Chapter 23 Stay With Me

1542 Words
Sway with Me Lara “Lara, while I’m having a meeting with Mr. Yu pwede kang lumabas saglit. Maraming boutique sa paligid you can find what you’re missin for tonight’s event.” Bilin ni Cherry habang nagpeprepare ito na bumaba ng sasakyan. Tumingin si Ivan sa salamin upang silipin si Lara mula sa likod. Nagkasalubong ang mga mata nilang dalawa. Nakangiti ang mga mata ni Ivan kay Lara. Bigla naman umiwas ang mga mata ni Lara sa mga titig niya. “Maam I can stay po sa ibang table para in case you will need me madali niyo po ako matatawag.” alok ni Lara. “No, I insist you go and take the chance. Mag-uusap lang kami ni Mr. Yu then if I need something I will call you right away. Just keep your line open.” sagot naman ni Cherry sa kaniya. Bumaba si Ivan sa sasakyan upang ipagbukas ng pinto ang ate niya. “You owe me big time!” bulong ni Cherry sa kapatid. Ngumisi lang itong si Ivan. Biglang nagbukas ang pinto mula sa kinauupuan ni Lara. Napansin agad iyon ni Cherry. Lumingon siya at kinausap si Lara. “Hey, huwag ka na bumaba. Ivan is taking you in a boutique to find your dress for tonight.” Nanlaki ang mga mata ni Lara dahil sa narinig. Hindi niya alam na may ganoong plano sa hapong iyon. Hindi nila napag-usapan ng kaniyang boss na lalabas siya. “Maam, hindi po. Ayoko po kasama si Sir.” “And why?” biglang sambit ni Ivan. “Busy ako kaya mamaya na lang ako maghanap.” “I heard your boss said you will go with me.” Hindi na nakaimik si Lara dahil sa sinabi ni Ivan. She stayed inside na parang may bumabagabag sa kaniyang loob. Kinuha niya ang kaniyang phone at muling idinial ang numero ni Gio. Nais niyang marinig ang boses ng anak. Pantanggal ng kaba. “Hello, My Love! Did you ate lunch? How’s school?” “I’m done, Mommy. Okay lang po. Sana uwi ka na.” “Maybe next week I will be home.” “Yehey! Promise?” “I promise!” Ibinaba ni Gio ang phone upon hearing his mom said yes. Lumakad na si Cherry papasok ng hotel kung saan niya imemeet ang future business partner nito. Pumasok na muli ng sasakyan si Ivan. “Can you transfer here?” pakiusap niya kay Lara. “I think mas okay na nandito ako. After what you did kanina sa harap ni Maam, I don’t know if gusto pa kitang katabi.” Bumaling ng tingin si Ivan kay Lara. “Hey! I was just trying to make you smile. I’m sorry if feeling mo napahiya kita kay ate.” Hindi na umimik si Lara dahil ayaw naman niya makipagtalo sa taong ito lalo na hindi naman silang dalawa magkakilala pa ng lubos. “I’m taking you sa boutique ng friend ko. He is known here as the best couturier. Sana magustuhan mo doon.” “What? Ay, hindi na. I don’t want to buy expensive dress. Ano ka ba? Hindi ako mayaman para bumili ng bagong damit para lang sa ball.” “My sister told me to pick the best one for you. She wants you to be beside her maraming mga investors ang dadating. Hindi niya siguro na discuss sa iyo. Dapat kanina magdidiscuss siya nga mangyayari sa ball. But since maraming hindi inaasahang mga bagay ang nangyari, ay nakalimutan na niya sabihin. When it comes to business kailangan maging presentable ka kapag kaharap mo ang mga business partners mo. Who would ever trust you and entrust their money with you if they see you not pleasing? Nakuha mo ba?” paliwanag ni Ivan. “Okay! I’m sorry hindi ko agad naisip iyon. I am happy and pleased na sa dami ng empleyado ng ate mo, ako ang gusto niyang nasa tabi niya.” “You know, my ate always wanted the best for our family business. Hindi kami magkapatid in both parents. Her mom got separated with my Dad before ako dumating. But our parents are good. They don’t have issues after they separate their ways. Ang business na meron si Ate ay partnership ni Daddy at ng Mommy niya. Muli niyang binangon ito ng mag decide si Tita na umuwi na lang ng US, lalo na at si Daddy at Mommy ko ay nagkamabutihan na that time. But after three years, bumalik naman ang Mommy ni Ate Cherry.” “Oh My! Napaka complicated pala ng history.’’ “Hindi complicated because both parties decided to separate peacefully. Walang away na nangyari. Maybe because they were all into business. Hindi pwedeng ma drag sa scandal ang pangalan ng family. That is why we are close as siblings.” “Hindi ko halos maisip kung paano naman naging okay lang sa parents niyo ang ganoong set-up. Parang ang hirap. Ang sakit naman yata noon.” “That is how you accepted things on your own perspectives.” Ang sagot ni Ivan. “You know what? I learned that there are so many things I need to enjoy. I cannot settle in one circumstance and die everyday hating or what. I want to live every moment happy. I may be sad in your own understanding, but you are wrong. I am happy and always grateful.” Napangiti si Lara ng marinig ang mga salitang iyon. Narealize ba niya kung ilang taon niyang naparurusahan ang sarili dahil sa sugat na dulot ni Greg at Tina sa buhay niya? “Ikaw, I can see you not healed with your past. Why don’t you settle things with your husband if you don’t love him anymore? File an annulment of your marriage and live your life at peace. You deserve better, Lara. You only don't want to try.” “What? Akala mo lang talaga madali lang iyan. Bakit ganoon kayo? Akala niyo madali lang talaga lumimot.” sumimangot si Lara. “No, I know it isn’t. Not that easy. But I’m trying to save you from drowning alone. Look at me, I have survived years na wala ang wife ko sa tabi ko. I never get into a relationship with anyone. I chose to cherish what is ours, and still live happily.” “Talaga? Happy ka? Baka sa salita oo. You will not spend time with me if you really are.” Itinigil ni Ivan ang sasakyan. Lumingon siya kay Lara. “I got your point. Mabuti nga at hindi ko na kailangan mag confess dahil mabilis ka mag conclude. Pero sure ka na talaga sa mga sinasabi mo?” “Please, Ivan. Ayoko na pinaiikot ako. Then we both know this can’t be. I am still married.And you are too.” Bumaba si Ivan. At pinagbukas ng pinto si Lara. “Come out and let’s talk. Ang sakit na ng batok ko ng kakalingon sa iyo.” Tumawa si Lara at bumaba. Magkaharap silang dalawa. Nakatingin si Ivan sa mga mata ni Lara. “Sobrang prangka mo magsalita.” “Of course! Why would I conceal thouse thoughts? I learned my lesson with my past. Ayoko na itago yung mga nasa isip ko only to make sure na walang masasaktan. In the first place, nobody ever thought of my feelings.” He held her arms. Tiningnan iyon ni Lara. “Ahm Mr. Gomez? You can talk to me without holding me that way. Hindi ako tatakbo. Tanggalin mo yung mga kamay mo sa braso ko. I am Mrs. Ledesma, I am not your wife.” Napapangiti si Ivan sa bawat hirit ni Lara. Hindi niya lubos akalain na ganoon katatas ang mga dila nito upang ilabas ang mga nasa saloobin niya. Alam niyang hindi iyon ang mga salitang nais niyang sabihin. Nagpipigil dahil mayroong pumipigil sa kaniyang loob na ilalabas ang totoong saloobin. Marahil natrauma talaga si Lara sa napagdaanang unos sa buhay nilang mag-asawa. “Oh! I’m sorry. Can we just talk about anything else? Para hindi mo ko inaaway at pinamumukha na wala akong chance na maging mas malapit sa iyo. If you don’t want something to happen between us. Let us go to the boutique now. Hindi ko na iinsist sa iyo ang mga nasa isip ko. Allow me to stay with you habang nandito ka.” Tumingin lang si Lara sa mga matang nangungusap at may kaunting lungkot. Naramdaman niya na totoo ang mga sinabi ni Ivan. Tila may kirot sa loob niya na hindi niya maipaliwanag. Tumawa si Ivan dahil seryoso ang tingin ni Lara sa kaniya. “Hey Mrs. Ledesma if that is what you want to hear. Akyat na at ipagdadrive kita." Inakay niya si Lara paikot ng sasakyan. Binuksan ni Ivan ang passenger’s seat side ng sasakyan upang doon na maupo si Lara sa tabi niya. Umakyat naman si Lara ng walang pagkontra sa gusto ni Ivan. Napapaisip habang binabaybay ang daan. Mayroong bumubulong sa kalooban niya na hindi niya kayang harapin. Bulong ng pagnanais na ayaw sundan. Dahil bumabagabag pa din sa kaniyang isip ang kaniyang asawa. Kamusta na kaya si Greg? Iyon ang nasa isip niya habang nasa malayo ang tingin. Biglang naalala muli ang mga pangyayari bago sila tuluyang naghiwalay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD