Chapter 37 We are in This Together

1171 Words

Chapter 37 We are in This together Kinaumagahan nagising si Lara sa isang katok mula sa pinto. Bumukas ito. “Good morning!” ang masiglang bati ng nurse sa kaniya. Tulog pa din si Greg. Kaya tumayo na si Lara para harapin ang nurse. “Miss bakit ang haba yata ng tulog niya? Nakatulog na lang ako kagabi ng kakaantay na magising sana siya.” Ang sabi ni Lara. “Ah! Nagising na po si sir kaninang madaling araw, maam. Hindi ka po ba niya ginising paglabas ko?” ang tanong ng nurse matapos na ilapag sa mesa ang dalang tray na mayroong laman na gamot at mga swero. Napahawak si Lara sa kaniyang braso at lumingon kay Greg na mahimbing pa ang tulog. “Ganoon ba? Mabuti naman at nagising na pala siya.” Nagturok ng gamot ang nurse. Hinawakan nito ang pulsuhan ni Greg at iniangat ang kaliwang kamay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD