Chapter 39 After You Bumalik na si Lara sa ospital. Magaan ang loob na naglalakad patungo sa kwarto ni Greg. May bitbit siyang basket ng samu-saring prutas na galing kay Ivan. Natutuwa dahil sa kabila ng pagkagusto nito sa kaniya ay nagagawa pa din niyang ipakita ang kabutihan sa asawa niya. Nang papalapit na siya ay namataan niyang nakabukas ng bahagya ang pintuan ng kwarto ni Greg. Iniisip niya na marahil nasa loob ang doctor o hindi kay ay ang nurse. Hinawakan niya ang door knob upang sumilip bago pumasok. Biglang tumigil na naman ang kaniyang mundo ng marinig ang malumanay na boses ng babaeng iyon. Natigilan siya ng ilang segundo. Narinig niyang nagtatalo ang dalawa. Akmang aatras para lumayo sana subalit pinag-isipan niya kung kailangan niyang pumasok o hindi. Binitawan niya

