Chapter 24 Ivan's Choice

1400 Words
Ivan’s Choice Nasa shop na sila ng fashion house na Persida’s Line and Couture, kung saan ibibili ng masusuot si Lara. Bumaba ng sasakyan si Ivan at pinagbukas siya. “Come on now, you will need much time para pumili.” Ang sabi ni Ivan sa nagmamatigas na si Lara. Hindi ito gumagalaw at tila ayaw bumaba. Naghihintay si Ivan na sana ay bumaba ito agad upang makapasok sa shop. Subalit hindi ito makitaan ng kagustuhan. He held her on her wrist para hatakin palabas ng sasakyan. Tiningnan ni Lara ang kamay na iyon at itinaas ang mga mata sa mukha ni Ivan. “Huwag na lang kasi. Hindi naman necessary na ibili. Kaya ko naman maghanap para sa sarili ko.” katwiran niya. “No, Lara magtatampo ang ate ko sa akin if you refuse. Tara na!” pakiusap ni Ivan with his husky soft voice. Nagbuntong hininga si Lara at saka na gumalaw upang bumaba. Inalalayan siya ni Ivan upang siguruhing ayos lang ito pagbaba. “Grabe ka naman. Ingat na ingat lang? Kaya ko naman mag-isang bumaba.” maktol na sinabi ni Lara. Napangiti si Ivan dahil sa kahit anong gawin ay ganito talaga si Lara, laging ipinakikita na kaya niya ang lahat ng bagay kahit ilang araw pa lang silang magkakilala. Lumakad sila papasok sa shop. Bumungad sa kanila ang classic interior ng shop. May sumalubong sa kanila. “Oh! Hello Ivan dear.” Bumati ang babaeng medyo may edad na at humalik sa pisngi nito. “Hi Persida! Kailangan ko ng para sa kaniya.” Sabay bulong sa kaibigan. Habang hawak nito ang balikat. Nagbaba ng tingin ang babae kay Lara hawak ang salamin nito upang kilatisin ang kaniyang pangangatawan. Ngumisi ang babae sa kaniya na hindi inaasahan ni Lara. “Oh! Bago ito?” tanong ni Persida. Ngumiti lang si Ivan at hindi sumagot. “Po? Bago lang po ako dito.” Sagot ni Lara dahil ayaw na may isipin ang babaeng iyon tungkol sa kanila ni Ivan. Ngumisi lang ang babae at nilapitan si Lara. Hinawakan sa braso at dinala sa area kung saan maraming naka hang na mga long gown. Namangha siya dahil sa dami ng mga magagarang mga long gown ang naroon na nakaayos batay sa shade ng mga ito. “You may pick your choice darling. Feel free to choose.” Ang sabi ni Persida habang ikinukumpas ang kamay nito na tila nagpipresenta ng kaniyang mga ginawa. Lumingon si Lara sa kinatatayuan ni Ivan. Nag-aalangan ito sa titig niya sa kaniya. “Ano kasi. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang isuot mamaya.” Nahihiyang sagot ni Lara habang nakatingin kay Ivan. Tumabi si Ivan kay Persida. Bumulong ito. Agad naman pumili at ibinigay kay Lara ang tatlong long gown at hinila ito papunta sa fitting room. “Go and fit these dear.” Ang sabi sa kaniya bago tuluyang isara ang pinto ng fitting area. Tumabi si Persida kay Ivan. “Girlfriend mo ba siya? Ang bata pa ah. Saan mo nakilala? Kailan pa iyan? Bakit wala kang sinasabi?” ang sunod-sunod na sabi ni Persida kay Ivan. Naupo siya at kumuha ng diyaryo sa shelf. “Mamaya na natin pag-usapan.” Tanging sagot ni Ivan sa kaniya. Ilang minuto pa ay lumabas na si Lara mula sa fitting room. Unang nakita ni Lara ang sarili sa ganoong suot. Kahit sya ay namangha. Subalit hindi mapalagay dahil sa napakahaba ng slit sa kaliwang legs na halos ilang pulgada na lang ang lapit nito sa kaniyang hita. Tinatakpan ni Lara ang bahaging iyon ng makita siya ni Ivan. Laglag ang panga ng lalaking ito na nakaupo sa harapan ng fitting room. Nasa may pintuan naman si Lara nakatayo na tila ay ayaw na mapalagay. Nilapitan siya ni Persida na lumiliwanag ang mga matang nakatingin sa kaniya. “Look at you! Ilang taon ka na ba? Ang ganda ng pagkaka sukat sa balakang mo. Dalaga ka pa ne?” tanong ni Persida habang inaayos ang sa bahaging baywang at likod ni Lara upang tuluyang mailaglag ang tela at mahubog ng kaniyang katawan ang desenyong iyon. Kumikintab ang kaputian ng kaniya mga balikat na tuluyang nailantad dahil sa manipis na nag-iisang strap sa kaliwang bahagi ng itim na long gown. Mayroon itong mga accent ng swarokski na kumikislap kapag natatamaan ng liwanag mula sa ilaw na dilaw sa loob ng shop. Hindi agad nakapagsalita si Ivan dahil kinikilatis pa niya ang bawat detalye ng damit mula sa balikat, dibdib, baywang, balakang at hanggang sa ibabang bahagi. Saktong sukat iyon kay Lara. Ang ganda-ganda ng pagkakahubog nito sa katawan niya. Subalit agad na nag-iba ang timpla ng reaksiyon ni Ivan dahil nakitang napakaiksi ng pagkakahati ng slit sa kaliwang legs ni Lara. “Magpalit ka. Try mo ang iba.” Seryosong sabi niya at bumalik sa pagbabasa ng diyaryo. Muling sumukat si Lara ng pulang long gown na ang desenyo naman ay nakabalot ang buong dibdib at labas ang ang balikat. Off shouldered iyon na mayroong manipis na telang nakalaylay sa magkabilang braso. Nangibabaw lalo ang kaniyang kaputian kahit simpleng simple lang ang deseniyo nito dahil walang mga accents na inilagay. Naka mermaid cut iyon ang her hips were perfectly shaped. Lumabas ulit siya ng fitting room at ipinakita sa kanila ang suot niya. Napahawak-kamay si Persida ng masilayan ang kagandahan ng gawa niya na isinukat ni Lara. “Almost perfect, dear. You look so sexy sa dress na iyan.” Lalapit n asana si Persida kay Lara ng biglang nagsalita si Ivan. “Patingin nga ako.” Pumagilid saglit si Persida at tinitingnan ang reaksiyon ni Ivan habang tinitingnan si Lara. “Kailan ka pa naging makilatis sa damit ng babae?” tanong ni Persida. “Wala na bang iba riyan? Masyadong masilaw sa mata.” Ang sabi niya. Napairap ng mata si Lara dahil napapagod na siyang magpalit. Pumasok siya ulit sa fitiing room at nagbihis ng kaniyang suot kanina. Lumabas siya mula doon na hindi nan aka gown. Nagulat si Persida dahil sa may hindi pa siya naisusukat na isang damit at nagbihis na ito. “O? Tapos ka na?” tanong ni Ivan. “Oo. I’ll pick the first one. Nakakapagod pumili. Ganoon pa din naman, damit pa din iyan.” Iniabot ni Lara kay Persida ang damit at nagnakaw ng nanunuksong tingin kay Ivan. Naupo si Lara sa sofa at tumayo naman itong si Ivan upang sundan si Persida sa counter. Inaayos nito ang piniling damit ni Lara upang siguruhin na walang sira iyon kahit bagong-bago pa. “Ang ganda ng girlfriend mo. Sigurado ka na ba diyan?” ang bulong ni Persida. Sumandal ng nakatagilid si Ivan sa counter at minamasdan si Lara na nakayuko dahil nagbubuklat ito ng magazine. “Ayaw niya.” Sagot niya kay Persida. “OH? Inayawan ang isang Ivan Gomez? Sa dami ng babaeng halos iladlad ang sarili sa iyo, itong isa ay ayaw?” ang sabi ni Persida. “Oo ayaw niya.” Sagot ni Ivan. “Ayaw niya maging mistress?” ang sabi ni Persida. “Let’s not talk about it. We have to go. By the way may sapatos ka dito na kasya sa kaniya? Hanapan mo ng pares ang gown niya.” Pahabol niyang sabi. “Naku tamang-tama at dumating na ang stocks ko para sa boutique. Titingnan ko sa loob. Ano ba ang size ng paa niya?” tanong ni Persida kay Ivan. Bumaling na lang ng tingin si Persida sa paa ni Lara upang tantiyain ang haba noon. Saka na siya tumalikod at pumasok sa pintuan papasok sa boutique niya dahil konektado lang iyon. Mayroong pumasok na isang babae na assistant ni Persida na siyang nagpatuloy ng pagbabalot sa biniling damit ni Ivan. Maya-maya pa ang dumating na si Persida bitbit ang dalawang box ng size eight na sandals na halos three inches ang takong na stiletto. “Masyadong manipis ang takong. Hindi ba mapapagod ang paa niya dito?” alalang tanong ni Ivan. “Mas maigi nga, para magpabuhat na lang iyan mamaya sa iyo.” Pabulong na sabi ni Persida. “Puro ka kalokohan. Palitan mo yung comportable sa paa niya.” Pakiusap niya. “Ganito na lang. Kunin mo itong dalawa at hayaan mo siyang magdecide mamaya kung alin dito ang isusuot niya. Ayoko makipagtalo sa iyo. Siya mag-susuot at hindi ikaw. Let her decide for herself.” Ang paliwanang ni Persida.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD