Chapter 19 A night with the King

4163 Words
A Night with The King Marami ang dumalo sa workshop na galing sa iba't-bang mga kompaniya. Nagsimula ang session na sumasakit ang ulo ni Lara. Napansin iyon ni Vince dahil panay ang hawak niya dito. "Uy masakit ulo mo?" bulong ni Vince na nasa tabi niya lang nakaupo. "Oo parang mabibiyak." "Bumaba ka at maghanak ng malamig na maiinom para mabawasan ang sakit." sabi naman ni Vince sa kaniya. "O sige!" tumayo si Lara. Lumabas ito at nagpunta sa bar cafeteria ng hotel. Umorder siya doon ng fruit shake ng matanggal ang hang over niya. Anong swerte naman ni Lara na nandoon na naman si Ivan nakaupo sa isang sulok, nagbabasa ng diyaryo at nag iisa. Naupo siya sa kaharap na table nito. Hindi niya inabala ang isa dahil hindi rin naman siya magtatagal doon, papawiin lang niya ang sakit ng ulo sandali. Nakita niya si Ivan. Tumayo ito mula sa kinauupuan at lumakad patungo sa kaniya. Napanganga lang si Lara na tinitingnan si Ivan. Nagugulat lang sa kilos nito na biglang sumusulpot ng wala siyang kaalam alam. Umupo si Ivan sa harap niya. “Hi miss, masakit pa din ba ang ulo mo?” “Hi! Nandito ka din? Nakabuntot ka ba sa akin?” sabi ni Lara. Ngumiti si Ivan. “Hindi, kanina pa ako dito. Paglabas mo lumabas din ako, at dito na pumunta. May hinihintay ako, kaya ako nandito.” “Ah, may imemeet ka, okay.” "Ikaw? Bakit ka nandito?" tanong ni Ivan “May workshop related sa work. Kaya nandito ako. Masakit ang ulo ko, kaya napababa ako dito." “I see, kaya pala marami ang guests ngayong week na nag advance book” tugon ni Ivan. “Nakikita mo yun?” tanong ni Lara. “Oo naman, namomonitor minsan.” sagot naman ni Ivan. “Hindi alam ni Lara na si Ivan ang may ari ng Hotel. Nandoon siya pansamantala para obserbahan ang operation ng negosyo niya dahil nabakasyon ang kapatid na namamahala dito, umuwi ng America pansamantala. “Paano mo namomonitor? I mean, may binabantayan ka ba?” curious niyang tanong. Napangiti si Ivan, muli niyang nasilayan ang ngiti na iyon. Napansin iyon ni Lara. “Kailangan ba na may follow-up questions ka palagi?” tanong ni Ivan. Ngumiti lang si Lara at nagkibit-balikat dahil wala nang maisip na sasabihin. Nagpatuloy lang siya sa ginagawa Maya-maya ay kumuha siya nang phone mula sa bulsa at nagdial ito ng numero ni Gio. Tatawagan nita dahil nagtext ito. Nag ring ang phone ni Gio sa kabilang linya. “Excuse sir ha, kausapin ko lang ang anak ko.” paalam ni Lara na hindi na tumayo mula sa kinauupuan. “Hello, My Love” bati ni Lara sa anak. “How are you? Kumain ka na ba? Huwag kang papalipas ng gutom okay? I love You” iyon ang mga salitang narinig ni Ivan mula kay Lara. Ibinaba ni Lara ang phone at itinabi na ito. “By the way sir, I think kailangan ko na bumalik sa itaas, baka hanapin ako ng mga kasama ko” paalam niya kay Ivan. “Aalis ka na agad? By the way, I want to have your phone number” diretsong sabi ni Ivan. Napataas ang isang kilay ni Lara. Nasorpresa sa narinig. “Why do you want it?” tanong niya dito “Just a yes and no please. Kanina sabi mo magbibigay ka." ang sabi naman ni Ivan. “Then, I think it’s a no sir.” Sagot ni Lara. “Are you sure, Miss? You said earlier magbibigay ka.” “I am, I cant’ give it to you.” Sabi ni Lara. “But, why?” tanong ni Ivan. Nagkibit-balikat si Lara at nagbuntong hininga. Tila na nakokonsensiya dahil hindi niya maibigay ang number niya dito. Nag aalinlangan dahil hindi lubos na kilala si Ivan. “Okay then, I wont insist. But could you give me some time tonight? Like, dinner?” alok ni Ivan. “Dinner? With you?” nakakunot noong tanong ni Lara. Bigla ay kinabahan. “Of course!” mabilis na sagot ni Ivan “Pag –iisipan ko.” Tumayo si Lara “But I can’t wait kung hanggang kailan ka mag-iisip” ang sabi ni Ivan. “Hala? Sir? Is this a demand then?” bahagyang yumuko papalapit kay Ivan si Lara nang sabihin ito “If you think it is, then be it” sabi naman ni Ivan na seryosong-seryoso ang mukha. “Fine!” ang sabi ni Lara. “Then I will take that as a yes.” Lumakad na ito papalayo kay Ivan. Di nakita ni Lara na sumusunod ang mga mata ni Ivan sa kaniya. SAMANTALA. Sa isip ni Lara, ay nagtatanong ito kung bakit biglang magyayaya si Ivan na mag dinner, knowing may asawa siya. May asawa silang dalawa. Subalit sa kabilang banda ay may utang na loob siya sa taong iyon, for saving her noong isang gabi. Lumipas ang buong maghapon at natapos ang workshop nina Lara Nilapitan niya si Vincent. “Vincent, mauna na ako sa taas.” Paalam niya “Oh? Di ka na mag dinner?” tanong ni Vincent. “No, may appointment ako mamaya.” Sagot ni Lara. “Okay, di ko alam na may lalakarin ka, sige na mauna ka na mamaya pa kami” sabi naman ni Vincent. Umakyat na si Lara sa kwarto niya. Doon ay humiga sa kama at napapikit ang mga mata. Ilang minuto pa ang lumipas ay nag ring ang phone niya. Dinampot ito ni Lara at sinagot. “Hello, Lara” tinig iyon ni Greg. “Oh, Greg? Bakit ka napatawag?’ tanong niya “Mangangamusta sana” sagot ni Greg sa kabilang linya “Okay lang ako, huwag ako isipin mo, wala kang dapat ipag- aksaya ng oras sa akin.” Sagot ni Lara “Pasensiya na, naistorbo ba kita?” tanong ni Greg “Just take care of Gio, di rin ako tatagal dito uuwi din ako” tugon niya kay Greg at ibinaba ang phone. Muli ay pumikit si Lara upang ipagpatuloy ang pagpapahinga. Maya-maya ay tumunog ulit ang phone niya. Sinagot niya iyon ng hindi nakikita ang caller. “Ano ba? Pwede, mag text ka na lang, nagpapahinga ako!” galit niyang tono sa phone “Oh, I’m sorry Miss, I thought busy ka to open a message, kaya ako tumawag.” Ang sabi ng boses sa kabilang linya. Napatakip ng bibig si Lara dahilan ng hiya sa sarili at sa kausap nito dahil nabulyawan niya ng hindi sinasadya. “Sino po sana ito? Pasensiya na po, I thought kasi yung kausap ko kanina ay ganoon pa din ang tumawag.” Paliwanag niya. “Its okay, I understand, by the way, can I pick you up at six thirty? I’ll be at the parking area.” Ang sabi ng tinig sa kabilang linya. “Sir Ivan?” tanong ni Lara. “Yea, pasensiya na, di ako nakapagpakilala agad, medyo mainit ulo mo kaya diretso na ko sa gusto kong sabihin.” Paliwanag naman ni Ivan kay Lara. Hiyang-hiya si Lara dahil sa nasigawan niya iyon. “Sure, bababa ako at six thirty, magbihis lang ako” sabi ni Lara. Ibinaba ang phone at naghanda na ito ng kaniyang sarili. May pakiramdam na ayaw pagbigyan si Ivan, subalit sa kabilang bahagi ng sarili ay nais nitong lumabas kahit saglit lang upang makabawi sa kabutihan nito sa kaniya. ALA SAIS na at naliligo pa lang si Lara. Tumunog ang phone niya. Tawag iyon mula kay Ivan. Paglabas niya ng banyo ay agad niyang nakitang nag-ilaw ang phone. Tiningnan niya ito at mayroong five missed calls mula kay Ivan. Agad niyang dinampot at nagtext sa numero. Lara: Hi! I’m sorry if I missed your calls. I am in my room. Getting ready. She sent the message at mabilis ito nagreply. Ivan: Sure! Take your time. Ngumiti si Lara sa tipid na sagot sa kaniya. Naghanap siya ng maisusuot mula sa cabinet. Naka-hang ang mga damit niya doon. Nakahawak sa pisngi ang kanang kamay habang tinitingnan ang mga damit. “Alin ba dapat isuot ko?” tanong niya sa sarili. Nakita niya ang semi-floral dress niya na v-cut ang dibdib. Nais niyang isuot iyon dahil gabi naman. Noong kukunin na niya mula sa cabinet ay natigilan ito at biglang nag-iba ang isip. She picked a knitted short sleeved blouse at skirt. “Much better I think.” Ang bulong niya sa sarili. Nag-ayos at lumabas na ng kwarto. Kinuha niya ang phone niya at akma sanang tatawag kay Ivan para malaman kung saan ito banda. Sa kakahanap ng phone sa dalang sling bag ay nakabangga niya ang matigas na dibdib ng lalaking nakasalubong. Muntik na niya mabitawan ang phone, subalit nasalo agad iyon ng lalaki at sabay hawak sa kaniyang braso. Napatingala si Lara sa mukha ng lalaki. Nanlaki ang mga mata niya dahil ang buong akalang naghihintay ito sa ibaba ay sumalubong na sa kaniya. “Hi!”ngumisi siya dito. “Are we going?” tanong ni Ivan. “Yea!.” Tumango siya. Binitawan ni Ivan ang braso niya at humakbang palayo sa kaniya. “Shall we?” tanong ni Ivan kay Lara. “Sure!” ngumiti siya kay Ivan. Magkasabay sila na naglalakad patungo sa elevator. He pressed the button para magbukas iyon. Naunang pumasok si Lara at sumunod naman siya. Silang dalawa lang sa loob. Lara is standing behind him. Habang naghihintay na lumapag sila sa ground floor nakita niya ang malapad na likod ni Ivan. Napangiwi siya saglit at napatango na wari ay may kausap sa isip. Ngumiti ng palihim at hindi umiimik. Napatikhim si Lara dahil sa bumabalot na katahimikan. Lumingon si Ivan sa kaniya. “Are you okay?” Nanlaki ang mata niya ng mahuli siya nito na nakatitig sa kaniya. “O..Oo naman. Nakakabingi ang katahimikan. Wala ka bang gusting ikwento?” tanong niya. “Kung may itatanong ka, pwede ko siguro sagutin.” Tipid niyang sagot dito at umatras ng isang hakbang sa tabi ni Lara. Napansin niya iyon na tumabi sa kaniya si Ivan. “Saan mo ko pakakainin?” tanong ni Lara. “May alam ka bang restau na gusto mo puntahan?” tanong ni Ivan. “Ikaw ang taga dito, then dapat may alam ka. Minsan lang ako nagagawi dito like Christmas rush.” “Hindi ka pala madalas lumabas ng Aklan?” “Oo, since nag-asawa. Hindi na gaano nakakalabas, nagging busy sa work and family.” Bumukas ang pinto ng elevator. “After you…” sambit ni Ivan. Naglakad sila palabas ng hotel at dumiretso sa parking area. Binuksan ni Ivan ang pinto ng sasakyan sa passenger’s seat para kay Lara. Umakyat naman ito. Isinara ni Ivan ang pinto at umikot papunta sa driver’s seat. Komportable na sila sa loob, maliban na lang sa kalooban ni Lara. Kinakabahan dahil may kasamang hindi naman niya gaanong kilala. “Can you lock your seatbelt?” Sabi ni Ivan. Ginawa naman iyon ni Lara. “Saan tayo pupunta?” tanong niya. “Megaworld. Gusto kita igala doon.” “Oh? Di ba may mga hotel doon?” “Oo, masarap ang food doon. Iniisip mo?” tanong ni Ivan. “A? Wala naman, baka kasi hanapin ako ni Vince mamaya.” “Who’s Vince? Boyfriend mo?” “Yay! Hindi ah, katulad mo ang hanap niya, hindi katulad ko.” nagtaas ng kilay si Lara. Binaybay nila ang kahabaan ng city. Nagtungo sila sa Megaworld. Isang business park sa lungsod na isang commercial district, may mall, mga office buildings, mga boutique at hotels. Naaliw si Lara sa linis ng kalsada na binaybay nila. Napakaganda tingnan ng bike lane dahil sa dami ng mga kabataan at ilang grupo ang nagbibisikleta sa gawing iyon. Nakita niya ang mga cherry blossoms na namumukadkad ang mga bulaklak. Parang nasa Japan o Korea lang siya na namamasyal. Natuon talaga ang lakad nila sa blooming season nito. Dahil dito ay maaliwalas ang paligid tingnan kahit maraming mga sasakyan na bumabaybay. Lumiko sila at pumarada sa isang malaking hotel. Nagbaklas ng seatbelt si Ivan. Biglang kinabahan si Lara dahil bakit doon sila tumigil. Napalunok ng laway at tila namumutla. Napako sa kinauupuan. Binuksan ni Ivan ang pinto at bumaba siya. Umikot at pinagbuksan si Lara. Hindi ito kumikilos mula sa kinauupuan. Napatingin siya dito dahil naghihintay na bababa. “Miss? Nandito na tayo.” Nasa bungad ng pinto si Ivan naghihintay na kumilos si Lara. “Ha? Dito tayo? Papasok tayo diyan?” Sabay tingin sa mataas na building ng hotel.” “Oo. Let’s go it’s getting late.” “A hindi ako sure, Sir. Kinakabahan ako. Balik mo na lang ako sa kabila.” Sambit niya dito. Ngumisi si Ivan dahil iba yata ang nasa isip ni Lara. “Calm down, Miss.” “Or, better mag-isa akong babalik doon. Excuse me!” Bumaba siya sa sasakyan. Naglakad ng mapalayo kay Ivan. Nagmamadali. Maingay ang dibdib na halos nanlalamig ang buong katawan. “Lara! Wait.” Humabol ng lakad si Ivan at hinawakan siya sa braso. “Hindi kita iche-check in. We will dine inside. I have reserved a table for us.” Mahinahon niyang sabi. Tumigil siya sa paghakbang ng marinig iyon. Napahawak sa dibdib at huminga ng malalim. “Goodness! Akala ko kung ano.” Sambit niya kay Ivan. Tumawa si Ivan at humarap sa kaniya. “Relax! Di ako mapagsamantalang tao. I took you here to dine and mag-usap. Nagsasawa ako sa ambiance ng hotel sa kabila that is why inilabas kita to join me. I am sorry kung iba ang naisip mo sa gestures ko towards you.” “Okay! Nanlalamig ako sa takot. I’m sorry if I mistook. Look it I feel so cold.” Hinawakan niya ang braso ni Ivan para iparamdam ang nanlalamig niyang mga daliri. “Wow! You’re freaking cold. I’m sorry.” He held her hands with warmth to lessen the tension. Biglang bumaba ang temperaturang iyon sa kamay ni Lara. “Wait up here! Balikan ko ang sasakyan hindi ko nailock.” Naglakad siya pabalik sa sasakyan at sinigurong nakasarado ito. Bumalik siya sa kinaroroonan ni Lara at sabay na naglakad papasok sa hotel. Bumungad kay Lara ang modern interior ng hotel. Umiikot ang paningin niya doon. Hinahanap kung saan banda ang dining hall nito kung saan sila kakain. Lumalagatok ang takong niya sa sahig na nakasunod sa likod ni Ivan. Sumasabay naman ang pagsayaw ng A-line skirt niya sa kaniyang paglalakad. Tumingkad lalo ang ganda ni Lara dahil sa liwanag at bumagay ang porma niya sa lugar na iyon. Tumungo sila sa receptionist. May binulong doon si Ivan. Nagbigay ng card ang babae kay Ivan at tumawag sa telepono. Muli nanamang nanlaki ang mga mata ni Lara. Hindi niya sigurado kung ihahahkbang ba niya ang mga paa. Napako nanaman siya sa kinatatayuan niya. Lumingon si Ivan sa kaniya. “Miss? Let’s go.” “Bakit ka may card? I mean para saan yan? Door key ba yan?” bulong niya kay Ivan. Ngumiti nanaman ito sa kaniya. “Mukha ba akong mahalay na tao? Let’s go! Trust me hindi kita ipapasok sa hotel room. Masyado ka naman kung magduda.” “I’m sorry if I mistook again.” Naglakad siya kasama si Ivan. Pumasok sila ng elevator. Narating ang 7th floor ng building. Bumungad ang malawak na pool. May mga palm trees and nakahilera ang pool lounge chairs na walang katao-tao maliban sa mga staff. She never said a word. Naiwang nakaawang ang bibig dahil sa namangha sa nakita. Kumikislap ang mga mata ni Lara. The night sky is inviting her to indulge and take her time to enjoy the moment. Only the crews of the hotel na in-charge sa area ang naroroon. Ivan handed in the card sa sumalubong na staff. Bumati ito sa kanila. Tanaw ni Lara ang maliwanag na mga ilaw na nakapaligid doon. Naglakad pa sila patungo sa pool side. Naka-set up ang dining table sa gitna ng dalawang palm tree. Mula doon ay kitang-kita ang city lights na lalo pang nagpaganda sa lugar. Hinila ni Ivan ang upuan para kay Lara. Naupo siya. Umupo din si Ivan sa harap niya. Hindi makapagsalita si Lara. Abot tainga ang ngiti niya. “Do you like it here?” tanong ni Ivan “Yea! I appreciate everything. Bakit naman dito? Four-star hotel ito, mahal.” Nakunot ang noo ni Lara dahil sa nahihiya kay Ivan. “It’s alright! Gusto ko din mag-unwind saglit. I usually come here kung hindi naman talaga ako busy.” “You’re rich.” Sabi ni Lara. “Hindi naman. Tama lang. Wala naman akong mapaglalaanan ng kinikita ko. Walang baby.” Malumanay na sabi ni Ivan. Habang nakatingin si Lara sa mga mata niya ay naramdaman niya ang kirot mula sa mga salitang iyon. Naalala niya ang anak na si Lea na hindi man lang niya nahawakan. Ang mga matang kanina ay lumiliwanag sa saya ay napalitan ng kalungkutan. Isang pagpapatunay na nais niyang damayan si Ivan sa kalungkutan na hindi niya masukat. Hindi lahat ay nabibiyayaan ng lahat ng magandang bagay sa mundo. Sumenyas si Ivan sa staff. Lumapit ito sa kanila. Nagbigay ng menu book staff kay Ivan at Lara. Tinitingnan ni Lara ang nasa list. Halos mapa wow siya sa presyo ng mga iyon. Simple lang ang buhay na kinagisnan niya. Malayong-malayo sa buhay na meron si Ivan at ang pamilya niya. Hindi pa alam ni Lara na si Ivan ang may-ari ng tinutuluyan niyang hotel. Ano pa kaya kapag nalaman niya? “May nagustuhan ka?” tanong ni Ivan. “Gusto ko yung Pan-Seared Norwegian Salmon with Beurre Blanc Sauce.” Ito ang sabi ni Lara habang naghahanap pa ng maidadagdag. “At idagdag mo yung Gratineed French Onion Soup.” Ngumiti ito sa staff na kumukuha ng order nila. “I’m done.” Ang sabi Lara kay Ivan habang nakatingin ito sa kaniya. “Nicoise Salad with Seared Ahi Tuna at available ba ang Tom Yum?” tanong ni Ivan sa staff. “Yes sir, available po.” Sagot naman ng staff sa kaniya habang isinulat ang mga nabanggit na order. “What about your dessert sir?” “Do you have fresh fruits?” “We can get it for you, sir. Just name it.” Inilista ng staff ang mga sinabi ni Ivan. Tumalikod ito matapos na ulitin na banggitin ang mga nasa listahan para masiguro na nakuha nga niya ang mga nais kainin ng dalawa. TUMIKHIM si Lara at nagsimulang mang-intriga kay Ivan. “Ah, Sir? No offense ha. Pero nasaan si wife? Napakaganda dito. It would have been more intimate para sa inyong dalawa.” Nakatitig lang si Ivan sa kaniya. Hindi umiimik. Pero hindi naman makita sa mukha niya na nadismaya sa tanong nito. “Wait, I think we only have an hour para kumain dito.” Sabi niya kay Ivan. “What made you conclude? May appointment ka ba within an hour?” “Ha? Wala naman. Nakita ko kanina pagpasok nasa standee board nakalagay until 8 P.M. lang ang operation dito. Natuon ba talaga na walang ibang tao dito ngayon? Nakapagtataka naman na tayo lang ang nandito.” Patuloy sa pagsasalita si Lara. Nakatitig pa din si Ivan sa kaniya. Nangiti ito pero hindi napansin ni Lara. “Are you this blabby?” “Huh? Blabby? You mean madaldal?” tanong ni Lara. Ngumisi si Ivan. “Of course not! Ang tahimik mo kasi, nakakabingi lang. Hindi kita lubos na kilala, sumama ako para samahan ka kumain, maybe okay lang na kausapin kita.” “Okay.” “So okay lang na marami akong pwedeng itanong?” “We’ll see kung kaya kong sagutin.” Sumandal si Lara sa upuan. “Nasaan si wife? Taga-dito ka, then what if your friends will see you na kasama ako? Naku! Baka pati ako malalagot niyan.” “She’s not here. Nasa Switzerland siya.” Sagot ni Ivan. “What? Bakit nandoon? Nandito ka tapos siya nasa malayo?” Tumango lang si Ivan. Tila may malalim na misteryo itong ayaw buksan kay Lara. “Ilang taon na kayong kasal? Matagal na ba siya doon? Hindi ka ba nalulungkot mag-isa ka dito?” “Alin ba ang dapat ko unahin na sasagutin sa mga tanong mo?” " I am very willing to listen.” “Were 5 years separated dahil pinili niya ang career niya kaysa manatili dito. I wanted to do business, siya naman gusto niya ipagpatuloy ang career niya. Masakit sa umpisa. But later on natanggap ko na yung distance namin. I do visit her once a year to catch up. Were good.” Hindi nakaimik si Lara sa mga narinig. ‘Bakit niya pinili doon? Siguro pasaway ka kaya niya pinili na doon na lang mag-stay.” “No. Of course I am not. She decided to leave home after noong tragedy sa family. She can’t get over it kaya wala akong magawa but to let go and let her choose the life she wants.” Napalalim lalo ang iniisip ni Lara. Tama nga siya malalim ang pinagdadaanan ng taong ito. Sa kilos at pananalita ay kakaiba sa mga nakilala. “I’m sorry. Hindi na ko magtatanong.” “Ako ba, pwede din magtanong?” “Sure.” "Ang custody ng bata nasa iyo?" “Nasa kaniya of course. Nasa kaniya ang anak ko for the mean time na nandito ako. Pag-uwi ko sa akin na ulit ang anak ko.” “Okay lang ang ganiyang set up?” “Oo naman, nasanay na. Ganito kami for almost four years. Isang taon na lang pwedeng-pwede na niya ako iabandona ng tuluyan.” “Ikaw ang iaabandona? Bakit?” “Hindi ba sa family code ground for legal separation ang 5 years abandonment? But hindi ako sure kung abandonment nga, dahil weekly naman siya visible sa anak namin." “So willing ka na mag separate kayo legally? Bakit hindi ka na lang mag file ng annulment?” Tumawa si Lara. “No way! Tapos ako ang gagastos? Edi ang saya nila ng kabit niya?” “You are still in love with your husband.” Natigilan si Lara. Dahil matagal na niyang hindi nababanggit sa sarili ang pagmamahal na iyan. Ngayon ay parang nanumbalik nanaman ang mga nakaraan. “Did I said it right?” “Change topic!” at tumawa ito kay Ivan. “Aba! Ibinabalik mo sa akin ah.” Masaya ang usapan nilang dalawa. Natagalan sa pagdala ng order nila ang staff. “You are so lovely,” Biglang nagbago ang tono niya. Natigilan si Lara sa paggalaw ng daliri niya sa screen ng cellphone niya. Dumating naman ang order nilang mga pagkain at may dala din na wine bottle ang mga ito. Isa-isang inilatag ang mga iyon sa mesa. Hindi na nakasagot si Lara sa huling sinabi ni Ivan dahil nga biglang pumasok sa eksena ang mga crew. Pinagmamasdan ni Ivan ang ekspresiyon ng mukha ni Lara habang tinitikman nito ang pagkain. “You like it?” Tumango si Lara habang ngumunguya ng pagkain. “Yes! Sobra! Saktong-sakto ang blending ng lasa.” “Please enjoy your meal. Mamaya na lang tayo mag-usap.” Nagsimulang kumain si Ivan. “Ano ka ba? Napaka-pormal mo naman. Mawawalan ako ng gana kung wala akong kausap kapag kumakain.” “Then, just keep talking.” Ngumiti si Ivan. “Alam mo? Lagi kang tipid magsalita.” “Paano mo nasabi na tipid?” “You’re like isang tanong, isang sagot.” Tumawa ito. “Napakaobservant mo.” sabi ni Ivan “Hindi naman. Nahalata ko lang talaga.” sagot naman ni Lara. “Ganoon ka din naman, iniba mo lang ang pagkasabi.” katwiran ni Ivan sa kaniya. Humalakhak silang dalawa. Maganda ang usapan. Masaya at bagay sa maaliwalas na gabi. Natapos silang kumain lagpas na ng 8 P.M. “Hala! Half past eight na. Baka need na natin umwi? Magsasara na dito." “Why are you so worried? I asked the management for this to be exclusive for us tonight without time limit.” Nanlaki ang mga mata ni Lara. “Ganoon ka talaga kalakas?” “If I want something, I get it.” Nagtaas naman ng kilay si Lara. Pinaligpit ni Ivan ang kinainan nila ni Lara. Pinabuksan niya ang wine. “Baka gusto mo sa bizbar na lang tayo uminom.” ang bizbar ay nasa building din na iyon kung saan pwedeng kumain at uminom. “Ayoko dito na lang. Ayoko sa ingay. Mas gusto ko dito, tahimik. Payapa ang nakikita.” Tumayo siya at naglakad. Nakita niya ang hagdan at umakyat siya doon. Naupo at ipinatong ang dalang glass. Sumunod doon si Ivan. Nasa harap niya ito. Tumikhim bago nagsalita. “I want you to know something. I have a proposal.” Nagtaas ng tingin si Lara kay Ivan na nasa harap niya. Nagkunot ang noo niya. Nagtataka sa proposal na sinasabi. “Anong proposal?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD