Ibinili ni Ivan ng masusuot si Lara para sa ball. Hindi na tumanggi dahil sa pagpupumilit nito. Mag-isang nag-ayos si Lara ng sarili sa kaniyang kwarto.
Nagdilim na ang paligid at oras na ng pagdadatingan ng mga dadalo sa ball.
May kumatok sa pinto ng kaniyang kwarto.
Ipinagbukas naman ito ni Lara.
Si Vincent na bihis na bihis sa itim na suit. Tiningnan siya nito mula paa paitaas. Tila nakangwi pa ito habang binabaybay ng mga mata ang ayos niya.
“Oh my! Friend? Pupunta ka ba ng ganiyan lang ang itsura mo? Ang fabulous ng dress tapos bare face?”
Bulalas ni Vince kay Lara. Hinawakan niya ito sa braso at pinapasok. Pinaupo sa harap ng salamin at humawak sa balikat niya. He bent a little closer to Lara at bumulong sa kaniyang tainga.
“Look at you! Ang ganda-ganda mo pero hindi mo man lang pinaganda lalo. Anong klaseng babae ka ba? Mag-ayos ka naman ng mukha mo. Ayoko tumabi sayo kung ganiyan ka lang.”
Nangunot ang noo ni Lara at bahagyang napangiwi sa mga sinabi ni Vince.
“Ano ba dapat? Wala akong time para maghanap ng salon at magpaganda.” Ang sabi niya habang tinitingnan ang sarili mula sa paa niya paitaas.
Hindi na umimik si Vince. Pinaupo niya si Lara sa harap ng salamain. Agad na kumuha ng sponge na idinampi sa compact na may powder at pinahid sa mukha ni Lara para ayusin ito. Tila ngapipinta lang itong si Vince sa mukha niya. Isang obra maestra na nais niyang ipagmalaki sa mga katrabaho kapag lumabas na sila ng kwarto. Inayos niya ang hugis ng kilay ni Lara gamit ang eyebrow liner. Naglagay ng blush on na marahan niyang naiblend. Naglagay ng eyeshadow na bagay sa shade ng suot ni Lara. Saka nilagyan ng mascara ang pilik mata nito at lipstick naman sa bibig.
Ilang minuto pa nang natapos niyang ayusan si Lara.
Bumuklat ang mga mata at tumambad sa salamin ang napakagandang gawa ni Vince. Nangislap ang mga mata ni Lara. Hindi lubos makapaniwala na ganoon lang kadali para kay Vince na pagmukhain siyang maganda. Kahit na likas na talaga ang kagandahan niya.
Tumayo siya at tiningnan ang buong sarili sa salamin.
“Wow!” natahimik saglit si Lara. Tila hindi makapaniwala na siya ang nakita niya sa salamin. “Vince what would I do without you?”
“Of course! Kailangan kitang pagandahin. Nahahalata ko pa naman may laging nakabuntot sa iyo. Hmm friend sino yung hottie na iyon? Pwedeng pa share?”
Humalakhak si Lara sa narinig mula kay Vince.
“Ano ka ba? Hottie ka eh boss na din natin iyon. Kapatid ni Maam Cherry. Kung gusto mo, sayo na ng sa ganoon ay makapag-enjoy naman ako ng buhay ko.”
“Oh! Why? Is he courting you? Talaga?” napatili si Vince.
“Ay? Magtigil ka nga! Sobra naman ito mag isip.”
“At bakit? Teenager ka girl? Kailangan ng confession then proposal?”
“Ano ba? Tama na ang intriga. Ayoko isipin dahil ayoko masira ang focus ko sa work. I am okay. And trying to move on everyday. Alam mo naman lahat. Ayoko sa relasyon na iyan. Kasal pa din ako kahit saan mang lupalop ng mundo ako dalhin.”
“Ito naman, nanunuyo ka ng ilang taon na. Hindi na masama ang kaunting dilig friend. Ang hot pa naman niya.”
“Hot? Sus! Ikaw yata ang napapaso. Tigilan mo ako Vincent ha. Huwag mo ako ipinagbibili.”
Dinampot ni Lara ang sandals at isinuot. Three inches iyon. At saka dinampot ang clutch bag na terno din ng suot niyang sandals.
“O tara na at marami pa akong aasikasuhin.” Yaya niya kay Vince.
Lumabas na sila ng kwarto at tumungo sa Golden Cowry Hall kung saan ay gaganapin ang party. Pagpasok pa lang ni Lara at Vince. Agad nakaagaw ng pansin si Lara sa mga naroroon. Ang tangkad niya tingnan sa long gown na kulay black accented with silver stones at tumitingkad din ang suot na sandals sa paa.
“Friend all eyes on you. Tingnan mo sila. Ang galing ko talaga mag-ayos. Naappreciate nila ang make up mo.” Bulong ni Vince.
“Ano ka ba? Sa iyo sila nakatingin at biglang nagtrasform ka sa isang matipunong lalaki. Tingnan mo naman ang mga brasong iyan. Ang titigas at ang mga dibdib na parang pader. Mas yummy ka sa paningin nila.” Panunukso ni Lara.
“Alam mo friend, minsan kadiri ka. Bakit yummy ako sa paningin mo? Lumayo ka na lang kung mahalay ka tumingin sa akin. Nakakadiri.” Kunot noo at nakangiwi si Vince ng sabihin iyon sa kaibigan kahit alam niyang binibiro lang siya nito.
Ngumiti si Lara dahil laging ganiyan si Vince sa kaniya.
Naglalakad silang dalawa na nakahawak si Lara sa braso ni Vince. Mayroong sumalubong na lalaking nakasuot ng chinese colarred long sleeves na mayroong blazer na black. Napaka-linis niya tingnan. Iyong tipong ayaw na tanggalin ang kanilang pagkakatitig sa kaniya dahil bagay na bagay ang suot nito sa kaniya. Lalong nangibabaw ang kaniyang kagwapohan.
Biglang nagtama ang tingin nila ni Lara. Lumapit pa ng kaunti kay Lara na nakahawak kay Vince. Ang mga mata ni Ivan ay nakatingin sa braso ni Vince kung saan doon nakapulupot ang braso ni Lara.
“Hi! Good evening!” Nakangiting bati niya kay Lara.
“Hello Sir! Good evening din po.” Sagot naman ni Vince. Binaklas niya ang kamay ni Lara sa kaniyang braso.
Tumingin si Lara kay Vince na titig na titig kay Ivan. Sa kaniyang isipan ay tila hinuhubaran ni Vince ng dahan-dahan ang p*********i nito sa lagkit ng kaniyang tingin. Nagtaas ng kilay si Lara dahil sa reaksiyong iyon ni Vince. Tila kinikilig ang baklang ito ng makita si Ivan.
Tumikhim si Lara at kinurot ng palihim si Vince sa tagiliran nito na naging dahilan ng biglang pag’igtad niya sa harap ni Ivan.
“By the way, Vince I would like you to meet, Sir Ivan Gomez, brother ni Maam Cherry. Sir si Vincent po friend at office mate ko.” pakilala ni Lara.
“Hello Vince!” ngumiti at iniabot ni Ivan ang kaniyang kanang kamay kay Vince upang makipag-kamay. Agad naman na tinugunan ni Vince iyon na napahigpit ang paghawak sa kamay nito.
“Please to meet you, Sir Ivan. Ang pogi pala ng kapatid ni Maam Cherry hindi ba, Lara?”
Palihim na inapakan ni Lara ang kanang pa ani Vince dahil nahihiya sa mga pinaggagawa ng kaibigan.
Ngumiti lang si Ivan na tila naiilang sa sinabi ni Vince dahil kaharap niya si Lara. Halata sa kaniyang kilos at mukha.
Ang mga mata ngayon ni Ivan ay nakapako na kay Lara. He looked at her from her high heels hanggang sa ulo. Lalo pa at kumurba ang napaliit na beywang ni Lara kung tatantiyain ay nasa 26 lang iyon. Hindi makataan ng bakas ng paggiging ina dahil sa bata pa siyang tingnan.
“You look gorgeous tonight, Lara.” Ang sabi ni Ivan.
Kumurap ang mga mata ni Lara. Nag-iwas ng tingin kay Ivan at nag-isip ng sasabihin upang tuluyang iwasan muna siya.
“Excuse me, maiwan ko muna kayo. Baka kailangan ako ni Maam Cherry anytime.”
“No, Lara I came to welcome you two and take you kung nasaan si Ate.”
“Ha? A. Ako na po. Ako na lang ang maghahanap kay maam.” Nauutal na sabi ni Lara dahil sa nagmamadaling ibigkas ang mga salitang iyon.
Halatang umiiwas ito sa mga tingin ni Ivan. Napapabilis ang pintig sa kaniyang dibdib. Isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag sa kaniyang sarili. Tila kakapusin siya ng hininga.
“I insist, Lara. Wala dito sa loob si ate. She’s outside iniwan ko saglit.” Pagpupumilit ni Ivan.
Tinulak ng bahagya ni Vince sa Lara upang mas mapalapit sa tabi ni Vince kahit kaharap na nila ito.
Kahit walang sinasabi si Lara kay Vincent ay nahalata nito kung paano titigan ni Ivan si Lara. Isang titig ng pagkahumaling sa kagandahang taglay ng kaibigan.
Tumikhim muli si Lara na tila malat na ang lalamunan dahil sa walang humpay na paglunok ng kaniyang laway simula ng makaharap niya si Ivan.
“Shall I walk you now, Lara?” Ivan asked in a gentle way.
“Ah! Oo. Opo, Sir. Saan ba naroon si Maam? After you po.” Ito ang tugon niya sabay senyas ng kaniyang kamay na nagpapahiwatig kay Ivan na susunod siya.
Walang anumang hinawakan ni Ivan si Lara sa kaliwang kamay nito dahil may hawak na clutch bag sa kaniyang kanang kamay.
May kung anong dumaloy na gulat at kaba sa kaniyang sistema ng maramdaman ang pagdampi ng kamay ni Ivan sa kamay niya.
Hindi nagawang alisin ang pagkakahawak ni Ivan sa kaniyang kamay. Tila biglaan siyang naposas at nawala sa sarili dahil hindi na nagawang magsalita. Nag-aalinlangan siyang humakbang subalit naunang humakbang si Ivan at sumunod na lamang ang kaniyang mga paa sa lakad niya.
Dahil nasa sitwasyon na hindi pwedeng magreklamo sa kapatid ng boss niya she decided to walk confidently ng hindi mapahiya si Ivan. Hindi na nagawang lumingon ni Lara kay Vince.
Naglakad silang magkahawak kamay. Nararamdaman ni Lara ang kaba dahil nahihiya ito kay Ivan. Subalit unti-unting napapanatag ang kaniyang kalooban habang nararamdaman niya ang init ng kaniyang palad sa palad niyang nanlalamig.
Tumigil saglit si Ivan at may sinabi sa kaniya. Lumingon ito at nakatingin sa kaniyang mga mata.
“Hey are you cold? Parang may yelo akong hawak. Okay ka lang ba? Aren’t you sick?”
“Okay lang ako. Maybe nanlamig ako sa lakas ng aircon. Masyadong manipis ang pinili mo para sa akin.” Nahihiyang sabi niya.
Hinila ni Ivan si Lara sa gilid ng hall at binitawan ang kaniyang kamay. Walang anumang naghubad ng coat si Ivan at inilagay iyon sa kaniyang balikat upang pansamantalang mainitan ang kaniyang katawan.
Sumunod lang ang mga mata ni Lara sa mga ginagawa ni Ivan. Nais niyang tutulan iyon subalit hindi na nagawang bumuka ng kaniyang bibig.
“Are you feeling better now?”
“Okay lang naman ako. Kaya ko ang lamig. I think hindi ako nilalamig talaga sa aircon.”
“Then why are your hands cold?”
“Kasi hawak mo nga. Pwede naman na maglakad tayo nang hindi magkahawak. Your employees knows you are married. Baka isipin nila na ano.”
“Isipin na ano?” seryosong tanong ni Ivan kay Lara
“Puntahan na natin si Maam. Naghihintay na iyon sa akin.”
Humakbang si Lara at hinayaang si Ivan ay sumunod sa kaniya. Subalit hindi pa nakakatatlong hakbang ay muling naramdaman niya ang biglang paghagip ni Ivan sa kamay niya. And this time he held her hand closer. He really made sure na hindi na lalamigin ang kamay ni Lara.
Hindi na niya nagawang tanggalin ang kamay mula sa pagkakahawak nito. Hinayaan na lang dahil alam niyang isang malaking insulto na iyon kay Ivan kung babawiin ang kamay niya.
Hindi pa nangangalahati ang lakad nila ay nasalubong na nila si Cherry. Nakangiti itong nakatingin sa kanilang dalawa. Nakasuot din siya ng itim na long gown at ang puti-puti niyang tingnan. Napaawang ang bibig ni Lara dahil sa hindi niya inaasahan na makikita ang boss niya sa ganoong itsura.
“Hello Lara! You look so beautiful tonight. Magaling talaga pumili itong kapatid ko ng damit. It really suits your personality.”
“Po? Oo nga po maam, si Vincent po ang nag-ayos sa akin. Thank you po sa inyo ni Sir Ivan at binigyan niyo ako ng pagkakataon na makapagsuot ng ganito ngayon.”
“It will always be our pleasure dear. Tara na and let’s eat together.”
Sumunod naman si Lara kay Cherry. But this time ay pilit niyang inilalayo ang sarili kay Ivan dahil ayaw na nitong gawin niya ang ginawa niya kanina.
Kumain silang tatlo sa isang round table. Maraming bisitang naroon subalit si Lara lang ang kasama ng magkapatid sa mesa.
“Maam pwede po ba lumipat ako ng table? Si Vincent kasi samahan ko sana.” Paalam niya kay Cherry.
“Hayaan mo muna si Vincent. Dito ka lang sa tabi ko. Maya-maya may kailangan ako. Mas maigi nandito ka.” ang sagot naman ni Cherry sa kaniya.
“Dito ka lang, Lara mas gaganahan ang ate kung nasa tabi ka niya.” Dagdag pa ni Ivan.
Tumingin si Lara kay Ivan na tila ay nanlilisik ang mga mata dahil nais niyang tumutol sana subalit itong isa ay lalong pumipigil sa kaniya na lumayo sa mesa.
Tanging matamis na ngiti lang ang tugon ni Ivan sa kaniya. Tila nang-aasar ang titig na iyon. Kahit anong pilit niyang lumayo ay pilit din itong nalalapit.
Nagkaroon ng announcement si Cherry sa mga bagong business partners nila at mga upcoming projects na approved na. Dahil doon ay nagsimulang mag serve ng mga inumin ang mga service crew ng hotel. Maraming pagpipilian, mayroong fruit punch drink, beers and wines.
Sa pagkakataong ito ay naging busy ang magkapatid sa pag-aasikaso sa kanilang mga bisita. Nagkaroon ng pagkakataon si Lara na makalapit kay Vincent at niyaya siyang uminom. Ikinuha siya ni Vincent ng wine at naupo silang dalawa sa table na malayo sa maraming tao.
“Oh, bakit ka nagmumukmok dito?” umupo si Vince sa harap niya.
“Ito oh sabayan mo ako maglasing.” Ang sabi ni Vince.
“Mamaya na ako. Tatawag muna ako kay Gio, I-check ko lang ang anak ko.”
Lumayo si Lara sa ingay at naghanap ng lugar upang makatawag sa anak. Alas nuebe na ng gabi. Maaabutan pa niyang gising ang anak. Hawak ang cellphone na nakatayo malapit sa garden ng hall ay nagdial siya ng numero ni Gio.
Nag-ring iyon at agad naman sumagot.
“Mommy! Bakit ngayon ka lang po tumawag?”
“Naging busy ang mommy kanina. I am sorry! Did you eat already?”
“Yeah. I was with lola Melinda and tiya Laura.” Matamlay na sagot ni Gio.
“What about your dad?” tanong niya.
“He’s not home yet, Mom. He said may kailangan puntahan po.”
“I see. How was school today?”
“It’s fun, Mom. We created paper mache using old newspapers. I made a hilarious puppy.” Sabay tawa nito habang nagkukwento sa ina.
“Why hilarious? I think I need to see that. Can you send me a photo?”
“Sure, Mom I’ll send you right away. Are you gonna hang up?”
“No nak. Namimiss kitang kausap.”
“LARA” ang tawag ng nasa likod niya.
“Love? I’ll hang up now. I will call you again tomorrow. Good night.”
“Good night, Mom. I miss you!”
Ibinaba ni Lara ang phone at nilingon ang tumawag sa kaniya.
Si Ivan ang nakangiting sumasalubong sa kaniya.
“I’ve been looking for you. Bakit nandito ka sa labas? Mahamog na.” alalang sabi niya.
“Ito naman. Matanda na ako para sa hamog na iyan. Tinawagan ko lang saglit ang anak ko.”
“You really don’t want to miss a little moment each day only to reach on your son.”
“Of course! Siya lang ang buhay ko. I always wanted to make sure na okay siya.”
Napatango na lang si Ivan. Hanga sa pagmamahal ni Lara sa anak niya.
“Excuse me muna, Sir kailangan kong balikan si Vince.”
“Sure! Balik na din ako sa loob.” Tumango si Ivan.
Tumalikod si Lara at tumungo sa kinaroroonan ni Vince. Naroon ang wine glass na dala ni Vince at isang bote ng wine.
Naupo siya at nagsimulang uminom mula sa wine glass na hawak.
Hindi umiimik si Lara kaya naman nahalata agad iyon ni Vince.
“Friend hindi mo ba namimis si papa Greg?” tanong ni Vince.
“Anong tanong iyan? Bakit mo ba binubuhay ang mga taong matagal ng patay sa akin.”
“Talaga? Patay na sa puso mo si papa Greg? Bakit? Hindi pa din ba nagtatapos ang monkey business ng haliparot na iyon?” tanong ni Vince.
“Hindi ko alam.” Sabay ng dire-diretsong paglagok ng wine.
“Hinay-hinay lang sa pag-inom ah.” Paalala ni Vince.
“Gusto ko na kalimutan ang tungkol sa kanila. Ayoko ng mabagabag pang muli. Mas masaya na tahimik ang buhay ko.”
“Bakit?” tanong ni Vince.
“Gusto kong uminom ngayong gabi minsan lang naman tayo ganito. Cheers!” Itinaas ni Lara ang kaniyang glass at sinalubong naman iyon ni Vince ng kaniyang wine glass.
Nawili si Lara dahil ang saya ng kwentuhan nilang dalawa ni Vince.
Hindi niya alam na nasa malapitan lang itong si Ivan nagbabantay sa kaniya. Minabuti niyang dumistansiya dito kaya dumikit siya kay Vince.
Ang akala niyang tatantanan siya ay mas lalo siyang binantayan.
Hanggang sa tuluyang lumalim ang gabi. Naunang tumayo si Vince at medyo lasing na din. Nakita iyon ni Ivan na ginigising nito si Lara na naidlip na sa kaniyang kinauupuan.
Hindi na nakatiis si Ivan at nilapitan niya ang dalawa.
“Vince? Is Lara alright?” tanong niya.
“Nakatulog na po ito. Buhatin ko sana, pero hilo na din po ako kaya ginigising ko na lang.”
“Allow me.” Alok niya kay Vince.
“Sir huwag na lang po. Gigising din iyan si Lara.”
Narinig ni Lara ang usapan nila. Inangat niya ang kaniyang ulo at tumaas ng tingin kay Vince.
“Hey! Hindi mo ko kaya sabayan. I told you, I can knock you down.” Ang sabi nito kahit na namimilipit ang dila dahil sa kalasingan. Ngumisi siya kahit halos pipikit na ang mga mata.
“Tara na sa taas you’re drunk.” Sabi ni Vince.
“Who’s drunk? Hindi ako uminom. Okay lang ako.” Dali-daling inangat ang sarili upang makatayo.
Muntikan na siyang masubsob sa mesa subalit mas mabilis ang reflexes ni Ivan at nasalo niya sa kaniyang braso si Lara at hindi natuluyan.
Naramdaman niya ang pagbagsak ng kaniyang katawan sa matipunong braso ni Ivan.
Tiningnan niya si Ivan. Napangisi siya bigla. Inayos ang pagkakatayo at hinarap niya ito.
Ipinatong niya ang dalawang kamay sa balikat ni Ivan at tinitigan sa mga mata.
“Dad? Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay. Ang daya mo naman. Lasing na si Vince.” Usal ni Lara kay Ivan.
Hindi nakaimik si Vince dahil sa narinig mula sa mga bibig ni Lara.
Hinawakan ni Ivan ang dalawang braso ni Lara upang ayusin sana ang pagkakahawak niya sa kaniya. Subalit mas hinigpitan ni Lara ang pagkakakapit sa leeg niya. Halos magdikit ang mga mukha nila na lalong nadulot ng tensiyon kay Ivan. He can smell the scent of wine from her breath.
“Dad don’t you dare take it off. I’ll fall for sure. Just stay with me. Don’t leave me here. Or maybe? Let’s go. I want to go to bed now.” Ang sabi ng lasing na lasing na si Lara.
Ngumiti lang si Ivan dahil sa mga salitang nanggaling sa mga bibig ni Lara.
“Okay, Lara I will take you in your room now. Just allow me to hold you. I’ll walk you upstairs.” Bulong niya sa kaniya.
“Sure, Dad?” Lumiwanag ang mukha ni Lara na walang kalam-alam sa mga pinaggagagawa niya.
Umakbay siya kay Ivan. Mabuti na lang at iilan na lang ang naroon sa hall. Dahil nagsiuwian na ang ilan sa mga bisita. Si Cherry naman ay umakyat na sa room niya. Sumunod si Vince hawak ang sandals ni Lara. Hindi na nito kaya pang maglakad suot iyon. Dumiretso sila ng elevator.
Nakayapos ang mga braso ni Lara sa beywang ni Ivan. Wala siyang alam sa ginagawa niya. Panay niyang sinasambit si Greg. Tinatawag niyang daddy.
Nakarating na sila sa itaas at lumiko naman itong si Vince sa kaniyang kwarto. Hindi na daw niya kayang maglakad pa dahil hilo na din. Marami siyang nainom at naghalo na ang mga inumin niya kanina.
Magkasama si Lara at Ivan na naglakad pa din patungo sa kwarto ni Lara. Binuksan iyon ni Ivan gamit ang card key ni Lara. Pagbukas ng pinto ay agad na tumakbo si Lara papasok sa cr dahil naduduwal. Si Ivan naman ay tumawag ng room service sa phone.
“Ann? Papuntahin mo ngayon ang on duty na babaeng crew dito.” Iyon ang tanging habilin niya sa phone at ibinaba. Kumuha siya ng bath towel para ibigay kay Lara na nagsusuka sa toilet bowl.
“Lara are you alright?” tanong niya.
Hindi ito sumasagot sa kaniya. Halos malaglag na ang strap ng damit niya at hindi niya namamalayan. Nakikita iyon ni Ivan. Kung kaya ay inilagay niya sa balikat ni Lara ang putting towel upang matabunan iyon. Nanunukso umano ang makinis na balikat ni Lara.
Tumayo si Lara at naglakad papunta sa kama at doon ay nahiga. Hindi niya pinapansin si Ivan. Pumikit ang mga mata niya saglit. Maya-maya ay mayroon ng kumatok sa pintuan. Nasa cr pa si Ivan nagflush ng suka ni Lara sa toilet bowl. Lumabas si Ivan at binuksan ang pintuan.
“Sir nandito na po ako. May ipagagawa ka po?” tanong ng staff.
“Gusto kong punasan at bihisan mo ang guest natin. Linisin mo siya upang makapagpahinga ng maayo. Pagkatapos ay mag-akyat ka ng tea sa thermo cup para bukas paggising niya ay mayroon siyang pwedeng mainom pantanggal ng hang-over niya.”
“Okay po sir.” Pumasok na ang staff.
“Lalabas ako saglit. Tawagin moa ko kung tapos ka nang bihisan siya.” Habilin ni Ivan.
Lumabas siya at tumungo sa kaniyang kwarto. Doon ay nagbihis na din siya dahil nais na din magpahinga.
SAMANTALA si Lara ay inaasikaso na din ng staff ng hotel. Pinunasan siya nito mula ulo hanggang paa. Tinanggal ang kaniyang damit at tanging underwear lang ang naiwan subalit tinakpan naman iyon ng kumot ng staff habang pinapalitan niya ng robe si Lara. Iyon ang dinala ng staff upang mabilis lang na mapalitan ang suot nito. Pagkatapos ay iniwan ng staff si Lara na nakatulog na.
Kinatok niya sa kabilang kwarto si Ivan upang ipaalam na tapos na niyang asikasuhin ito. Agad naman lumabas si Ivan para tunguhin ang kwarto ni Lara.
Pagpasok niya ay mahimbing na ang tulog nito.
Minabuti niyang maupo sa sofa na nasa harap lang ng kama ni Lara. Pinagmamasdan ang kaniyang pagtulog. Tila ayaw niyang mabura ang itsura nito sa isipan niya. Unti-unti nang nakakagaanang loob nito si Lara. Subalit may panghihinayang sa isip dahil pareho na silang nakatali sa mga asawa nila.
Kumuha ng phone si Greg at may idinial na numero. Tinawagan niya iyon. Alas-onse na ng gabi. Ilang minuto lang ang lumipas ay may kumatok na sa pintuan ng kwarto.
Ang staff ng hotel ay may dala-dalang sketch pad na iniabot kay Ivan. Bumalik si Ivan sa sofa at inilatag sa mesa na nasa harap ang gamit. Pagkatapos ay tinungo niya ang maliit na fridge na naroon at may inilagay sa loob nito.
Ayaw niyang matulog kung kaya ay naisipang ipinta si Lara habang mahimbing ang tulog nito. Matagal na siyang nagpipinta subalit itinigil magmula ng lisanin siya ng kaniyang asawa. Tila natagalan bago muling nagkaroon ng inspirasyon si Ivan.
Tahimik niyang iginagalaw ang kamay sa ibabaw ng sketch pad. Dahan-dahan na iginuguhit ang imahe ni Lara habang mahimbing na natutulog.
Maingat na iginuguhit ang bawat detalye nito na tila ay saulado na niya kahit hindi niya titigan ng matagal si Lara.