Chapter 17 Meet Ivan G

1173 Words
Naging masaya ang usapang Vincent at Lara. Unang gabi nila sa syudad. Hindi natuloy ang meeting nila sa kliyente ng Yu Group. Kung kaya ay nagkayayaan ang dalawa na bumaba sa pool side. “Friend, mag swimming ako ha.” iyon ang paalam ni Vincent kay Lara. “Oh, sure. Bantayan kita” sagot naman ni Lara. “Yucks, bakit?” “Ano naman gagawin ko? Wala akong swimming suit na dala, di ko alam na may pool dito.” “Ay naku friend, mayroon nagbebenta sa pool side, bili ka at samahan mo ko.” “Ayoko, wala ako sa mood mag swimming.” Mag isa lang si Vincent na bumaba sa pool. Malalim na ang gabi, at nakatunganga pa din si Lara mag isa sa pool side, nakaupo habang umiinom ng beer. Sa harap niya ay mayroon din nakaupo at umiinom mag isa. Busy ang mga naroroon ng kani-kanilang mga ginagawa. Tila nagmumuni muni si Lara habang unti-unting inuubos ang iniinom. Maya-maya ay umahon si Vincent mula sa pool at nilapitan si Lara. “Friend mauna akong umakyat, nakalimutan ko naka charge ang phone ko, kanina pa yata iyon.” Dali-dali naman iniwan ni Vincnet si Lara suot ang bath robe at paakyat ito sa room niya Maya-maya ay tumayo si Lara para pumili ng swimming suit na naka-hang malapit sa counter. Bumili ito at nagbihis, suot ang sexy na bikini ay lumubog siya sa tubig. Ninanamnam ni Lara ang init ng tubig sa pool. Masaya at tahimik ang loob niya. “Ganito pala ang pakiramdam na malayo na talaga kay Greg. Nakakamiss na walang inaalala.” Bulong sa sarili. Ang di alam ni Lara ay mayroong nakamasid sa kaniya mula sa taas. Ang lalaking nakasalubong niya kanina na nginitian niya. Hindi niya napapansin dahil abala sa paglangoy. Maya-maya ay sumandal siya sa gilid ng pool. Naupo saglit, at umaasang babalik si Vincent. Di bumalik si Vincent kung kaya ay umahon na si Lara sa pool. Muling nagbihis at dinagdagan ang bote ng beer niya sa table. Nakaubos ng tatlong bote si Lara, subalit tila kulang pa iyon. Pinadagdagan niya ulit ng dalawa. Hanggang sa naubos niya ang dalawang bote. Nahihilo na si Lara noong tumayo. Mabigat ang ulo at sumandal na lang sa mesa. Sumisikat na ang araw ng masilayan ni Lara. Halos di magbukas ang mga mata dahil masakit ang ulo. Sa dami ba naman ng ininom kagabi, di siya sanay uminom subalit tila ang sarap ng lasa ng inumin ng oras na iyon kung kaya ay naparami. Pag dilat ng mata ay bumungad ang magandang kisame ng kwarto. Kakaiba ito sa kisame ng kwarto niya kahapon. Napaisip siya kung lumipat siya ng kwarto. Naalala niya ang phone niya, kinakapa niya ang side table ng bed. Wala doon ang phone niya. Bumangon siya at hinanap sa kama, subalit wala pa din. Maya-maya ay may narinig siyang boses ng isang lalaki. “Maam, okay ka na ba?” iyon ang tanong sa kaniya. Bumalikwas si Lara sa kama, at dali-daling tumayo. “Huh?” gulat na gulat na may kasama sa kuwarto. “Teka lang, sino ka?” nanlalaki ang mga matang nagtatanong. Hindi makapaniwalang may kasama ito sa loob ng kwartong hindi sa kaniya. Napansin ni Lara na hindi sa kaniya ang suot na damit. Isang long maxi dress iyon. “Maam, maupo ka muna, hindi ba masakit ang ulo mo?” ang mahinahong tanong ng lalaki. Tantiya ni Lara na nasa 40s na ang edad nito. Matangkad siya, maputi, seryoso ang mukha, tila hindi pwedeng masagi kahit ang balat man lang. “Nasa hotel pa ba ako?” tanong niya “Of course nasa hotel ka, maam.” Kinapa ni Lara ang katawan, walang masakit maliban sa ulo niya. Iniisip niya baka may ginawa ang lalaking iyon sa kaniya. “May nagyari ba?” tanong ni Lara sa kaniya habang yakap ng mga kamay ang dibdib. “Wala maam, nakatulog ka sa table kagabi, muntik ka na mahulog, kaya pinalapitan kita sa waiter ng bar sa pool side, pinagising pero tulog na tulog ka. Pinahanap ko naman ang kwarto mo, pero hindi nila ma trace dahil wala ka naman dalang card, kaya ipinadala kita dito sa mga staff.” “Inutusan mo sila?” “Oo naman, di kita pwedeng buhatin, kaya minabuti ko na sila na magdala sayo dito.” Sa pakiramdam ni Lara ay wala namang ginawa ang lalaking iyon sa kaniya. Kung kaya ay naupo siya sa kama. “May dala ba akong phone kagabi?” “Ah, yung phone mo nasa drawer ng side table.” Binuksan ito ni Lara at naroon ang mga gamit niya, pati ang bikini na suot niya kagabi ay naroon din. Nagulat siya ng maisip na kung naroon ang mga suot kagabi, sino ang nagbihis sa kaniya. “Paanong nandito lahat ng suot ko kagabi?” “Ah, don’t worry, wala akong binuksan sayo.” Seryoso pa din ang mukhang iyon na nagsabi kay Lara. “Kung hindi ikaw, eh sino ang nagbihis sa akin?” “Tinawag ko ang housekeeping na incharge sa kwartong ito, siya ang inutusan kong mag asikaso sayo, kaya wala ka dapat ipag alala.” Napalunok na lang si Lara at ligtas din naman pala siya kahit na walang malay. “Sir, pwede ko ba makausap ang sinasabi niyong taga house keeping?” “Bakit?” tanong nito. “Duda ka ba kung nagsisinungaling ako?” sambit ng lalaki. “By the way” tumayo siya at lumapit kay Lara. Inabot niya ang kaniyang kamay at nagpakilala sa kaniya. “I’m Ivan Gozon.” Pakilala niya. Tinanggap naman ni Lara ang pagpapakilala ni Ivan. “And you are?” tanong ni Ivan “A, Lara. Lara Ledesma.” Tumayo si Lara. “Nice to meet you, sir Ivan.” “Ivan na lang siguro, napaka pormal ng sir.” “Hayaan niyo po na tawagin ko kayo sa ganyang paraan. Salamat sa pagdala sa akin dito. Ako na mag settle sa baba ng bayad sa room.” Pero sa isip niya, “parang ang mahal naman ng kwartong kinuha ni Ivan, di bale I credit card ko na lang kung sakali.” Iyon ang nasa isip niya. “No, ako na ang bahala, may gusto ka ba inumin? Ipagtitimpla kita, sabihin mo lang.” Nag alok si Ivan. “Hala, hindi, ako na bahala kaya ko naman bayaran.” Pagpupumilit niya. “Di na miss Lara, when I say its on me, ako na. To refuse an offer is an insult.” “Nakakahiya, sobrang naabala kita.” “Kailanman hindi abala ito.” “Thank you na lang?” ang sabi ni Lara. “No, dine with me before you go.” Iyon ang sabi ni Ivan. Malawak ang kwartong kinaroroonan nilang dalawa. Mayroon itong veranda na kung saan naroon ang round table na may nakahandang mga pagkain. Napaisip si Lara kung tatanggapin pa ang alok nito. “Mukhang harmless ka naman, okay.” Pumayag si Lara sa alok na iyon ni Ivan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD