Chapter 15 Getting used to

1707 Words
Naging maayos ang set up sa pagbibigay ng oras sa bata. Kapag may pasok sa eskwela, ay nasa pangangalaga ito ni Lara, sinusundo ni Greg ang anak sa skul, kahit may trabaho ay saglit nitong iniiwan ang opisina upang siguruhin na ligtas sa pag-uwi ang anak. Tuwing sabado at linggo, ay kinukuha ni Greg si Gio kay Lara, wala namang problema kay Lara kung nandoon man ang anak niya. Mas mahalaga sa kanya na masaya ang anak, hindi niya magawang ipagkait na mahalin ito ng ama dahil wala namang kasalanan ang bata kung bakit nagkaganoon ang pagsasama ng mga magulang niya. Mayroon na din sariling bahay si Lara kung saan silang dalawa ni Gio at isang katulong ang nakatira. Bumuklod sila ng tuluyan nang makapagsimula ulit. Dumating ang araw na mawawalay si Lara sa anak sa mahabang panahon, kinailangan nito na magtungo ng Iloilo upang ayusin ang pagpapatayo ng bagong branch ng kompanya. Nasa pamumuno niya ang pag aasikaso ng pagpapatayuan na site ng kompanya. Hindi niya maaalagaan si Gio, kung kaya ay minabuti nitong kausapin si Greg. Isang araw, matapos ang trabaho ay pinuntahan ni Lara sa opisina si Greg. "Good afternoon, hinahanap ko si Mr. Ledesma, andiyan ba siya?" tanong ni Lara sa guard. "Bakit po, Maam? Ano po ang pakay ninyo kay sir Greg?" "Im his wife" diretsong sagot ni Lara Tiningnan si Lara ng guard, ayaw nitong maniwala na asawa siya ni Greg, sabagay, hindi nga naman masisisi ang gwardiya, sapagkat mukhang dalaga at bata pa tingnan si Lara. Mas naalagaan na niya ang kaniyang sarili ngayon, lalo na at hindi na sila nagtatalo ni Greg. "Maam, sigurado ka po ikaw ang asawa ni Boss?" nangunot ang noo ni mamang guard ng utanong iyon. "Kuya, kahit hindi ka na maniwala. Papapasukin mo ba ako? O dito na lang ako maghintay sa labas?" nagtaas ng kilay si Lara dahil nairita sa kaniya. "Pasok kayo, maam. Kayo ba ang bisita na hinihintay ni sir? Pasok ka po baka mapagalitan ako ni sir pag hindi kita pinapasok" "Thank you!" Dumiretso ito sa opisina ni Greg, binuksan ang pintuan, pumasok si Lara. Nagulat ito ng makita doon si Tina habang kausap si Greg sa loob. "Excuse me, I do hope hindi istorbo ang presensiya ko sa inyo." ito ang matapang na tono ng pananalita ni Lara. Tumayo si Tina. Tila balisa dahil sa pagkakaharap kay Lara. "Oops, excuse me Mrs. Altamira I would like to have a word with my husband please." Lakas loob niyang sinabi iyon sa harap ni Tina at Greg. Namumutla si Tina sa takot dahil hindi niya inasahan na darating si Lara. Nahihiya si Greg kay Lara, tumayo ito at lumapit sa kanya. "Excuse me, maam and sir, lalabas po muna ako" ang paalam ni Tina. "You sound so well mannered, are you really one?" nagmaldita na ang toni niya sa pagkakataong ito at tiningnan si Tina mula ulo hanggang paa. Hindi na umimik si Tina at lumabas ito "Lara, huwag naman dito." Tiningnan lang ni Lara ang asawa, parang nanunusok ang mga tingin niya, subalit hindi na nagsalita ng kung ano pa man, diretso na niyang sinabi ang kailangan niya sa asawa. "Aalis ako next week papuntang Iloilo, mag stay ako doon ng isang linggo, may kailangan asikasuhin, work related, huwag ka mag alala, hindi annulment ang pakay ko doon. Iiwan ko si Gio saglit, hindi ko pwedeng ipagkatiwala sa katulong lang, kung nasa inyo ang bata, alam kong hindi pababayaan ng Mama mo at tiya Laura." "Okay, kailan ang balik mo?" nagbuntong ng hininga si Greg. "Kung maaayos ko ang kontrata ng lupa para sa site ng bagong branch, then uuwi ako agad" "Okay! So kailan ko pwede sunduin si Gio?" tanong ni Greg. " Sunday, ayusin ko lang mga gamit niya. Mauna na ko, salamat sa time." Tumalikod si Lara. Sumunod ang mga tingin ni Greg sa kaniya. Nararamdaman ni Greg na wala na ang dating malalambing na mga mata ni Lara. Iba na ang tingin ng asawa sa kaniya. Tanggap na din niya na nagkaganoon ang asawa niya hindi niya masisisi dahil sobrang nasaktan niya iyon. Lumakad si Lara sa harap ng mga staff ni Greg, binati siya ng mga ito, tumango lamang si Lara at tumungo na palabas. Para kay Lara isang kapangahasan ang ginawa niya ngayon, dahil naging matapang siyang harapin ang dalawang taong sumira sa buhay niya. Sa pagkakataong ito ay hindi na masakit, hindi na kumikirot, alam niyang unti-unti ay naghihilom ang kaniyang sugat. Pag-uwi ni Lara sa bahay ay humanap siya ng tiyempo na kausapin ang anak. "Pogi, okay lang ba umalis ang Mommy?" Bulong ni Lara kay Gio. "Why?" nag-aalalang tanong ni Gio. " Mag work sa malayo, but I wll be back later." inakbayan niya ang anak na nasa tabi. "Saan yun, Mom?" curious niyang tanong. "Sa city of love, Iloilo" nakangiting sabi ni Lara. "Wow! Mommy, sama ako." biglang sumigla ang tono niya. "Haha hindi pwede, bawal ang kids sa site, mahalaga ang work ng Mommy this time sa Dad ka muna." "Oh, I’m sad!" Yumakap si Gio sa ina. "No, you shouldn't, andiyan naman ang Daddy at lola Melinda to look after you, babalik ako hindi naman aabutin ng buwan, maybe a week." Pinaliliwanag ni Lara sa anak ang sitwasyon, kung maaari lang na dalhin niya ito, subalit may pasok at walang mag aalaga sa anak kung sakaling mag aasikaso na siya ng trabaho niya. Sumapit ang linggo at dumating si Greg sa bahay nina Lara. "Daddy!" Sumalubong si Gio sa ama at yumakap ito ng makababa ng sasakyan. "I’m ready!" Ito ang sabi ng bata. "Hi!" Bati ni Greg kay Lara. Ngumiti ngunit naiilang na tumingin. "Sunduin ko na si Gio?" Tanong nito. "Sure" tipid niyang sagot. "Dad, mamaya na tayo umuwi, halika sa loob, may ipakikita ako, Mommy bought me a new toy." Hinila ni Gio papasok ang ama. Lumingon si Greg kay Lara. Naiwan siya sa terrace at hindi pumasok ng bahay. Doon siya nagpalipas ng oras habang nakikipaglaro si Greg sa anak. Masaya panoorin ang mag ama, sayang at nahantong sila sa ganoong sitwasyon.Di rin masabi ni Lara sa sarili kung hanggang kailan na mawawalay silang pamilya sa isa't isa. Habang nakikita na masaya ang anak, ay tila ba gumagaan din ang loob niya. Ganoon siguro talaga ang nararamdaman ng isang ina. Sumasaya kapag nakikitang masaya ang anak. Lumipas ang isang oras, ay pumasok si Lara at inayos ang mga gamit ni Gio, pumasok ito sa kwarto. Nakita siya ni Greg na tumungo doon. Tumayo si Greg at nagpaalam saglit sa anak na kakausapin ang ina. Pumayag naman ang bata at nagpatuloy sa paglalaro. Kumatok sa pinto sa Greg. " Pwede pa ba ako pumasok?" Nahihiyang sabi nito sa asawa. Naghihintay sa sagot ni Lara. Nakatingin lang ito sa kanya at hindi umimik. Napapaisip kung tatanggapin na pumaroon si Greg. "Okay lang" habang nagtutupi ng mga damit ni Gio. Naupo sa tabi niya si Greg. Parang nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng dalawa, iyon ang muling pagkakataon na nagkasama sila sa isang silid. Marahil nagbabalik ang mga alaala na dati ay pinagsaluhan nila.. " Mag-iingat ka sa Iloilo." iyon ang habilin niya sa asawa. "Of course! I will, babalik ako para sa anak ko." "Saan ka tutuloy?" "Nagbook ng hotel ang company para sa amin, hindi ako mag isa, may mga kasama ako" "Ah, marami kayo?" "Oo, ang mangyayari, ay magkakaroon ng team building activity. Then isisingit ko ang transaction ng lupa para sa itatayong building ng branch doon." "Ah akala ko ikaw lang mag isa." "Hindi rin, if ever mag isa lang ako, I won’t stay there, hindi ako sanay mawalay sa bata. Ingatan mo si Gio, tawagan mo ko if anything happens." "Huwag ka mag-alala, magiging maayos ang kalagayan ni Gio sa tabi ko." " Sana nga, huwag kang uuwi ng late, naghahanap ng kasama sa pagkain ang bata." "Alam ko, hindi na ako ginagabi ng uwi." "Wala akong pakialam kung anong oras ka umuuwi, pero sa pagkakataong ito, may pakialam ako, nasa kustodiya mo ang anak ko, unahin mo siya, huwag ang ibang tao." Natahimik si Greg, hindi nakaimik sa asawa. Maya-maya ay humawak si Greg sa braso ni Lara. Nakiramdam si Lara, natahimik, napapaisip. Parang hinahanap sa loob ang pakiramdam na hindi niya maramdaman. Naging manhid na ba ang damadamin niya? O sadyang sinanay ang sarili na ikibit-balikat ang mga bagay lalo na pag tungkol sa asawa niya. "Anong ginagawa mo?" Tanong niya kay Greg, habang natigil din siya ng pagtutupi ng damit ni Gio. Nagtaas ang kilay ni Lara at nangunot ang noo. "Wala im sorry." Iyon na lamang ang nasabi ni Greg. Hindi niya masimulan ang usapan kay Lara. Nararamdaman niya na may galit pa ito sa kanya. Sa halip ay niyakap niya ito mula sa likod. Hinigpitan ang pagkakakulong niya kay Lara sa kaniyang mga braso. Isinunsob ang kniayng ulo sa balikat nito. Unti-unting dumadaloy ang mga butil ng luhang nagmumula sa kaniyang mga mata. Naramdaman ni Lara ang asawa niya, ang asawang pinakasalan, minahal at tanging mahal. Subalit sa isip niya hindi pa iyon ang panahon upang buksan muli ang puso para sa asawa. Kung kaya nagpumiglas ito ng dahan-dahan. "Greg, alam mo na hindi mo na dapat ginawa yan, nag-usap na tayo, walang physical contact, at napag -usapan natin, na kung nagkakasundo man tayo, ay para sa kapakanan ni Gio, huwag na natin ungkatin ang mga bagay na matagal ng hindi makita.” "Siguro naman, nabigay ko na ang lahat ng meron ako, sa ngayon, lahat ng meron ako, ay nakalaan na lang sa sarili ko alang-alang sa anak ko." Tumayo si Lara, at ipinasok ang mga tiniklop na damit sa maleta ng anak. Yumuko si Greg at napahilamos ng mukha nito. Lumabas ng kuwarto si Greg, bitbit ang maleta ng anak. Pinuntahan ni Lara si Gio. "Pogi, its time to go sabi ng Dad." "Mommy, come home soon." malambing na sabi ng bata sa ina. "I will." pabulong na sagot nito." Yumakap si Lara ng mahigpit kay Gio at pinaulanan ng halik ang anak sa pisngi. Maaga pa ang alis ni Lara kinabukasan, kaya pinasundo niya ng maaga si Gio ng sa ganun ay makampante ang loob niya na ligtas ang anak sa pangangalaga ni Greg.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD