Great Deal With Lara
“Lara meet my brother Ivan Gomez.” Pakilala ni Cherry.
Laglag ang panga ni Lara dahil kay liit ng mundo na konektado pala itong boss niya kay Ivan. Hindi nakapagsalita dahil sa hindi makapaniwala. Kumurap ang mga mata niya ng maibalik ang sarili sa katotohanan. Hindi magkaapelido ang dalawa marahil ay dahil sa kasal na itong si Cherry. Naaalala na niya na Gomez din pala itong Boss niya.
Hindi niya lubos mapaniwalaan na maliit lang ang mundong ginagalawan nilang dalawa.
“Hi!” nag-abot siya ng kamay sa kaniya upang ipakita ang paggalang. Iniisip niya kung may-ari din ba ng kompanya itong si Ivan. Namamangha sa mga bagay na natutuklasan niya sa pagkatao nito.
Noong unang nakita niya siya ay suot lang niya ang putting tshirt at naka jeans. Sa ikalawang pagkakataong nakasama niya ito ay naka polo shirt lang din ito ng kulay itim. Napakasimpleng tao lang ni Ivan. Hindi niya mahahalata sa itsura nito na may tinatago palang kayamanan.
Inabot ni Ivan ang kamay ni Lara. Nagkamayan silang dalawa sa harap ni Cherry. Nakatayo at nagkatitigan saglit.
“We met already why are you so civil right now? Kanina lang pinalalabas mo na ako ng kwarto.”
Nanlaki ang mga mata ni Lara dahil sa hindi inaasahang mga salita na manggagaling sa bibig ni Ivan. Pinisil ni Lara ang kamay ni Ivan na hawak nito upang magpadala ng mensahe na tigilan ang sinasabi nito. Biglang nag-iba ang temperature ng kaniyang katawan. Halos magtago siya sa sarili dahil biglaan ang mga salitang iyon na narinig niya mula kay Ivan.
Namula bigla ang pisngi niya at halos hindi makapirme ang mga matang nakatingin kay Ivan. Nakatikom ang mga bibig ni Lara at walang maisip na sasabihin upang baguhin ang sinabi ni Ivan.
“Are you two..?” tanong ni Cherry.
“Ah! Hindi po maam.” Umiling at mabilis na sumagot si Lara.
“Please have a seat and join us.” Alok ni Cherry.
Nanatiling nakatayo si Lara dahil hindi maigalaw ang sarili habang kaharap sila.
“Yes, ate. I took her for dinner last night. And she will dine with me again later. Hindi ba?”
Nangunot ang noo ni Lara dahil kung anu-ano ang mga sinasabi nitong si Ivan sa boss niya.
Tumawa si Cherry dahil nakita niya ang switching ng mood ni Lara. Hindi inaasahan ang mga narinig.
“It’s okay, Lara sanay na ako sa mga biro ng kapatid ko. I know he likes you, kaya siya ganiyan.” Katwiran ni Cherry.
Lalo iyon nagpadagdag ng tensiyon sa dibdib ni Lara. Kung maaari lang na lumabas siya agad sa eksenang iyon.
“Come have a seat and join us. Nang sa ganoon ay mapag-usapan natin ang merging ng Yu Group sa company natin. Sinadya ko na ipa-cancel ang meeting last night para naman makapagpahinga kayo ni Vincent. Besides, mas gusto ko na nandito ako para mas makapag-discuss ng agreement with them.”
Paliwanag ni Cherry na ang mga mata ay nakatingin kay Ivan na tila nangungusap.
Tinawag ni Ivan ang staff at sumenyas na magdala ng menu book doon sa kinauupuan nila.
“By the way Lara, magkakilala na ba talaga kayo nito?”
Biglang inagaw ni Ivan ang pagsagot dito.
“Yes ate. We met nights ago. Naliligo siya sa pool naka two piece at night time. Nahapit ng mata ko eh, kaya inuwi ko sa kwarto.” Kumindat si Ivan kay Lara. Tila nanunukso pa.
Namumutla na ngayon ang pisngi ni Lara dahil sa hiya. Baka kung ano ang isipin ng boss niya.
“Ah, maam it’s not true.’’ Malumanay niyang sabi
Napangisi si Ivan.
Anim na taon lang ang tanda ni Ivan sa kaniya. Subalit tila unti-unti ay nakikilala na niya ang pagkatao nito. Masayahin din pala ang taong ito kung kasama niya ang kaniyang pamilya.
Kahit na ang malalim na sugat sa puso niya ay hindi humihilum pero kaya niyang itago.
“Saan kayo nag-dinner?” tanong ni Cherry.
“I took her sa roof deck. Alam mo na.”
“What? Are you serious?” pagpapasigurong tanong ni Cherry.
“Of course! Why not?” sagot naman ni Ivan.
Nagulat si Cherry dahil tanging espesyal na tao lamang ang dinadala ni Ivan doon. Ang huling dinala niya sa lugar na iyon ay si Mary.
Makahulugan ang tingin ni Cherry sa kapatid.
“Cut it off, ate! Tinatakot mo si Lara.” Pakiusap ni Ivan.
Napalingon bigla si Lara sa kaniya. Napakunot ang noo at naningkit ang mga matang titig.
“Lara? Anything you want to eat?” tanong ni Cherry.
Biglang bumaling ng tingin si Lara kay Cherry.
“Just a drink will do, maam. Pinakain na ako ng kapatid mo kanina. Nagpadala po siya ng peonies at may gift bag pa.” nagtaas ng kilay si Lara habang kausap si Cherry at nakatingin kay Ivan.
Palihim na ngumingisi si Ivan.
Tila mga batang sa tingin lang ay nagkakaintindihan na.
Hindi pa man nagtagal ang pagkakakilala sa isa’t-isa ay nagkaroon na agad ng pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawa.
“Aba, Ivan? May pinadala ka ng regalo kay Lara?” tanong ni Cherry.
“Welcome gift iyon.” Pagpapasinungaling naman ni Ivan.
“Kailan pa may promo ang management?” baling ni Cherry sa kaniya.
“Nagpa-raffle ako para sa mga guests. Si Lara ang pinaka swerteng nakatanggap.”
Bumaling siya ng tingin kay Lara. Tila nag-uusok na ang titig nito sa kaniya. Ngiti ang tanging tugon niya sa mga matang nakapako sa kaniya.
Tumawa si Cherry sa mga sagot ni Ivan. Kuha na niya ang ibig sabihin ng kapatid.
“Maam don’t believe sa mga sinasabi niya. Hibang itong kapatid mo, ang sabi ko kasal ako at may anak. Ganoon din siya.”
“O? Bakit ano masama pag binigyan ka ng ganoon?” biglang singit na tanong ni Ivan.
“Don’t worry, Lara bunso itong kapatid ko kaya madalas ganiyan siya mag-appreciate sa mga taong nagpapasaya sa kaniya. If he happens to really like you like it’s about something, magsasabi naman siya.” Depensa naman ni Cherry.
Umiling si Lara. Tanda ng hindi pagsang-ayon sa boss.
“By the way mamayang gabi we will have our employees’ ball, right?”
“Yes, Maam!” sagot ni Lara.
“But this afternoon at three o’clock samahan mo ako dahil makikipagkita ako sa isang agent. Pag-uusapan namin ang offer na lupa sa Antique. I’m looking forward for more expansion sa region six. I want to grab this opportunity na nandito pa tayo. Mas mabilis ang transaction lagi kapag ikaw ang kasama ko.”
“Ah, maam baka pwede next month na natin pag-usapan ang tungkol sa Antique?”
“No, ngayon lang ako bibigyan ng time ng agent. Nahirapan pa siya isingit ang time niya sa schedule ko. I will spare my time with that proposal. I know, Lara na maraming naka-line up na work. But we have to double our time. Sayang ang opportunities. I believe in you. Kaya natin ito. Okay?”
“Ate baka gusto mo ipagdrive ko kayo?”
“Drive? Kailan mo pa ako inisip?” sumbat ni Cherry.
“Lagi naman di ba?”
“Sabihin mo may gusto kang samahan.”
“Oo nga! Sasamahan ko kayo.”
Napangiwi na lang itong ate ni Ivan dahil sa offer ng kapatid.
“By the way, Lara? May dress ka na for tonight?”
“Maam iyon nga sana po ang sasabihin ko. Parang need ko maghanap sa city mamaya. But since may meeting tayo, then later na lang po. Maghahabol na lang ng oras.”
“Don’t worry I can help you.” Singit ni Ivan.
“Don’t bother, Sir!”
“Will you stop calling me sir? Nakakatanda pakinggan.”
“Kapatid ka ng boss ko, then I should..”
“She is right brother. Stop insisting your point.”
Inirapan ni Lara si Ivan dahil nakukulitan na siya dito. Nais niyang hindi sana malaman ng boss niya. Pero mas madaldal itong isa kaysa sa kaniya.
“I saw those eyes, Lara.” Bulong niya dito.
“Pwede ba? Sana man lang nanahimik ka? Boss ko ang ate mo.”
“Ano masama doon? Cool ang ate ko. Don’t worry.” Pabulong na sabi ni Ivan sa kaniya.
“Ate siya nga pala. Gusto ko maging escort ni Lara mamaya.” Seryosong sabi nito kay Cherry.
“Escort? Hindi na kailangan. May invitation ka ba para sa ball? Employees’ night yun bro.”
“Hotel ko to remember?”
Nagtawanan silang dalawa.
“By the way, Lara nadala mo ba ang needed documents para sa contract signing? Just in case na ma close natin ang deal.”
“Yes, Maam! Na-isecure ko na po. Anytime needed, available po.”
“Good to know na ready na. What about the blueprint?”
“Ready na din iyon, Maam.”
“Thank you dahil hindi ko kailangan lagi magremind kapag ikaw ang pinagbibilinan.”
“You can always count on me, Maam.” Pagpapasiguro ni Lara sa boss niya.
“O ano, Ate? Ako escort ni Lara mamaya ha?”
Nag-ikot ang mata ni Cherry. Dahil sa pangungulit ng kapatid.
“It’s up to Lara. Bakit ako ang tinatanong mo?”
“Maam?” tanong ni Lara sa boss niya.
“Yes or yes?” tanong ni Ivan.
“Anong tanong yan? Oo lahat ang choices? Not fair enough.” Panlalaban ni Lara.
“You have to agree with me, Lara. Kahit umayaw ka, I will be on your doorsteps mamaya para sunduin ka.” Pahabol na sabi ni Ivan.
“Fine!”