“Pero seryoso?” napatingala saglit si Lara na parang mayroong hinahagilap sa diwa.
“I still love him. And I still want him despite of all the pain I been through. Despite of all the loses. I don’t know. Bakit hindi ko pa rin siya magawa na hindi na mahalin.” Nagkibit balikat si Lara.
“Wow! I really can’t believe it. Bakit mahal mo pa?” tanong ni Ivan.
“Aba malay ko sa puso ko. Tanga lang talaga.” Tipid na ngumiti ito kay Ivan.
“You deserve better. Bakit mo naman ikinukulong ang sarili mo sa kaniya?” pangungusisa ni Ivan.
“Maybe dahil sa anak ko. Ayoko naman na magkaiba ang apelido naming just because hindi na kami okay ng dad niya. Alam mo yung pakiramdam na, I wish to save myself but I cannot compromise my child.” Paliwanag ni Lara.
“At bakit ayaw mo ma compromise?”
“Of course, sino ba nagdala sa kaniya sa mundo? Hindi ba kami ng dad niya? So I think we need to be married pa din kahit hindi na magkasama.”
Humarap si Ivan kay Lara.
“Lara, I admire you a lot. The first time I saw you sa hallway actually parang nakakita ako ng someone I won’t get tired of looking.” Napakalumanay ng pagkakasabi niya nito.
“That day kasi you smiled at me. Akala ko may gusto ka sa akin.” Pabirong dagdag ni Ivan upang mapangiti si Lara.
“Hindi kita crush! Ano ka ba? Naamaze ako tingnan ka. You look so smart kahit simple lang pananamit mo. Desente ka sa kilos pati sa pananalita. I admire those men lang.”
“Those men? Marami kami?” paglilinaw ni Ivan sa kaniya.
“Anong marami?” napaismid si Lara sa narinig at nangunot ang noo nito na nakatingin kat Ivan.
“I mean, iyong mga tulad mo. Ganiyan dapat ka-desente lagi kahit sa kilos.” Paliwanag niya.
“Ibahin natin ang usapan. If given a chance na makipaghiwalay ka legally, okay sayo?” seryosong tanong ni Ivan.
“What? Seryoso ka sa tanong mo?” napalunok siya. Bahagyang nagtaas ang kilay niya.
“I am!” sagot naman ni Ivan.
Umiling lang si Lara dahil hindi malaman kung ano ba talaga ang nais niya isagot doon.
“Silence means yes, Lara.” Ang sabi ni Ivan.
“I am willing to help you process the annulment. I will pay for it to make it fast.” Ang sabi niya sa kaniya.
“Bakit ako magpapa-annul?” tanong ni Lara.
“Wala ka ba plano na mag settle down with someone you love and someone who loves you?”
“Settle? Is that it? I’ve been fooled for so long by the man I married. I don’t think getting into another relationship would heal me from the pain that killed me for years.” Ito ang himutok niya habang unti-unti ay naramdaman niyang nag-iinit ang pisngi niya. Galit ba ulit iyon?
“Why do you forbid yourself to live a life? Iyong buhay na para naman sa iyo. I am willing to give up my marriage with my wife. I want you, Lara.” Mariing sabi ni Ivan sa kaniya.
Napahilamos si Lara sa mga narinig niya kay Ivan. Tila hindi makapaniwala na nagiging seryoso na ang takbo ng usapan.
“You are really going insane, Ivan. Go and live your life. You have a wife to hold on to. Ako, I only have a son to live with. Kailangan ako ng anak ko. I do not want to hurt him.” Napailing si Lara.
“He loves Greg so much, and I don’t think it is best for me to find someone to love again.” Masasaktan si Gio, and I do not want that to happen.
Hinawakan ni Ivan ng mahigpit ang kamay ni Lara.
“Hey! Look at me! I am sorry if pakiramdamdam mo, pressure ito. I was just trying to help you. I thought you were so lonely and hoping for someone to pick you and care for you. You are strong and firm with your beliefs. But aren’t you sad? To live this way?” sabi ni Ivan sa kaniya.
She looked in his eyes. Nakikita niya ang pagnanasang maialay niya ang pagmamahal niya sa kaniya. Subalit naguguluhan ang isip ni Lara. She didn’t see it coming. Sa maikling panahon na sila ay nagkakilala tila mayroong humihila sa kaniya papalapit na kahit anong gawing iwas ay pilit pa din na malalapit.
Napabuntong hininga si Ivan dahil natahimik si Lara.
“Lara I think I am really in love with you. Hindi ko alam kung paano napunta sa ganito, but I really do.” Prangkang sabi ni Ivan.
“But!” pagtutol ni Lara.
“Nagpipgil ako ng sarili ko na hindi kita ma-harrass. Gustong-gusto kita halikan. But I still managed to control myself. Ganiyan kita ka mahal. Hindi kita pwedeng pwersahin sa bagay na ayaw mo. I do not want to disappoint you, not even once, Lara.”
He was so sincere when he told her. Walang maisip si Lara na sasabihin. Nabigla siya sa sunod-sunod na rebelasyong narinig niya. Tila siya ay lumulutang sa kawalan.
Bumabalik sa isipan niya ang nangyari sa nakaraan. Ganoon din ba ang mga sinabi ni Greg kay Tina kung kaya makapit ang babaeng iyon sa asawa niya? Ganito ba ang ginagawa ng dalawang taong parehong tali na at nakahanap ng iba? Hindi niya maitimbang sa sarili dahil si Greg lang ang lalaking inibig niya sa mahabang panahon. Ni minsan ay hindi niya naisip na magmamahal siya ng iba. Tanging ang pinakasalang lalaki lang ang pinag-alayan ng sarili at puso ang natutunan niyang mahalin.
Yumuko siya at unti-unting pumatak ang mga luha mula sa mga mata. Naramdaman niya ang sinseridad ni Ivan. Naramdaman niya ang sakit dahil hindi niya pwedeng mapagbigyan iyon lalo pa at may asawa silang pareho. Ayaw ni Lara na matulad siya kay Tina na siyang dahilan ng pagkawasak ng pagsasama nila ni Greg.
“Gusto kong malaman mo ang dahilan ng hindi ko paghilum hanggang ngayon.” Ang bungad ni Lara.
“Four years ago, I got pregnant sa second baby namin. It was not planned na mag-aanak ulit. But we were so delighted to know na may incoming baby. Ang saya-saya ng eldest ko.” Napapangiti ng bahagya si Lara ng simulan ang pagkukwento.
“But that day before the revelation na buntis ako. I found something strange mula sa phone ng husband ko.” biglang nag-iba ang timpla ng boses niya.
“There was this cryptic message from a girl named Tina.” Huminga siya ng malalim.
“That moment broke me. I fell on the ground, rushed to the hospital at ayun. We found out I was pregnant. It was damn hard for me to live day by day.” Tumigil siya saglit.
Pinisil ni Ivan ang kamay niya. Tumingin siya sa kaniya ng may bumabalot na kalungkutan sa mga mata niya.
“I was so depressed. I skipped many meals. But I do not have the strength to confront my husband about it.” Napatingala siya trying to pull back her tears.
“I was so afraid that I might lose him.” Tipid siya na ngumiti kay Ivan.
“One day I caught that woman called my husband. She calls her daddy, just like how I call him. I flared up and got no control anymore. We talked and I forgave him as he assured he do not have an intimate relationship with her. Although I know they keep on seeing each other in private. I saw them many times but I did not tell my husband about what I know. I always wanted to keep us in tact, whole. All for my son’s sake. I know I was so stupid to let things slip that easy. I endured all the pain. I swallowed my pride and taken myself for granted. Those choices I made was for our family. But one day, I caught him and that woman, together. They were so happy to be with each other. I wanted to step back and let them live that way. But I lost my angel on that very moment. I regret. I hated myself for allowing them take away my life. The pain they caused me, caused too much. It caused my angel’s life. If only she lived, I think wala ako dito. Maybe I am happy raising my two kids alone.” Her tears fell like a withered leaf from a tree.
“But that is life.” Nagkibit-balikat siya.
“I allowed fear to control my mind. I did a very wrong decision. I was a fool to believe in all his lies. Masakit but I hate myself more, na sa kabila ng lahat, I still hope to get things back. Pero hindi ko magawa. Tina is still there.” Gumalaw si Lara at sumandal sa sofa.
“Ayoko i-beg ang husband ko to stay with us. I found out this woman got pregnant a year after ako nakunan. Grabe ‘yun. Nakakatawa kasi we were in the process sana for reconciliation. Tapos pumasok ulit sa eksena ang babae. Buntis daw siya. Si Greg daw ang ama. Another wound to heal na naman on my part. So, I decided myself to finally distance from them. Each day I am praying na humilum ang sakit sa loob. I don’t know, there are times I feel okay, but there were times also that I don’t.” Lumingon siya kay Ivan.
Hindi nakaimik si Ivan. Hindi na niya napigilan hinila at niyakap niya si Lara ng mahigpit.
Nais niyang iparamdam na siya ay handang hilumin ang sugat na dinadala nito.
“Hey! Enough with the hugs. Aanhin ko pa ba iyan?” ang bulong niya dito.
Napangiti si Ivan. Dahil sa kabila ng lungkot ng mga pinagdaanan nito ay nagagawa pa din niyang magpatawa.
“Don’t keep it yourself, Lara. I know you are hurting. Allow me to feel that pain too.” Sabi niya.
Kumalas si Lara at hinarap siya.
“Ano ka ba? Ang sarap ng buhay mo. Masaya ang buhay mo. Huwag mo na pangarapin ang buhay na kasama ako.” ngumiti siya dito.
“I think you should go. It’s late already. Naistorbo na kita ng sobra-sobra. Go and take a rest.” Sabi ni Lara kay Ivan.
Umiling siya. Sa halip ay tumayo at kumuha ng wine na nakapatong sa ibabaw ng fridge at ice bucket na pinasok niya sa fridge kanina ng ihatid iyon ng staff. Bumukas siya ng freezer at inilabas ang ice cream mula doon.
“Here you go. Kumain ka nito pangtanggal hang-over.” Alok niya.”
Ngumiti na lang si Lara dahil kahit anong taboy niya dito ay ayaw pa din siyang tantanan.