Chapter 21 Getting Closer

1817 Words
Getting Closer Ivan and Lara   Tumutunog ang alarm sa phone ni Lara. Naaaninag na niya ang sikat ng araw mula sa gilid ng makapal na kurtina. May naramdaman siyang mainit na palad na unti-unting humahaplos sa kaniyang beywang. Papasok sa ilalim ng suot na damit. Maya-maya ay may humalik sa ilalim ng kaniyang tainga pababa sa kaniyang leeg.   Nararamdaman niya ang init ng hiningang iyon. Nakapikit ang kaniyang mga mata. Napahawak siya sa unan ng mahigpit. Iyon ba ang dating pakiramdam niya sa tuwing humahalik si Greg sa kaniya?   Muling gumalaw ang mainit na haplos ng mga kamay patungo sa kaniyang dibdib. Nagugustuhan niya ang pakiramdam na iyon. Parang ayaw niya na tigilan ang ginagawa. Napapahinga siya ng malalim.   Kinapa niya ang ulo ng humahalik sa kaniya ng nakapakasarap.   “Oh! Please don’t stop.” Bulong niya dito habang nakayakap ito sa kaniya. “Do you like it?” tuloy-tuloy ang paghalik at paglalaro nito sa kaniyang leeg na nagbibigay ng malakas na sensasyon sa kaniyang p********e. “Yes! I like it so much. Kiss me on my lips.” Bulong niya sa kaniya. Pumaibabaw ang lalaking iyon at tuluyan ngang humalik sa kaniyang mga nanunuyong labi. Naging mainit ang palitan ng mga halik na halos naghahabol sila ng kanilang hininga. Napayakap si Lara sa leeg ng lalaki habang dinadama ang init ng katawan nito. Napahagod ng marahan at madiin ang lalaki sa kaniyang katawan. Napapikit si Lara ng matiim. Nang idilat ang kaniyang mga mata ay bumungad sa kaniyang harap si Ivan na nakaupo sa upuan na naroon sa tapat ng kama niya. “Hi! Good Morning!” nakangiti at maaliwalas ang mukhang bumungad sa kaniya. Dali-daling bumangon si Lara. Nagbalot ng kumot sa katawan dahil ang buong akala niya ay hubo siya sa oras na iyon. “Did we sleep together?” taranta niyang tanong kay Ivan. Nangamba ang kaniyang kalooban. “Yea!” seryosong sagot naman ni Ivan sa Kaniya. “What?” Ngumisi si Ivan dahil alam niya na praning na naman itong si Lara. Subalit sa kaloob-looban niya at natutuwa siya. Binuksan ni Lara ang kumot at nakitang ganoon pa din ang suot niyang damit. “Oh my!” tumayo siya at napahawak sa ulo. “This can’t be happening.” malaking problema iyon. “Oh! Easy lang, maupo ka muna. Kakabangon mo lang, baka kung mahilo ka.” pag-aalala niya. Naglalakad si Lara sa harap ni Ivan. Pabalik-balik at hindi mapakali. “How did we end up…?” nakakunot ang noo niyang humarap sa kaniya. Nakapamaywang at huminga ng malalim dahil sa kaba. “End up what?” tanong ni Ivan. Hindi niya makuha ang ibig nitong sabihin. “Ano.. alam mo na?” kinukumpas ang kaniyang mga kamay dahil hindi maibigkas ang tamang salita. “Alam ko? Natulog ka lang, binantayan kita. You said last night if I can stay here with you. That is why I am here.” Paliwanag niya. “May nangyari?” seryosong tanong niya. Kumikislap ang mga matang nakatingin sa mga mata niya. Natutuwa si Ivan sa narinig. “Oh My God! How did I?” parang maloloka siya ng makita ang mga matang iyon. “I don’t think that-- nagkakaintindihan tayo. What do you want to say?” kinaklaro nito ang nais ipabatid ni Lara. “Did we had s*x?” bakas sa mukha niya ang pagkabahala sabay yakap sa sarili. Napalakas ang tawa ni Ivan. Umiling siya. Hindi niya mapaniwalaan na iyon ang tanong ng bagong gising na si Lara. Nilapitan niya at hinawakan sa dalawang braso. Nakatingin sa mga mata nito. Titig na titig din si Lara kahit sa loob niya tila hinahalukay ang kaniyang sikmura at walang mapaglagyan ng nararamdaman. “No. Hindi kita ginalaw. I let you fall asleep last night. Then iniwan kita dito. Maaga lang ako nagising para balikan ka. You said before you closed your eyes not to leave you, but hindi ako pwede mag stay the whole night. Baka makagat kita.” Ngumiti ito sa kaniya. “Okay!” huminga siya ng malalim at bumalik sa pagkakaupo sa kama. “Then you can leave me now. Okay na ako.” huminga siya ng malalim. “You sure? Gawin na lang natin iyong iniisip mo.” seryosong sabi naman ni Ivan sa kaniya. Titig na titig ito sa kaniyang mga mata. Tumayo si Lara. “What?” nanlaki naman ang mga mata niya. “Loko ka! Huwag nga ako ang aga-aga. I need to get ready may session this morning. Anong oras na ba?” “It’s noon time. I brought your breakfast malamig na. Your lunch is coming too.” “Oh my! I’m late.”  Nadismaya ang mukha niya. Napaupo siya ulit sa kama. Kaharap niya si Ivan. “It’s okay. I sent somebody na mag-inform kay Vince, ba  iyon? I told him not to worry you needed rest.” Tiningnan lang ni Lara si Ivan. Tumayo ito para pumasok sa banyo. Nagsipilyo at naghilamos na din. Paglabas niya ng banyo ay kinausap niya si Ivan habang nagpupunas ng mukha. “Wala ka bang gagawin?” “Wala naman.” relax lang ang mukha nito at tono. “Pwede ka na umalis, okay na ako.” ipinagtatabuyan niya dahil naiilang na kasama niya ito doon. “Tinataboy mo ako?” tanong niya kay Lara. “Nakikita ka ng mga employees mo na nandito ka, baka iba isipin nila.” nag-aalala siya. “Masyado kang worried sa paligid mo. You will miss a lot of things kung sila ang lagi mong iniisip.” Natahimik si Lara dahil tama naman ang sinabi ni Ivan. Lagi niya iniisip ang sasabihin ng iba. Nagbukas siya ng cabinet para maghanap ng maipapalit dahil kagabi pa ang suot niya. “Gusto ko magbihis.” maktol niya kay Ivan. “Then do it.” tumango si Ivan. “I want you out.” nagbuntong-hininga si Lara. “Ayoko. Mamaya na.” pag-ayaw naman ni Ivan. “Naiilang ako.”  “Hindi na kailangan. Nasilip ko na lahat.” patawa niya. Biglang sumama ang tingin niya kay Ivan. “I’m not serious. Why are you mad? You wanted me around tapos magagalit ka if ever ginawa ko.” “Ewan! Ligo lang ako.” Pumasok siya sa banyo para maligo. Bitbit niya ang mga ipapalit. Hiyang-hiya dahil ang sama-sama ng tingin niya kay Ivan. Pinikit niya ang kaniyang mga mata. Naalala niya ang nangyari. “Was it real? O nanaginip ako?” kinapa ang katawan. Pinakiramdaman ang ibabang bahagi kung mayroon bang masakit. Ang kanyang mga hita at balakang ay sinuri niya sa sarili kung may masakit. “Ah baka wala nga. Guni-guni ko lang iyon. Anong klaseng panaginip ba iyon?” iniling niya ang kaniyang ulo habang nagsa-shampoo. “Pero iba ang nasa isip ni Lara. Masyado ka naman ilusyunada. Hindi ka ginalaw. That’s all.” pagpapakalma niya sa sarili.  Natapos ang kaniyang paliligo at bihis na siya paglabas ng banyo. Nakahanda ang kaniyang pagkain sa mesa at wala na doon si Ivan. “Aba? Ang bilis naman niya mawala. Hindi man lang nagpaalam.” sambit sa sarili. Kumain siya at naghanda para makabalik sa session ng training nila. Palabas na sana siya ng kwarto ng biglang may kumatok. Binuksan niya ang pinto at sinilip kung sino ang naroon. Bumungad sa kaniya ang samu’t-saring makulay na bulaklak na peony naka boquet arranged. “Hello maam, may delivery po kayo.” Ang sabi ng lalaki na nagdala. “Kanino? Sa akin? Baka sa kabila iyan, wala akong inaasahan na magpapadala niyan.” “Dito po sa room ninyo ipinahahatid ni sir.” “Sino?” “Si Sir Gomez po.” Nagulat si Lara na pinadalhan siya ni Ivan ng ganoong mga bulaklak. Nabuhayan ang loob. Subalit kinakabahan sa mga ikinikilos nitong isa. Hindi siya handa para sa panibagong relasyon lalo na at pareho pa silang nakatali sa kani-kanilang mga asawa. Tinanggap niya ang mga iyon na may kasamang gift bag. Mabigat ang laman ng gift bag kung kaya inilatag niya muna ito sa kama. May nakasuklip na dedication card sa loob ng bulaklak. Kinuha niya at binasa.                      I wanted to thank you for all the time you spent with me.                      I’ll be seeing you later.                                                               I.G. Napangiti siya saglit. Tila kinikilig dahil sa gestures nito sa kaniya. Maya-maya ay inilapag niya ang bulaklak na hawak. “Hmm. Huwag papauto.” Lumabas siya ng kwarto at bumunot ng phone mula sa bag. Tatawagan niya si Gio. “Hello my love! How are you? I miss you na.” Nakangiti si Lara habang kausap ang anak at binabaybay ang hallway ng hotel. Patungo siya sa Golden Cowry Hall dahil doon ang venue ng kanilang training sa araw na iyon. Sinalubong siya ni Vincent. Ibinaba niya ang phone at isinilid sa kaniyang bag. “Saan ka ba? Hanap ka ni Boss Cherry.” Bulong niya. “O? Nandito na siya?” tarantang sabi ni Lara. “Oo kanina pa siya dumating. Nagpautos ka pa talaga sa staff ng hotel na kailangan mo magpahinga. Ano ba nangyari?” tanong ni Vincent. “Wala, sumakit ang ulo ko kaya hindi agad nakabangon. Saan ba siya?” “Nasa Gloria Maris, may ka meeting. Punta ka daw doon pag nandtio ka na.” “Okay!” Tumalikod si Lara at lumapit sa isang staff ng hotel upang magtanong kung saan naroon ang sinabi ni Vincent na Gloria Maris. Tinahak niya ang mga hagdan. Bumungad sa kaniya ang isang garden na maraming mga bulaklak sa paligid. Sa taas noon ay makikita ang Gloria Maris Hall kung saan naroroon ang boss niya. Umakyat ulit siya ng hagdan. Pagkarating niya sa itaas ay inikot ang mga mata sa paligid upang hanapin ang Boss niya. Hindi rin nagtagal ay nakita na niya ito at may kasamang lalaki na kumakain sa table. Naglakad pa siya papunta doon upang batiin ang boss. Nakita na siya nito at ngumiti sa kaniya. Nasa 50’s na ang edad ng boss niya. Pumunta doon para ifollow-up ang project nila dahil hindi pa nami-meet ni Lara ang Yu Group. Lumapit siya sa dalawa. Bumati sa boss. “Hello Maam! Welcome po! I’m sorry if I kept you waiting. Maghintay lang po ako sa kabilang table until you’re done.” Nasa harap ni Lara ang lalaking nakatalikod. Hindi niya ito agad napansin kung sino man iyon. Nawala sa isip niya na balingan ng tingin ang lalaki. “No" Umiling si Cherry "You join us. Order na lang tayo ng gusto mong kainin Lara. Please maupo ka." Alok nito sa kaniya. Tumayo siya at ipinakilala ang kasama niya. “By the way, I want you to meet my brother” bungad niya kay Lara. Lumapit si Lara sa tabi ng boss niya. And to find out kung sino ang lalaking iyon ay laking gulat niya at hindi makapaniwala sa nakita. Madalas ba niya makikita ang lalaking iyon sa lahat ng sulok?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD