Chapter 16 Away From Home

1458 Words
Umaga na at masisilayan na ang liwanag mula sa labas ng bintana. Naalimpungatan si Lara. Ngayon ang araw na aalis sila papuntang ibang probinsiya. Bumangon ito at naghanda ng kaniyang sarili. Tamang katatapos lang niya ihanda ang lahat ng gamit at maghihintay sana na dumating ang sundo. Maya-maya ay bumusina na ang sasakyan ni Vincent. Nagdala ito ng sasakyan upang mapabilis ang biayhe nila. Lumabas si Lara ng bahay dala-dala ang maleta nito at isang handbag. Nakangiti, maaliwalas ang mukha na sumalubong kay Vince. Ang dating Lara na masayahin ay unti-unti ng bumabalik sa dating siya. Binuksan ni Vincent ang pinto ng sasakyan. “Hi gorgeous, ang sexy mo ngayon friend.” Iyon ang bati ni Vincent. Tumawa silang dalawa. “Ano ka ba? Of course nag ayos ako for you, baka mamaya mapagkamalan akong alalay mo, kaya nagbihis na ako." pabirong sabi naman niya sa kaibigan. “Ay! Sobra ka na talaga.” Iyon ang sabi ni Vincent. Isinara niya ang pinto ng sasakyan at dumiretso na sa driver’s seat. "Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ni Vincent. "Hindi gaano. I miss my son." sagot niya. "Saglit lang naman tayo doon. He will be fine sa tatay niya." Ngumiti lang si Lara at napatingin sa harap habang binabaybay nila ang kalsada. Maayos ang biyahe ng dalawa. Narating ang Iloilo ng walang anumang abala. Habang binabaybay ang Arevalo sa Iloilo, ay nakatingin lang si Lara sa mga nadadaanang mga establisimento. “Uy, may seafoods restau, minsan kain tayo diyan, medyo mahaba ang bakasyon natin dito.” Ang sabi ni Vincent. “Hala? Bakasyon ang punta mo dito? Naku, iuwi mo na ako, kung hindi ka man lang magtatrabaho no.” ang sabi naman ni Lara. “Ito naman, nagbibiro lang ako, pero kung mapagbibigyan ay bakit hindi.” Ang sabi ng bakla. Ngumiti at umiling lang si Lara. Nakarating na sila sa Villa Resorts and Hotel. Napakalapad ng lugar na iyon, maraming buidlings, iba-iba ang lokasyon ng function hall, at hotel rooms, iba rin ang lokasyon ng resort nila na may dalawang swimming pool, isang Olympic size pool at isang pool na para sa mga bata. Bumaba ang dalawa pagkatapos i park ang sasakyan. Binaba ni Vincent ang mga gamit ni Lara mula sa trunk ng sasakyan. “Friend akin na yan! Ako na yan.” Ang sabi ni Lara. “Ayy huwag ka! Bakla man akong ituring, ay may pagkamaginoo din.” Ang sabi nito kay Lara. Tumingin siya kay Lara at kumindat pa. Humalakhak si Lara sa sinabi ng kaibigan. “O siya, ikaw na magdala, ikaw muna ang hero ko ngayon.” Lumakad na papasok ang dalawa sa reception area. May sumalubong na mga staff para kumuha ng dala-dala ni Vincent. Sa lounge ng hotel ay makikita ang mga glass cabinet na mayroong mga collection ng mga items na galing sa ibang bansa. Mula sa dolls, pamaypay, figurines, tea cups sets at marami pa. Namangha si Lara sa mga nakita. Naakit ang mga mata niya sa collector items na iyon. Kumalabit si Vince sa kaniya. “Friend, ang pogi ng hotel crew, type ko 'yun oh.” Ngumuso itong si Vincent itinuturo ang tinutukoy na lalaki na nasa malapit lang. “Ano ka ba? Andito tayo para magtrabaho, mamaya may dinner meeting tayo kasama ang mga Yu. Kailangan mag update tayo kay Boss Cherry about the progress ng project. Bukas pa darating ang team, so tapusin natin ang dapat na tapusin today.” Ito ang paliwanag ni Lara kay Vincent. He crossed his arms at sumimangot ang bakla. Nagbook na sila ng room at pinili nitong si Vincent ang kwartong malapit sa pool side nang sa ganoon daw ay malapit lang ito kung sakaling maisipang maliligo siya. "Miss iyong gusto kong room iyong malapit sa pool." request niya. “Hala, may swimming ka pang naiisip?” ang sabi ni Lara. “Oo naman! hindi ba may Korean school dito? Maraming oppa.” ang sabi ng napapatili na si Vincent at napakagat sa ibabang labi. Napapangiti si Lara sa kaharutan ng kaibigan niya. Nanghingi ang receptionist ng data ng dalawa. “Maam room for two po ba?” ang tanong nito. “What?" gulat na tanong ni Vincent. Sumama ang tingin niya sa receptionist. "Miss dalawang room, hindi pwedeng magkasama kami sa isang room, baka ako mahalay, virgin pa kaya ko.” Ang sabi ni Vincent. Nagtakip ng dibdib si Vincent. Ngumiti ang receptionist dahil inakala na magkasama ang dalawa sa hotel room. Binigyan sila ng tig-isang swipe card para sa kani-kanilang rooms. Hinatid sila ng hotel crew. Pagpasok ni Lara sa kwarto ay agad niyang inayos ang mga gamit niya. Pumasok sa isip ni Lara nga tama nga naman si Vincent, pwede sila magswimming pag mayroong time na pwede sila mag relax. Maya-maya ay kinuha niya ang phone niya para tawagan ang anak na nasa pangangalaga ni Greg. “Hello my love, kamusta ka?” ang tanong ni Lara sa anak habang nahiga ito sa malambot na kama ng hotel. Isa lang ang higaan doon na pwede sa dalawang tao, malawak ang area ng kwarto. May malaking bintana at nakalaglag ang mga kurtinang kulay brown. Mayroong lampshade sa tabi ng bed. Nakalatag ang tuwalya, kumot at tsinelas naman sa baba nito. “Mommy, I miss you!” ang sambit ni Gio. “I miss you too.” Sabi naman ni Lara. “Kailan ka babalik?” “Tatawagan kita everyday, para hindi mo ako ma miss. I’ll tell you later kung hanggang kailan ako dito. Be good ha? At iyong assignments mo, huwag mo kaligtaan, anak.” Iyon ang mga habilin ni Lara sa anak. Pagkatapos nilang mag-usap ay binalikan niya ang kaniyang ginagawa. NATAPOS na niyang ayusin ang mga gamit at lumabas ito, suot ang puting blouse at naka trousers na grey. Simpleng elegante, iyon ang magandang mga salitang mailalarawan sa kaniya. Lalo na at nakatali ang kaniyang buhok ay mas nangibabaw ang kaniyang kagandahan. Habang naglalakad papunta sa kuwarto ni Vincent ay may nasalubong siyang lalaki na nakasalubungang-mata. Ngumiti ito sa kaniya. Ngumiti din si Lara. Kumatok siya ngayon sa pinto ni Vincent. Pinagbukas siya nito. “Ano friend? Labas ba tayo?” ang tanong ni Vincent. “Oo, di ka ba gutom? Halos tatlong oras ang biyahe natin, baba tayo sa cafeteria, baka may pwede tayo makain doon, or else, labas tayo papuntang city.” “Okay, wait kukuha ako ng phone.” Sa labas na naghintay si Lara, hindi na ito tumuloy sa loob. Lumabas na din si Vincent. Bumaba ng hagdan at hinanap ang cafeteria. Iyon na yata ang pinakaunang paglabas ni Lara mula noong ikinasal kay Greg. Sa tuwing may lakad ang mga kasamahan sa trabaho ay lagi itong hindi sumasama. Nahihirapan kasi siyang magpaalam sa kaniya, laging dinadahilan na walang kasama ang anak nila, kaya laging ipinagpapaliban ni Lara ang anumang oportunidad na mayroon, na siya ay makalabas kasama sa mga katrabaho. Nakita nila ang cafeteria at naghanap ng pupwestuhan. Saka sila umorder ng kanilang makakain. Naupo silang dalawa ni Vincent habang hinihintay ang inorder na pagkain. Kinalabit ni Vincent si Lara. “Friend, masaya ako.” Ang sabi niya. “Bakit?’ ang tanong ni Lara habang nakasandal sa upuan at nakatingin kay Vincent. “Of course, ito yata ang first out of town natin together, imagine ha, 8 years na tayo magkasama sa work, pero never ka sumama sa mga lakad like this.” Usal niya. “Alam mo na ang reason kung bakit.” napangiwi ng bahagya si Lara at binagsak ang balikat ng sabihin iyon. “I’m so happy for you, kasi I can finally see you get over it.” dagdag pa ni Vince. Ngumiti si Lara. Isang matamis na ngiti dahil bakas sa mukha nito na masaya na ulit. “Ngayong malapit na magtapos ng elementary si Gio ay pwede ko na gawin ang mga bagay like this. Okay na din naman kami ni Greg, basta para kay Gio, wala akong issue, matagal na din natapos ang mga bagay sa pagitan namin, besides masaya na rin naman siya na malaya silang nakakalabas ni Tina.” Iyon ang sabi kay Vince. “Wala ka ba plano magpa-annul ng kasal?” tanong ni Vincent. Curious ito dahil ilang taon ng hindi nagsasama ang dalawa subalit hindi niya naririnig mula kay Lara na may plano itong humiwalay ng tuluyan sa asawa. “Ano ka ba? Pag-ginawa ko iyon tiyak maraming pipila para manligaw.” Pabirong sabi ni Lara. "Ay! Oo! Agree ako diyan, friend. Pwede pa friend." ang sabi ni Vince. Halos makumbinse niya si Lara. Nagsingkit ang mga mata ni Lara sa kaniya. At nangunot ang noo pagkatapos marinig iyon. "Tumigil ka, Vincent. Wala iyan sa isip ko." pagtutol naman niya sa mga sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD