingin-tingin lang po muna kami para maireport sa kaniya kung okay na para simulan ang pagpapagawa. Gusto niya din malaman kung may matutuluyan na ang mga taong gagawa. So far parang okay na din. Pero gusto ko sana ikutin ang buong area, pwede po ba?” pakiusap ni Lara. ‘Ay sige maam sunod po kayo sa akin.” Ang sabi naman ng lalaki. Inikot ng ani Lara ang buong area. May mga inihabilin siya sa lalaking iyon upang masigurong magiging maayos ang kalagayan ng mga construction workers at maging ligtas din ang mga ito. “Kuya gusto ko sana magdagdag tayo ng isang room sa bahaging ito. Magpapalagay po tayo ng first aid kits at iilang emergency materials in case po may mangyari sa mga workers natin ay mayroon pong magagamit pansamantala.” Bilin ni Lara. “Sige po, maam maraming Salamat po sa pag-aalala, bukas po pasisimulan ko po ang pagtatayo.” Sagot naman nito sa kaniya. Hindi napansin ni Lara si Ivan na hindi na sumusunod sa kaniya. Naging abala siya sap ag check ng mga kulang sa site. Natapos na silang mag-usap ng lalaking humarap sa kanila kung kaya nilingon-lingon niya ang paligid para hanapin si Ivan. May kausap ito sa cellphone niya at napakaseryoso ng mukha niya. Tila napaka importante ng pinag-uusapan nila ng kausap niya sa cellphone. Hinayaan na lang niya muna at naupo malapit sa may puno upang magpalilim dahil mataas na ang araw sa oras na iyon. Mga limang minuto pa ay lumapit na si Ivan sa kaniya. “Hey! Tapos na ba? I’m sorry I needed to pick up that phone call. Hindi tuloy ako nakasunod sa inyo.” Paliwanag niya. “Okay lang, you can do your thing. Trabaho ko to, pinasama ka lang ni Maam sa akin. Kaya huwag ka mag-aalala.” Sabi naman ni Lara sa kaniya upang hindi na pag-alalahanin si Ivan. Sa pagkakataong ito ang phone naman niya ang tutmunog. Kinuha niya iyon sa loob ng bag niya at tiningnan kung sino ang tumatawag. “Excuse me, sagutin ko lang to.” Sabi niya kay Ivan. Naglakad papalayo si Lara sa kinatatayuan ni Ivan at sinagot ang tawag. Mula doon ay tinitingnan ni Ivan si Lara. Nakikita din iyon ni Lara. Napapangiti ito sa kaniya. At palihim din siyang ngumiti. Sabay na tumatango habang may kausap sa phone. Hindi malaman ni Ivan kung ang mga ngiting iyon ba ay para sa kaniya o para sa kausap nito sa phone. Napapatango na lang si Lara sa kausap nito habang nakikinig. Curious tuloy si Ivan kung sino iyon. Tila kinikilig itong si Lara sa kausap. Nangunot ang noo niya sa pagtataka kung sino ang kausap ni Lara. Namataan ni Lara ma magkasalikop ang mga bisig nito sa may dibdib habang abang na abang sa kaniyang palapit. Napangiti siya na kung may anong kumiliti sa kaniya. Natatawa sa itsura ni Ivan na seryoso at sa kaniya lang nakapako ang mga tingin. Nagtaas ng bahagya ang kilay ni Lara at huminga ng malalim. Saka ngumiti sa kaniya. “So? Shall we go now?’ ang tanong niya kay Ivan. “Who was that?” tanong nito sa kaniya na tila iba ang timpla sa tono. “Si kuya ba? Uhm hindi ko naitanong ang pangalan. Nawili ako sa paghahabilin sa kaniya ng mga kakailanganin.” Sagot ni Lara. “No, it’s not that.” Umiling si Ivan. “I mean who called you?” malamig ang boses nito ng itanong iyon. Napaawang ang mga bibig na tila nawalan ng ulirat dahil hindi inaasahan ang itatanong ito sa kaniya lalo pa at may kakaiba sa ekspresyon ng mukha at sat ono ng pananalita niya. “Ano-- iyong agent ko sa lupa. Siya ang tumawag.” Sagot ni Lara habang pinapahid ang pawis sa noo dahil sa init ng panahon. “Ah! Good.” Iniabot ni Ivan ang isang panyo kay Lara. Tinanggap naman niya iyon, nakuha na niya ang ibig nitong ipabatid a ipunas niya sa kaniyang pawis ang panyo at huwag ang kamay. At agad na tumalikod na ito upang tumungo na palabas papunta sa sasakyan. Sumunod si Lara habang nagpupunas ng pawis niya. Napapangiti dahil sa inaakto nitong isa sa kaniya. Umakyat sila ng sasakyan at noong nasa loob na. “Let’s find something to eat.” Ang sabi ni Ivan. Tumingin si Lara sa kaniya. “Okay.” Sagot ni Lara. Tahimik silang binaybay ang daan upang maghanap ng pwedeng makainan. Pumasok sila sa isang Farm resort na malapit lang sa pinutahang site. “Hey! Anong gagawin dito?” tanong ni Lara. “Kakain tayo. Easy lang, kakain lang. Masarap ang exotic foods nila dito.” Sabi ni Ivan. “Ha? Exotic?” Nag-asim ang mukha ni Lara ng marinig iyon. Ni hindi pa siya nakain ng ganoong mga pagkain. “Don’t worry you can pick what you like to eat. Ako lang ang kakain kung hindi mo gusto. They serve din naman ng pork, chicken, beef and fish or even vegetable dishes kaya huwag ka mag-alala. You will like it here.” Sabi naman ni Ivan. Tumango lang si Lara at tila nabuhayan ang loob dahil marami din naman pala silang mapagpipilian. Pumwesto sila sa area na kung saan ay overlooking ang malawak na farm area dahil nasa hilltop ang dining area doon. Nakakawalang stress ang paligid. Tahimik, presko ang hanging dumadampi sa kanila. Maraming mga alagang baka, kambing at mayroon ding ostritch sa may kalayuan na mayroong sariling malawak na kulungan. Kinuhanan ni Lara ng larawan ang bahaging iyon dahil sa namangha siya at nasiyahan sa kaniyang nakita. “You like it?” tanong ni Ivan habang nakaupo sa harap niya. “Oo ang ganda dito. Napawi agad ang pagod ko. Thank you ng marami sa pagsama. Treat ko ang breakfast natin.” Ang sabi niya dito. “No, it’s on me. Please don’t disagree.” Ang pakiusap ni Ivan sa kaniya. “Okay, boss! Hindi na ako mag-insist ng gusto ko. You got me covered.” At tumawa silang dalawa ng sabihin iyon ni Lara. Nag-ring ang phone ni Ivan na nakapatong sa mesa. Kinuha niya at pinatay matapos silipin kung sino ang tumatawag. Nakita iyon ni Lara at bakas sa mukha niya kung paano na lang nag-iba ang timpla ng mood ni Ivan. Nahihiwagaan dahil kanina lang ay okay pa ito at ngayon ay tila mayroong kinaiinisan na hindi niya malaman kung ano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD