Chapter 26 With You

1304 Words
Mahimbing ang tulog niya na pinagmamasdan ni Ivan. Namulat ang kaniyang mga mata na nasa harap ito ng kama niya. Nilapitan siya nito at kinausap.   “Are you okay now?” he gently asked with his husky soft voice. Biglang nabuhayan ang loob ni Lara ng marinig niya ang boses ni Ivan. She felt secured like wala siyang dapat ipag-alala sa mga oras na iyon. “Medyo nahihilo pa. Bakit ka nandito?” tanong niya. “To watch over you while sleeping. Baka may kailangan ka. I can get it for you.” Bumangon si Lara at naupo sa kama. “Lumapit ka nga hindi kita gaanong marinig.” Wika ni Lara na tila ay malat ang lalamunan dahil kagigising lang. Napailing si Ivan ng marinig ang sinabi ni Lara. “I can’t. Dito lang ako. May tinatapos pa ako.” “Bakit?” kunot noong tanong ni Lara. Bakas sa mukha na nairita sa sinabi ni Ivan. “As much as I can keep myself here. I would. Baka hindi ako makapagpigil.” Umiiwas siya ng tingin kay Lara habang patuloy sa pagguhit hawak ang lapis. “Hindi ka makakapagpigil? Why? Do you want me?” Nakatingin lang si Ivan sa kaniyang mga mata. Tumayo si Lara at sumunod naman ang paningin ni Ivan sa kaniya. Tinungo ang pintuan. Hinawakan ang door knob at akmang bubuksan. Humarap siya ng bahagya kay Ivan. Seryoso ang mukha niya at tila nag-uusok ang tingin niya kay Ivan. “You may now leave if you want to keep your distance from me.” Malamig na tono na sinabi ni Lara. Tumayo si Ivan at dali-daling nilapitan si Lara. Hinawakan niya ang kamay nito na nakahawak sa door knob. Biglang napalakas ang pagdagundong ng dibdib niya noong hawakan siya nito. She looked up and saw how Ivan stared at her. It was like he was trying to get into her, reading what is inside her mind. She can feel the warmth of his breath as he slowly moves closer to her face.   “You want me to leave?” tanong ni Ivan sa kaniya. “I am giving you an option. Pwede ka ng umalis. Huwag na  natin palawigin ang usapang ito.” Ang sabi ni Lara. Hinapit ni Ivan ang baywang niya at ipinulupot nito ang kamay sa likod niya ng dahan-dahan. Nakasuot lang ng robe na puti si Lara dahil iyon ang ibinihis ng staff sa kaniya. Halos masilip na nito ang nasa loob noon. Walang anumang agad na yumakap si Greg sa kaniya ng mahigpit. Hindi nakaimik si Lara mula sa pagkakayakap niya. Nakiramdam lang siya sa kaniyang paghinga habang tumataas at bumababa ang kaniyang dibdib. Malalim at dinig niya ang t***k ng puso nito na bumabalot sa katahimikan ng buong kwarto. Halos hindi rin alam ni Lara kung paano kakalas dahil tila nagugustuhan niya ang pagyakap na iyon. Napapikit ang kaniyang mga mata habang yakap siya niya.   Nais niyang bumungad ng salita kay Ivan subalit hindi niya maigalaw ang sarili. Natatakot na  lumikha ng ingay dahil nakikiramdam siya sa kaniya.   Hinahaplos nito ang kaniyang nakalugay na buhok. Marahan na sinusuklay na tila pinatatahan siya.   Hindi na nakatiis si Lara at tumkhim. Huminga ng malalim. Tinapik niya sa likod si Ivan isang hudyat na bitawan siya.   Niluwagan ni Ivan ang pagkakayakap sa kaniya. “Please don’t let go for a while, Lara.” He gently whispered on his ears. Inaamoy nito ang buhok niya. Nakakaramdam na si Lara ng pagkailang dahil naalala niyang amoy alacohol pa siya.   “Why do you have to do this?” tanong ni Lara. “Allow me to hug you. I am happy everytime I am close to you. Huwag mo ako ipagtatabuyan. Please. I promise not to hurt you or do anything that may disappoint you. Trust me.” Mariin na pakiusap ni Ivan sa kaniya.   “Anong oras na ba?” tanong ni Lara sa kaniya habang nakakulong pa din ito sa mga braso niya. “Bakit nandito ka pa sa kwarto ko? Hindi ka ba napapagod?” tanong niya dito. Umiling si Ivan at hindi pa din kumakalas mula sa pagkakayakap kay Lara.   “Naaamoy ko ang sarili ko. Amoy alak. Baka pwede kumalas ka na ng yakap. Nakakahiya.” naiilang niya sabi sa kaniya.   “What if I won’t? What if I tell you I better be here even if the morning comes? Gusto ko ang amoy mo. Kahit alak pa iyan. Just let me stay this way.”   Napangiti ng bahagya si Lara. “Ano ba kasi itong ginagawa natin? I mean why do you cling on me? Baka pwede maupo tayo? Mabigat ka din naman no? Napapagod na ako.”   Humalik si Ivan sa ulo niya at kumalas. He held her hand and walked her papunta sa sofa. Naupo silang dalawa.   “Ngayon hawak mo na ang kamay ko?” tanong niya kay Ivan habang nakaharap. Hindi niya namalayan ang sarili na nakarobe lang. Titig na titig lang si Ivan sa kaniya na hindi pa gaanong nakuha ang make up nito mula sa ball.   “I’m sorry If hindi ko na napigilang hindi ka hawakan.” Ang sabi ni Ivan. Napatingin si Lara sa mesa na nasa harap nila. Nandoon ang sketch na ginawa ni Ivan. Hindi pa siguro iyon natatapos dahil nakalutang ang katawan ng babaeng natutulog. Hindi niya alam kung iyon na ba? Kung tapos na o may kulang pa. Dinampot iyon ni Lara.   “Wow! You did this?” ang sabi niya na manghang-mangha sa ginawa ni Ivan. Napakamot ng ulo at yumuko ng bahagya. “Wala kasi akong magawa kaya naman naisipan ko magpahatid ng gamit ko dito. Alam kong uuwi ka sa inyo pagkatapos ng business transactions niyo dito. So I wish to keep you through it.” He honestly said.   Napangiti si Lara. Ngiting kilig na kilig dahil hindi makapaniwala na gagawan siya noon.   “Salamat!” malambing niyang pagkasabi. May lambing sa kaniyang tinig sa galak dahil sa paghanga ni Ivan sa kaniya. “You are welcome!” tipid-ngiti niyang sagot.   “Matagal ka na ba nagpipinta?” tanong ni Lara. “Oo. Pero matagal na din na hindi na nakakapagpinta.” “You missed your wife?” ang tanong ni Lara na nakakaintriga. Napaisip si Ivan. “Do I? You think?” tanong niya kay Lara. Tumango siya at nangiti dito. “Yeah! I guess, so. Namimiss mo siya. Bakit hindi mo tawagan? Mag-usap kayo.” Ang sabi ni Lara.   “She’s busy. Wala siyang time.” Sagot naman niya. “How’d you know?” dagdag ni Lara. “I can feel it.” Sabi ni Ivan. “I think not. Nagtatampo ka sa kaniya. I know that hug isn’t really for me. You long for her, right?” “I don’t know. Maybe I am confused?” sabi Ivan. “Confused your face! Ano ka teen? Alam mo sa sarili mo ang nararamdaman mo. And I know alam mo ang reason bakit mo ako niyakap.” Nakatingin lang si Lara sa mga mata ni Ivan. He looked at here too. “You’re so beautiful, Lara. Why can’t I hold myself back? I keep on missing you.” Sabi niya. Napangiti ng bahagya si Lara. Those words she heard was the exact words na sinabi ni Greg sa kaniya noong nanliligaw pa lang ito. “I have a question for you.” Sabi ni Ivan. “Ano ba ang nangyari bakit kayo naghiwalay ng asawa mo?” tanong niya dito dahil hindi detalyado ang pagkakakwento nito noong nakaraan. Huminga ng malalim si Lara. “Kailangan ko ba ikwento?” nangunot ang noo niya ng itanong iyon. “Of course, kung okay lang naman sa iyo.” Ang sabi naman ni Ivan. “Ah! Paano ko ba sisimulan?” pabirong tanong ni Lara. At nagtawanan silang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD