Ivan's Proposal
"Bibigyan mo ako ng project?” seryosong sabi ni Lara.
“Project ba tawag doon? If project ang tawag doon, kailangan ko ng output.”
sagot naman ni Ivan. Seryoso siya sa mga pinagsasabi niya.
“Tangible iyan? Kasi kailangan mo ng output.” sabi naman ni Lara. Komportable naman siyang nakikipagpalitan ng mga salita.
“Yea! Tangible and might be irresistible.”
patuksong sabi ni Ivan at uminom mula sa glass niya.
“Hala? Kinakabahan ako sa sinasabi mo. Napakaseryoso mo pa naman.” Napalagok ng wine si Lara.
“Ano ba kasi iyan? Sabihin mo na lang para hindi na ako nabibitin,’’ dagdag pa niya habang nakatingin sa malayo. Nakikita ang mga ilaw mula sa mga buildings ng lungsod na abot tanaw ng kaniyang paningin.
“Gusto ko sana maging SURROGATE mother ka ng magiging anak ko.” ang diretsang sabi ni Ivan.
Nasamid ito ng hindi pa niya tuluyang naibubuhos ang wine sa bunganga. Ipinatong niya ang hawak na baso sa upuan.
Tumayo siya at hinarap si Ivan.
“Are you crazy?” nakataas ang tingin niya sa kaniya dahil hanggang leeg lang siya nito.
“No! I’m serious.” sagot ni Ivan sa kaniya.
Tumalikod siya at akmang bababa ng hagdan.
“Wait! Hindi pa ako tapos. Spare me some time. Please, Lara." pakiusap niya.
Tumigil siya sa paghakbang at bumalik sa kinatatayuan ni Ivan.
“Then what is it?” seryosong sabi ni Lara sa harap niya.
“Gusto kong magkaanak. I saw you fit para magdala ng anak ko.” malumanay na sabi ni Ivan. Tila nakikiusap sa kaniyang tono na kaawa-awa.
Tumawa si Lara sa mga narinig.
“Alam mo? Masayang pakinggan. Pero imposible iyan.”
“Bakit imposible?’'
“You’re married! And, so I am. Paano ako mapupunta sa sitwasyon na iyan?” she asked.
“Then-- I’ll help you in your annulment. Dito ka sa Iloilo mag file para mapabilis. I will pay for all the expenses. You have nothing to worry, I have a lawyer who can help you fix things."
“No! Ang bilis mo naman sa proposal na iyan. Nagkamali ka yata ng taong pinili. Hindi mo ako mabibili sa ganiyan."
“You think? You're not the one I need to have a baby?”
“Of course! Imagine? I will be having s*x with a man who is not my husband?”
Tumawa si Ivan.
“Ikaw kanina ka pa sa ganiyang mindset. Ayaw mo sumama sa akin dito dahil akala mo hahalayin kita. Ngayon, ganoon pa din?” maktol ni Ivan.
“Alangan naman inumin ko lang ang semen mo at ayun, buntis na agad ako.” patawang sabi ni Lara.
‘‘That is why I like you so much! Prangka ka sa lahat ng naiisip mo.
There are many ways para magbuntis ka ng hindi kailangan mag s*x.”
“No! Kahit ano pa iyan. Ano ako? Baboy?”
Natawa na lang si Ivan dahil ang daming sinabi ni Lara.
“You really don’t think twice bago ka magsalita.” sabi ni Ivan.
“Do I sound rude to you?” mataray niyang tono.
“Hindi naman. Gusto ko 'yan, how you talk to me.” sabi naman ni Ivan.
“Then, I’m sorry dahil hindi ako ang hinahanap mo para magbigay ng anak sayo.” mahinahon niyang sagot kay Ivan.
Natahimik si Ivan at naupo sa kabilang upuan na kaharap ni Lara.
Naupo din sa Lara sa harap niya handa na itong makipag-usap. Nagtitigan lang.
“It’s been eight years since nawala ang baby namin. We were do delighted kasi magkaka-baby kami. Excited everyday na sana mahawakan ko siya, makita ang ngiti niya. Kung kamukha ko siya o ng mommy niya.” Bakas ang kakaibang emosyon sa mga mata ni Ivan.
Nakita iyon ni Lara. At tila may tusok sa dibdib niya dahil ramdam niya ang sakit ng mawalan ng anak.
Hindi na nakaimik si Lara dahil hindi niya alam ang mga tamang salita na pwede niyang sabihin kay Ivan.
“Why are you so quiet now?” napansin ni Ivan ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
Tumingin si Lara sa mga mata niya. Nangungusap ang mga iyon. Kakaibang pakiramdam ang nadama ni Lara. Iba ang tingin ni Ivan sa kaniya.
“Bakit?” tanong niya dito.
“Nothing.” Sagot ni Ivan.
“Meron e! Ano yan?” pagpupumilit ni Lara.
Ilang sandali pa ay nagsalita na si Ivan.
“You’re so lovely and naïve.” sabi niya
“Am I? I am not." napailing si Lara.
"You got me wrong. I’m turning 34 soon akala mo lang na inosente. Hindi na ako bata. Tanda ko na.”
Ngumiti si Ivan at uminom ng wine.
Biglang nag-iba ang mood ni Lara at nagtanong.
“Siya nga pala. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Anong ginagawa mo sa hotel?”
Tumingin lang si Ivan kay Lara.
“Oh! Please! I’m curious kung bakit nandoon ka? For what reason? Naghahanap ka ba ng magiging nanay ng anak mo?” sabi ni Lara.
Napahalakhak tuloy itong si Ivan sa mga sinabi niya.
Tumikhim si Ivan at nagsimulang magsalita.
“Will you promise me not to tell anyone?”
Nanlaki ang mga mata ni Lara.
“Okay!”
“My family owns the hotel.”
Napatakip ng bibig si Lara. Dahil itong kausap niya ang may-ari ng tinutuluyan. Binabalikan niya sa isip ang mga ginawa niya dito. Hinahagilap kung nagawan ba niya ng masama ang taong ito.
“Totoo?”
Tumango lang si Ivan.
“Then bakit pa umalis si wife? You both have everything to live here. I just don't get it why does she have to leave you alone."
Nagsimulang magkwento si Ivan kay Lara.
“Not everything, I guess. Hindi siya aalis if she feels like she has everything here. She grew up overseas, ako naman dito lang sa Pinas.
Magkakilala ang parents namin. Best friends ang mga nanay namin.
We met in a high school reunion ng parents namin we were so young since the first time we met.
Crush ko na siya noon pa. Then years passed by til we met again. Umuwi sila dito for vacation ng one-year. Gusto ng mother niya na dito na sila for good. Everything went well between us. I courted her, then she accepted. Long distance relationship worked for six years. Nakayanan ko 'yun. She would come home once every two years. Then nagpropose ako sa kaniya. I don't wanna let go of her. Tinanggap niya. We married. She stayed here with me. It was my happiest times to be with her. But after niya makunan sa unang baby namin, nagpaalam siya sa akin to spend a vacation sa Switzerland. Pinayagan ko because I thought she needed it most. But as time goes by, nag-iba na kami. She is always busy. Walang time makipag-usap. I would stay up late waiting for her to come home at matawagan kasi akala ko sa gabi lang siya may time. But I think I got the wrong idea. Until now madalang kami mag-usap. The last time I came to visit her, she would always tell me, I’ll be home late, please make yourself at ease. I think I lost her since the day we lost our child.”
Hindi ma-absorb ni Lara sa sarili ang mga narinig dahil ang lungkot isipin na may tao pa lang meron ng lahat ng karangyaan subalit may kulang pa din sa kaniyang pagkatao. Nilapitan niya si Ivan. She tapped his shoulder. Naupo siya sa tabi niya.
“I don’t know what to say matapos ko marinig 'yun. But please cheer up! It isn’t too late to reconcile with her. She is the only person you need. Pwede kang sumunod sa kaniya. She is yours, and you belong to her too. Sayang naman kung mauuwi sa wala ang lahat. You both worked hard to keep your relationship, do something.”
“Hindi ako pwede doon, we have our business here. It’s a family business na hindi pwede pabayaan. My great grandfather established it so hindi pwedeng ipasa sa iba.”
“Well” huminga ng malalim si Lara.
“Let’s have a drink na lang kung hindi ko kayang solusyunan ang problemang iyan.”
She held his hands and hinila pabalik sa table nila. Dinagdagan niya ang wine sa glass ni Ivan.
“Cheers?” habang iniangat ang glass niya at naghihintay na tugunan din ni Ivan.
Ngumiti si Ivan at pinagbigyan si Lara.
Lumalim ang gabi. Masaya ang kwentohan ng dalawa. Hindi namalayan ni Lara ang oras. Tila nagkaroon siya ng mahabang oras upang makapagpahinga sa ilalim ng mga bituin at may kasamang taong ngayon lang niya kinikilala.
“You know what? The fist time I saw you sa pool side, hindi na naalis ang tingin ko sayo. You were drinking so hard. Sabi ko, ito yata ang gusto ko.”
“O? tapos tinitingnan mo ko habang naliligo sa pool? You're so bad. You were like a cctv camera na nakaabang sa bawat kilos ko.” napailing si Lara at naningkit ang mga matang nakatingin kay Ivan.
“Oo. You were so gorgeous that night. Gustong-gusto ko yung katawan mo.”
“Cut it off. Pinagnanasaan mo iyong katawang lupa ko. Magtigil ka.”
Nagtawanan silang dalawa.
“At least I’m honest when I said that. Ano ba ang gusto mo? Kakaibiganin ka then liligawan? Parang hindi na ako bagay sa ganyang bagay."
“Now I know. We are alike pagdating sa pagsasabi ng gusto.” sabi ni Lara.
“Then what can you say?” tanong ni Ivan.
“Well, hindi ko alam. Ayoko bigyan ng maraming kahulugan ang mga ito. I will not stay long in this place. Nandito ako for work. About getting into a relationship, wala akong nakikitang dahilan to engage into it. Ayoko matulad sa kanila. I hated them for so long, I fear na yung galit na iyon ay magdala sa akin sa sitwasyon ng kagaya sa kanila. So, I decided to forgive them both. Though I am still working on it. I lived with my son for almost four years. I found solitude in that. Having Gio by my side is so enough. I can’t see myself having someone to love again aside sa kaniya. Maybe I wanted to enjoy this kind of life alone, no rules.” nagkibit-balikat si Lara.
“Okay! Then can we be friends? Kahit bumalik ka na sa Aklan?” tanong ni Ivan.
“Yes! Of course! I would really want to keep you that way.” ngumiti si Lara sa kaniya.
“It’s eleven already. Would you like to get a room here? Para hindi na tayo bumiyahe pabalik ng Arevalo.”
Nangunot na naman ang noo ni Lara ng marinig iyon.
“Ayan ka nanaman. Hotel room na naman. Uwi mo ako sa Villa, my things are in there kailangan ko magpalit.”
Ngumisi si Ivan.
“Okay then let’s go.”
Sabay naglakad papasok ng elevator ang dalawa. At dumiretso na pabalik ng hotel.
Pagdating sa parking area.
“Thank you for sparing some time with me. I really appreciate your time.” Sabi ni Ivan.
Bumaba siya at pinagbuksan ng pinto si Lara.
“I’ll walk you upstairs.”
“Uy huwag na. Kaya ko na.”
“No, I insist. You’re a bit tipsy nahalata ko kanina you were swaying.”
“Fine! Hanggang doorsteps ka lang ha.”
Tumawa si Ivan dahil sigurista pa din si Lara kahit nakainom na.
Hinatid niya ito sa room niya. Sinigurong nakapasok na siya bago niya tuluyang nilisan ang lugar.
Maya-maya lang nakailang hakbang lang si Ivan ay lumabas si Lara at tinawag siya.
She was looking straight into his eyes and it tells him something he thinks kailangan niya bigyan ng pansin.