Chapter 11 The Comeback

2046 Words
The comeback Naayos na nga ang mag-asawa. Nananalangin si Lara na humilom ng tuluyan ang sugat na dulot ng mga nangyari. Unti-unting nanumbalik ang sigla niya, maayos ang komunikasyon nila ng asawa. Masaya si Gio at kapiling niya ang mga magulang niya. Ramdam ni Lara ang kasayahang iyon. Para sa kaniya, sapat ng masaya ang anak. Nais na nitong simulan muli ang mamuhay na walang iniisip kundi ang mga anak at trabaho. Maagang nagising si Lara upang ipaghanda ang pamilya ng agahan. Inasikaso din niya ang babaunin ni Greg para sa tanghalian at ganoon din ang sa kaniya. Nais niyang masiguro na ligtas ang pagkain nila ng kaniyang anak na nasa sinapupunan. Papasok na sila sa trabaho. Nasa garahe na silang dalawa bitbit ni Lara ang kaniyang mga gamit. Binuksan ni Greg ang pintuan ng sasakyan para sa kaniya. “Mom dahan-dahan sa pag-akyat. Baka mabigla ka sa pag-upo,” paalala ni Greg. “I know, Dad.” Sagot naman niya sa asawa habang hinay-hinay ang pag-angat niya paakyat sa sasakyan. Inalalayan siya nito hawak hawak ang kaniyang braso. Isinara ni Greg ang pintuan at saka na din umakyat sa driver’s seat. Maglock sana si Lara ng kaniyang seat belt. Pero inagaw iyon ni Greg para siya na lang ang maglock para kay Lara. Napangiti si Lara dahil sa madalas iyon gawin ni Greg noon. Natagalan din bago niya muling ginawa. Masaya siyang muling maramdaman ang pag-aalaga ni Greg sa kaniya. Habang ito ay nagmamaneho. Nagnanakaw ng tingin si Lara sa kaniya. Bakas sa mukha ni Greg ang maaliwalas na loob. Sumasabay sa kanta mula sa radio ng sasakyan. This reminds her of their college life. Araw-araw siyang hinahatid ni Greg pauwi sa bahay nila kahit na ayaw ng mga magulang niya sa kaniya. They survived lahat ng pag-ayaw ng family niya kay Greg. Ipinaglaban niya iyon dahil tiwala siyang mahal siya nito. Sumulyap si Greg kay Lara. “Mom? Matunaw ako sa kakatitig mo. Ayan ka na naman, sa akin magmamana si baby tapos magrereklamo ka na unfair ako.” Ngumiti si Lara. “Okay lang, Dad. At least sure ka na anak mo nga ito.” Hindi nakaimik si Greg ng marinig iyon mula kay Lara. “Siya nga pala, Dad. Next week pre-natal check up ko ulit. Baka gusto mo ako samahan?” “Of course!" tumango siya. "Sasamahan ko ang misis ko.” sabay abot sa kamay ni Lara habang nagmamaneho ang kaliwang kamay. Pinisil-pisil niya ang daliri ni Lara. Tila naglalambing upang hindi na mangamba ang asawa niya. “Sana ganito tayo lagi, Dad. Masaya ako na kasama kita. I know masaya din si baby na nandito ka.” Hinawakan ni Lara ang kaniyang tiyan. Sinulyapan saglit at tumingin kay Greg. “I love you everyday, Mrs. Ledesma!” malambing na sinabi ni Greg sa kaniya. Hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak sa kamay niya. LUMIPAS ang dalawang buwan na naging maayos na nga ang pagsasama nila. Napanatag muli ang loob ni Lara. Lumalaki na din ang tiyan niya. Nalalapit na ang buwan ng panganganak niya. Nasa malapit na ang opisina ni Greg, kung kaya sabay na sila pumasok at sabay na din kung umuwi. Isang beses nagpa-check up si Lara kasama si Greg. Sumailalim ito sa ultrasound upang matiyak ang kalagayan ng baby sa sinapupunan niya. Nasa loob sila ng clinic ng OB-gynecologist ni Lara. Nakahiga si Lara sa bed habang nakalabas ang tiyan upang masuri ng doctor ang kalagayan ng baby sa loob. Hawak ng doctor ang isang aparatu na ginagamit upang makita sa screen ang kalagayan ng fetus sa loob ng kaniyang tiyan. "Mommy your baby is doing well. Maliksi at malusog!” ang sabi ng doctor. “Ito ang ulo niya" habang inieksamin ng doctor ang bilogang tiyan ni Lara. Nakikita ito ni Lara at Greg, nakangiti silang pareho ni Greg habang minamasdan ang munting anghel nila na gumagalaw sa loob ng tiyan ni Lara. Malakas ang t***k ng puso niya at kitang kita ang paggalaw niya sa loob. "Mabuti at naaalagaan mo ang iyong sarili ng maayos. Congratulations!" Napalingon si Lara sa doktor. "Doc, kita na ba ang kasarian niya?” Nagtanong agad si Lara. “Saglit lang at magpapapicture si baby sa loob.” Iyon ang sabi ng doctor at nagsimula nga siyang pumindot mula sa keyboard na nasa harap niya upang makuhanan ng picture ang baby sa loob. Halatang hindi na makaantay si Lara sa sabik na malaman ang kasarian ng anak. “Doc? Babae po ba o lalaki?” bakas ang sabik sa mga mata nito ng tanungin ang doctor. "Ah! Sandali tingnan natin." nilipat ng doktor ang hinahawakan niyang aparato sa iba’t-ibang bahagi ng tiyan ni Lara. "Teka lang, ito ang balikat ni baby, siko, puwet" ang sabi ng doktor habang dinadaanan ang mga bahaging iyon. Hanggang sa maya-maya ay "Ayun!" Natumbok na ng doktor. "Ano ba sana ang gusto niyo?" Pabitin na tanong niya sa mag asawa. "Doc kahit ano okay lang." Ang sagot ni Greg. "Sana babae siya," ang hiling ni Lara. "You're right, mommy. It's a girl" ito ang magandang balitang narinig nila mula sa doktor. Nanlaki ang mga mata ni Lara. Halos mapunit ang mga bibig sa pag-ngiti. Biglang nabuhayan ito ng loob. Magkakaroon na siya ng anak na babae. Si Greg naman ay hindi maitago ang saya, bakas na bakas sa mga mata niya na sobrang saya niya at magkakaanak na siya ng babae. Matapos ang eksaminasyon ay binigay ng doktor ang printed results ng ultrasound ni Lara. Binigyan naman ng reseta ng mga vitamins si Lara para mas lalong makatulong sa paglaki ng bata sa sinapupunan niya. Nilisan ng mag asawa ang ospital. Tumungo sila ng mall upang ipagbili ng mga gamit ang baby. Excited si Lara kaya pinagbigyan ng asawa ang hiling nito na mamili ng ilang gamit ng anak na babae. Nasa infant’s section sila. Naroroon ang mga gamit pang-baby. Nilapitan agad ni Lara ang mga gamit na pang new born baby. Kumuha siya sa shelf ng limang set ng pang itaas at limang set din na pajama. “Mom dagdagan mo yung lima para hindi mahirapan si tiya Laura ng pagsunod sa paglalaba ng gamit ni baby.” Sabi ni Greg. “Okay na to, Dad. Remember itinabi mo pa ang ilang gamit ni Gio. Ilang weeks lang naman ito gagamitin ni baby. I am sure kasing chubby din siya ni Gio. Excited ako na magkaka-princess na tayo.” Ang sabi ni Lara na napapatili sa sayang nararamdaman. Nagpatuloy siya sa pamimili ng onesies na may iba’t-ibang kulay na pambabae. Kumuha siya ng booties at mittens. Dinagdagan din niya ng bib upang makompleto ang set na iyon. Halos umabot ng isang oras ang pamimili nila. Hinayaan lang ni Greg si Lara na piliin ang ang nais niya para sa anak nila. “Are you done? Bayaran ko na, Mom.” Bulong ni Greg. “Wow! I’m so touched, Daddy na you will pay for this.” “Oo naman. I-credit card na lang natin para hindi na ako maglabas ng cash ngayon.” “Ayun naman pala I-credit card mo. Wait may idadagdag ako sa cart.” Humakbang palayo si Lara mula sa kinaroroonan ni Greg. Dumampot siya ng feeding bottles mula sa shelf. Binitbit niya iyon at nilapag sa cart. “Lima agad, Mom?” tanong ni Greg. “Kaunti pa yan, Dad. Dapat nga 10 bottles iyan para lima sa araw at lima din sa gabi.” Mariing paliwanag ni Lara. “Hindi ba ako mapapagod maghugas ng sampung bote? Bawasan mo.” usal ni Greg dahil nabigla sa dami noon. Tumawa na lang si Lara. “Ayoko nga! Huwag mo babawasan. Mas nakakapagod maghugas ng paunti-unti. Sayang ang oras.” Katwiran niya sa asawa. Matapos mamili ay umuwi na silang dalawa. Dala-dala ang mga supot na may laman ng mga gamit ng baby, sumalubong si Gio sa mga magulang. "Mommy! Daddy!" tumatakbo papunta sa pintuan. Yumakap agad ito sa tiyan ni Lara. "Hello kuya!" Nakangiti si Lara sa anak na sumalubong. "Saglit anak. Maupo muna si Mommy. Naupo siya sa sofa sa sala pagkatapos na ilapag ang mga pinamili. "Come, my Love I have a very good news for you.” Ang bulong ni Lara sa kaniya. Naupo si Gio sa tabi ni Lara. “You will have a baby sister!” Lumiwanag ang mukha ni Gio, ng marinig ba babae ang kapatid niya. Isa itong magandang balita at bagay na ipinagpasasalamat ni Lara. “Really?” Masaya ito. “But hindi siya makapagplay ng toys ko.” Nalungkot ng sandal. “Of course, pwede naman na magplay kayo ng ibang laro, if okay yun?” tanong ni Lara kay Gio. “Sure, mommy aalagaan ko yung baby sister ko.” Niyakap ni Gio ang ina at hinalikan ang mabilog nitong tiyan. Sumalubong din si Melinda. Narinig niya ang sinabi ni Lara kay Gio. “Salamat! May babaeng apo na ako!” Masayang sabi ni Melinda. Masaya na ulit ang tahanan ng mga Ledesma dahil sa wakas naging tahimik na ulit. Hindi na pinakikialaman ni Lara ang phone ni Greg. Naging mas mapayapa ang isip niya. Naisip ni Lara, mas mahalaga ang kaligtasan ng anak niya sa sinapupunan kaysa naman ibuhos ang lakas sa kakaisip kay Tina at Greg. Nalaman na nga ng mga Ledesma na babae ang paparating na anghel sa buhay nila. Halos hindi na mapalagay ang loob ni Lara ng kakaisip sa magiging anak. Iniisip na din nito na kung ano ba ang ipapangalan. Isang gabi, habang nahiga si Lara sa kuwarto ay nagbukas ito ng phone niya, naghanap sa internet ng mga pangalan para sa babae. Naisip niya na magsisimula ito sa titik L dahil ang pangalan ni Gio ay sinunod niya mula kay Greg. Ngayon naman ay sa pangalan naman niya. Naisip niya ang pangalang Leanne, Lori, Lira, Lea, Lesley, Lily at Liza. Napapangiti si Lara sa isip. Tila kinikilig dahil sa papangalanan niya ang kaniyang munting anghel kahit hindi pa nakikita. Gumagalaw na ito sa loob, ramdam na niya ang likot ng baby niya. Sa tuwing ito ay sumisikad, hinihimas niya ang kaniyang tiyan at biglang titigil sa paggalaw ang baby. Pumasok si Greg dahil nakatulog sa dibdib niya si Gio. Buhat-buhat ito ni Greg at inihiga ng dahan-dahan sa kama kung saan naroon din si Lara. “O? Nakatulog na pala siya? Napagod sa kakalaro?” tanong ni Lara. “Oo e. Masaya pa kaming nag-uusap kanina. Nagyaya na manonood daw kami ng movie. Ito nakatulog sa kandungan ko.” sagot naman ni Greg. Nang nasa kama na si Gio, tumabi na din si Greg sa asawa. “Ano yan, Mom?” tanong ni Greg kay Lara na abala sa pagbabasa sa browser. “Naghahanap ako ng pangalan ng baby girl natin.” Sagot niya kay Greg. “Pangalan na agad yan, Mom?” humalik sa ulo ni Lara si Greg. “Sige patingin din ako” ang sagot ng sabik na ama. Habang naghahanap, ay sinabi ni Lara ang mga naiisip niyang mga ipapangalan. “Dad, iniisip ko kung sa titik L magmumula ang pangalan ng baby” ito ang wika ni Lara kay Greg. “L?” Napaisip si Greg. “Ipangalan natin, Lara” ang sabi ni Greg. “No, bakit pangalan ko? Magkakalituhan kami pag nagkataon.” Tumawa silang dalawa. “Ito yung mga iniisip ko, Leanne, Lori, Lira, Lea, Lesley, Lily at Liza!” Napaisip si Greg. Magaganda ang mga pangalang iyon. “May nagustuhan ka ba sang mga binanggit ko?” tanong ni Lara kay Greg. “Parang oo, may nagustuhan ako sa mga binanggit mo.” “Maganda ang Lea” iyon ang sabi Greg. Ngumiti si Lara. Nakuha ni Greg ang pinakagusto niyang ipangalan sa anak. “Okay!” ang sabi ni Lara. “Hello, baby Lea!” ang malambing na tawag ni Lara sa anak. Tumabi si Greg kay Lara at inilapit ang ulo niya sa tiyan ng asawa. “Hello princess! Paglabas mo magiging masayang-masaya ang bahay dahil makukulayan na ulit. Madadagdagan ang anghel dito. Magkakakulay ang bawat araw na kasama ka namin ni mommy.” Bulong ni Greg sa tiyan ni Lara. Dahan-dahan naman na sinusuklay ni Lara ang buhok ni Greg. Humiga siya sa kandungan niya. “Mom I love You!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD