Pinahupa muna ni Lara ang ubo nito saka na niya tuluyang pinalitan ang suot na diaper. Naiilang man siya kay Greg, pero wala din magagawa dahil siya lang ang pwedeng mag-asikaso. Maya-maya ay tumunog ang phone ni Lara. Mayroong mensahe na pumasok. Hindi muna pinansin ni Lara dahil hindi pa siya tapos na asikasuhin si Greg. Halos nangangapa na lang ang kamay niya dahil iniiwasan na makita ang nasa harapan niya. Ilang Segundo pa ay natapos na siyang magpalit ng diaper nito. Binalot niya ang maruming diaper nito at itinapon sa basurahan. Nag-ayos na siya para lumabas. “Lalabas ako. Just call me. Babalik din ako kaagad.” Ang habilin niya kay Greg bago pa man siya nakalabas ng pinto. Ngiti lang ang tanging tugon ni Greg sa kaniya. Habang naglalakad sa pasilyo ng ospital ay tumunog ang

