Getting to Know Each Other
Ivan and Lara
“Sumunod ka!” iyon ang sabi ni Ivan.
Sumunod naman itong si Lara, ngunit nakailang hakbang pa lang siya ay biglang tumigil.
“Teka lang, baka pwede ako gumamit ng comfort room, maghihilamos lang sana,” paalam niya.
Lumingon si Ivan sa kaniya. Nagtaas ang kilay nito at tumango.
“Ah, sure, take your time, sa labas lang ako.” Itinuturo nito ang veranda.
Pumasok di Lara sa cr, mayroon naman siyang magagamit na toothbrush at sariling bath towel.
Nagsipilyo at naghilamos dahil nais niyang maayos ang sarili na haharap sa kaniya. Ngayon lang niya ito nakilala nahihiya siya na may masabing hindi maganda. Mabilis lang ang ginawa niya dahil nakakahiyang paghintayin si Ivan.
Pagkatapos ay nagsuklay siya ng buhok, itinali ito at saka na lumabas.
Naglalakad siya patungo kung nasaan si Ivan.
Nasa veranda ito at naghihintay habang nagkakape.
Naamoy ni Lara ang bango ng dark coffee habang hinihigop nito.
Nakatayo siya sa harap niya. Maayos na ang sarili.
“Nandito ka na, come and take a sit.” Tumayo si Ivan at inalok ang upuan kay Lara.
Naupo naman siya at nakita niya ang mga nakahain sa harapan niya. Isa-isa niya iyong tiningnan.
Hindi ginagalaw ni Lara ni ang pagkain. Natulala ito.
Tumikhim si Ivan at tumungin kay Lara. Ibinaba niya ang tasa ng kaniyang iniinom na kape.
“Bakit ang dami? Parang lahat ng dish for breakfast nandito. May kakain pang iba?” nagtatakang tanong niya habang titig na titig ito sa kaniya.
Tumawa si Ivan.
“No, pinahanda ko baka may ayaw kang kainin sa mga iyan, at least maraming pagpipilian.” paliwanag niya. Naiilang na napatango ito.
“Okay.” Kumuha na siya ng makakain. Habang abala siya ay tinanong niya si Ivan.
“Sir, bakit ka po nandito sa hotel?” naiilang niyang tanong.
“Wala naman” tipid na sagot ni Ivan.
“Oh? Wala naman?” pagsisiguro ni Lara.
“Taga saan Ka?” sunod niyang tanong dito.
“Taga dito lang din” sagot naman ni Ivan.
“May asawa ka?” tanong ni Lara.
“Bakit iyan ang tanong mo?” tanong naman ni Ivan.
“Of course, feeling ko need ko itanong.” Sabi naman ni Lara.
“I refuse to answer your question.” Sagot ni Ivan kay Lara.
“Sige, ayaw mo I disclose," tanong niya habang hawak ang isang kutsara ng kanin.
Patuloy ito sa pag inom ng kape.
Kumain na si Lara.
Minamasdan naman siya ni Ivan. Pero hindi ito umiimik.
“Kakilala mo ba ako? Bakit mo ako tinulungan last night?”
“Hindi kita kilala, pero nakita na kita bago pa man last night.”
“Ah, saan mo ako nakita?” tanong ni Lara na tila ay sobrang interesado sa sasabihin nito.
“Sa heaven’s club” diretsong sagot ni Ivan.
Muntik na mabulunan si Lara sa narinig dahil tamang kakasubo niya lang ng pagkain.
“Saan 'yun? Parang hindi naman ako lumabas ng hotel since nag check-in ako kahapon.” nagtatakang sabi niya.
“Im kidding! Dito lang kita nakita.”
Napahawak siya sa dibdib dahil sa pag aakala na totoo.
“Akala ko naman seryoso ka.”
Tumawa si Ivan.
Iyon ang unang pagkakataon na nakita niya ang ngiti nito.
Tila nakagaanang loob ni Lara si Ivan sa maiksing panahon.
"Pwede kang magkwento about you, hindi kita kilala, tinulungan mo ako. So can you please tell me, anything about you?" mariin niyang pakiusap.
Umayos ng pagkakaupo si Ivan at tumingin sa kaniya.
“I am married for almost, dentist ang asawa ko, pero hindi kami magkasama ngayon” sabi niya.
“Nasaan siya?” tanong ni Lara.
“Baka pwede sa akin na lang iyon?”
“Ah, sure! Kung ayaw mo magsabi, okay lang.
Ako naman, I’m married, I have a son, magha-high school na siya next school year, andito ako for a while to work.”
saysay ni Lara."
“Wow, your married? May anak?” pag-ulit ni Ivan sa sinabi ni Lara.
“Oo," tumango si Lara.
“I see, nadaya mo yata ako, akala ko dalaga ka, at walang anak.”
“Talaga? Sorry ha, kagabi lang din ako naglakas loob mag bikini," sabay bulong " walang choice iyun lang ang meron sa bar, kaya kinuha ko na para makapag swimming. Isa pa, wala naman akong kakilala dito” pabulong niyang sabi kay Ivan.
“Kaya okay lang maghubad sa pool.”
Ngumiti naman si Ivan, dahil madaldal pala itong si Lara.
“So ang husband mo ang kasama ng anak mo?”
“Exactly, Iniwan ko sa kaniya, im leaving with my parents and my son.”
“Ah, separated?”
“Yea, mag-apat na taon na rin.”
“Kaya siguro ang sexy mo pa din, matagal ka ng nahiwalay sa kaniya.”
Napansin ni Ivan noong gabing iyon si Lara, nabihag ang mga mata niya, sa slim nitong pangangatawan, at magandang mukha.
Natigilan si Lara mula sa narinig niya dito. Biglang
naalala niya na may workshop sila ngayon umaga.
“Oh, wait I think I have to go, magbibihis pa ako. May workshop kasi ang team, baka nandito na ang boss namin.”
“Ah, alis ka na agad? Baka pwede humingi ng phone number mo?”
“Sure, bigyan kita.”
“Siya nga pala, are you free tonight?”
Tumayo na si Lara.
“Huh?’
“Baka pwede samahan mo ko mag dinner dito, gusto lang kita makilala habang nandito ka pa.”
Nagtaka naman itong si Lara kung bakit.
“Okay, babalik ako mamaya, ill see you then.”
Lumabas na si Lara, nagmamadali siya. Hinanap ang room niya, at malapit lang pala ito sa kwarto niya.
Wala siyang dalang swipe card, kaya kinailangan niyang bumaba sa reception area para kunin doon ang susi niya.
Pagdating sa baba ay nandoon na ang ilan sa mga kasama, kakarating lang ng mga ito, hindi pa sila makapag check in dahil 12 o’clock ang check in time.
Kaya naman ay doon muna sila tumambay sa baba.
Bumalik si Lara sa kwarto niya para maligo at magbihis.
Masayang naliligo, naiisip ang usapan nila ni Ivan. Tila nakagaanang loob niy ang tao na ngayon pa lang niya nakilala.
Ang di maintindihan ni Lara ay kung ano ang ginagawa ni Ivan sa Hotel kung hindi naman trabaho ang purpose. Marahil nagbabakasyon ito.
Natapos na siyang mag ayos. Nagbihis na ito suot ang off white na blouse at slacks na brown. Ipinares niya ang cubed heels na brown din at nagdala ng handbag.
Kaaya-ayang suot sa magandang babae. Naglakad siya patungo sa kwarto ni Vincent.
Kumatok ito. Maya-maya ay bumukas.
Bihis na si Vincent.
“Good morning friend, sorry kagabi di kita nabalikan, tumawag kasi ako sa bahay at ayun nakalimutan kong naiwan kita sa baba.”
Tumingin lang si Lara sa kaniya. At di na kumibo. Kinuha ni Lara ang phone niya para tawagan ang anak. Nangamusta siya dito. Ayaw niyang lumilipas ang araw na di naririnig ang boses ng anak at di nalalaman kung ano ang nangyayari habang wala siya.
Nasa function hall na ang lahat. Doon ay may nakahandang pagkain para sa breakfast. Ang lahat ay pumipila para makakuha ng makakain. Si Lara ay naiwan sa mesa na mag-isa. Dumating si Vincent at naupo sa tabi niya.
“Friend, di ka ba kakain?” inilapag ni Vincent ang pinggan niya sa mesa.
“Wala akong gana friend” ito ang alibi ni Lara sa kaniya. Dahil ang totoo kumain na ito kasama si ivan.
“Ah, I think I need coffee, masakit ang ulo ko, nakalimang bote ako kagabi, di ka kasi bumalik, sayang sana sinamahan mo ko.”
“True? Uminom ka?” gulat na sabi ni Vincent.
“Of course, nagcelebrate ako ng independence day kasi first time ko lumabas like this.”
“Oo nga naman, isa ka nga palang detainee ng asawa mo, matagal ka na lumaya, ngayon ka lang lumabas.” Ang sabi naman ni Vincent.