Chapter 12 The Sacrificial Lamb

1881 Words
The Sacrificial Lamb Pitong buwan na ang ipinagbubuntis ni Lara. Kaunting panahon na lang ay masisilayan na nila ang anak. Araw-araw ay kumakain ito ng mga prutas at gulay upang masigurong ligtas ang anak niya. Tuwing umaga ay naglalaan siya ng panahon upang maglakad-lakad. Sinasamahan siya ni Greg bilang suporta sa asawa. Araw-araw ay pumapasok din sila ng sabay sa opisina. Naging abala na si Lara sa maraming ginagawang mga project reports nito sa opisina kung kaya ay hindi na niya maisip ang tungkol sa babaeng nasasangkot sa asawa. Tanging ang panganganak ang siyang pinaghahandaan niya ng kaniyang lakas. Naging abala din si Greg sa mga gawain sa opisina at madalas niya itong ipaalam kay Lara. ISANG hindi inaasahang pagkakataon na kinailangan ni Greg mag overtime noong araw na iyon. Nasa opisina si Greg nakaupo sa swivel chair niya noong tumawag siya kay Lara. “Hello, Mom? Ipapaalam ko lang na gagabihin ako mamaya. May kailangan akong tapusin na report. Kailangan na daw ito maipasa agad. Okay lang ba kung hindi kita masusundo?” “Ah! Okay lang, Dad. Huwag ka mag-aalala at magiging okay lang ako pauwi.” Pagpapasiguro naman ni Lara sa asawa niya. “Ibaba ko na ang phone, Mom.” Paalam ni Greg. SAMANTALA lumapit si Vince kay Lara. “Friend mamaya mag-undertime ako.” Nagtaas ng tingin si Lara kay Vince. “Bakit naman?” tanong ni Lara. “Ano kasi bibisitahin ko ang pamangkin ko nasa ospital.” Paliwanag ni Vince. “Ah! Magpaalam ka kay Maam Cherry.” Ang sabi ni Lara. “Ano kasi. Hindi ba okay kayo ni maam? Pwede ba ikaw na lang magpaalam para sa akin?" Hiling ni Vince sa kaniya. “Okay! Ako na lang ang magpapaalam for you.” Pagpapasiguro ni Lara kay Vince. “Thank you!” tinapik niya ang balikat ni Lara at tumalikod na ito. Pagkatapos sa trabaho ay dumaan si Lara sa isang fastfood at bumili ng pizza at rice meal na dadalhin kay Greg. Dumidilim na ang paligid, traffic na ang kalasada dahil uwian na ng mga tao. Nakarataing na din si Lara sa opisina ni Greg. Nakapark ang sasakyan nila sa labas nito. Nandoon nga ang asawa niya. Excited si Lara. Masosorpresa si Greg na makita siyang nandoon. Lumapit si Lara sa b****a ng building. Kinausap niya ang gwardiya na naroon at nakaupo. “Hi good evening! Andiyan ba si Sir Greg Ledesma?” tanong ni Lara sa gwardiya. “Yes, maam nasa loob pa po siya.” sagot naman nito. “Ano po sana ang kailangan niyo?” “Asawa ko siya, pinuntahan ko para dalhan ng makakain.” sagot naman ni Lara. Pinapasok ng gwardiya si Lara. “Maam pasok po. Diretso lang tapos sa kanan may hagdan po, akyat lang kayo, nasa ikatlong palapag pa ko kasi ang opisina ni Sir.” Ang sabi naman ng gwardiya kay Lara. “Ah, sa taas pala!” ang sabi ni Lara. Napaisip ito, baka mapagod siya kung aakyat. Nais nitong tawagan si Greg, subalit ng buksan niya ang bag upang kumuha ng phone, ay wala doon ang phone niya. Marahil ito ay naiwan niya sa opisina. Umakyat pa din si Lara. Hindi pa ito nangangalahati sa pag-akyat ay hinihingal na ito. Mataas naman talaga ang gusaling iyon. Subalit kailangan niyang umakyat upang makarating kay Greg ang dalang pagkain. Noong makarating sa itaas ay nagpahinga ito saglit sa upuan na naroon sa gilid ng isang opisina. Huminga ng malalim na tila kinakapos siya ng hangin. Saglit ng makaramdam ng kirot sa tiyan. Subalit hinimas lang niya iyon. Tumayo at muling bintbit ang dalang mga pagkain. Huminga lang siya ng malalim at nagpatuloy sa paglakad. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng kaniyang lakad ang maririnig at lagaslas ng plastic na dala. Maya-maya ay naaaninag niya ang ilaw mula sa isang bukas na silid. Marahil iyon na nga ang opisina ni Greg. Nang biglaang may naririnig siyang babae at lalaki na nagtatawanan. Marahil maraming kasama si Greg. “Baka marami ang dapat nilang tapusin mabuti na lang pala marami akong dalang pagkain. May mapagsasaluhan sila mamaya.” Ang wika ni Lara sa sarili. Habang papalapit ay parang iba ang naririnig ni Lara. Mayroong kausap na babae si Greg at ang saya nila. Nagtatawanan sa mga biro sa isa't-isa. Ang boses na iyon! Ang boses mula sa cellphone ni Greg. Naaalala ni Lara kahit ilang buwan na ang lumipas. Nakaramdam siya ng kung anong pumipilipit sa kaniyang tiyan. Tila lumulundag-lundag ang pusong mabilis ang pagtibok. Unti-unti ay nanlamig ang pakiramdam niya. Mabilis ang pagtibok ng puso niya na parang sasabog sa lakas. Ilang hakbang pa ay malapit na siya sa pintuan ng opisina ni Greg. Doon nga nagmumula ang boses ng babae at boses ni Greg. Pagdating sa pinto, hindi iyon tuluyang nakasarado. Huminga siya ng malalim. Inilipag niya saglit sa sahig ang dalang plastic bag. Hinawakan ang door knob. Nanginginig ang mga kamay. Nanlalamig ang pakiramdam. Bumukas ang pinto. Maliwanag ang naririnig ni Lara. Patuloy ang usapan ng dalawa. Bumungad sa harap niya ang nakakandong na babae sa asawang nakaupo sa sofa. Bumagsak ang mga dalang pagkain ni Lara. Nandilim ang paligid. Hindi maintindihan ang nararamdaman. Biglang bumagsak si Lara mula sa kaniyang kinatatayuan. Pilit na kumalas si Greg sa babaeng kandong niya dahil sa narinig mula sa pinto. Tumayo sila ng babae, si Tina. Nakita ni Greg ang asawang walang malay na nakahandusay sa sahig. Dali-dali ay nilapitan niya ito. Inangat ang katawan ni Lara. Ginigising niya ang asawa. Subalit, walang kibo. Nagtinginan si Tina at Greg. Hindi na nagsalita si Greg. Binuhat niya ang buntis na asawa, itinakbo pababa ng building, sumisigaw sa gwardiya. “Guard! Buksan ang sasakyan ko dali!” Natataranta si Greg, hindi nito namamalayan ang dugong dumadaloy sa binti ni Lara. Dumadaloy ng dahan-dahan.” Dali-dali naman na tumakbo ang gwardiya patungong sasakyan. Binuksan niya ang pinto nito dahil nasa kaniya ang susi ng sasakyan ni Greg. Iniiwan ito ni Greg sa kaniya sa tuwing dadating. Inilatag ni Greg ang katawan ng asawa sa likod ng sasakyan. Isinara niya ang pinto at saka na rin siya umakyat sa driver’s seat upang magmaneho. Itatakbo niya sa ospital si Lara. Mabilis ang pagpapatakbo ni Greg sa sasakyan. Tuloy-tuloy ang pagbusina, upang mabigyan siya ng lugar sa daan. Patungo sila sa ospital. Nasa labinlimang minuto lang ay narating nila ang ospital. Inihinto ang sasakyan sa harap ng emergency room. Sumisigaw si Greg. “Tulong! Tulong!” habang kinukuha ang asawa mula sa loob ng sasakyan. Karga niya ang walang malay na si Lara. Mabilis naman naglabas ng stretcher ang staff ng ospital upang doon ay isakay si Lara. Takot na takot si Greg. Hindi malaman ang gagawin. Susunod sana siya kay Lara, subalit pinigilan siya ng gwardiya, “Sir, pakitabi po muna ang sasakyan, pwede po kayo agad pumasok pagkatapos niyo maitabi ng maayos ang sasakyan ninyo. Sumunod naman si Greg sa pakiusap ng gwardiya Itinabi niya ito. Bumaba siya ng sasakyan. Isinara ang pinto. At tumakbo papasok ng emergency room. Hinihingal si Greg. Namumutla dahil sa takot. Si Lara naman ay nasa pangangalaga nang mga nars. Maya-maya ay lumapit na ang doctor kay Lara. Tiningnan ito ng doktor. Napapahilamos ng mukha si Greg. Natatakot sa mangyayari kay Lara. Naghihintay siya na matapos tingnan ng doktor ang asawa. Lumapit ang nars kay Greg. “Sir, kayo po ba ang kasama ni maam?” tanong nito sa kaniya. “Oo miss, ako ang nagdala sa kaniya, asawa niya ako.” sagot naman niya habang balisa. “Sir, ipapaalam ko lang po, tuturukan namin ng IV si maam, kailangan po kasi na maadmit siya ngayon, hindi po maganda ang kondisyon niya.” Iyon ang sabi ng nars. Hindi alam ni Greg ang sasabihin, hindi ito makaimik. Hindi rin niya namalayan na may dugo ang damit niya mula sa mga binti ni Lara. “Mag papafill out lang po sana ako ng admission form sa admitting section, maari po bang pumunta muna kayo doon, nang sa ganoon ay makapagpareserba po kayo ng kwarto para sa inyong asawa.” Iyon ang pakiusap ng nars. Tumalikod si Greg at nagtungo sa admitting section at nagpatala ng datos ni Lara. “Sir, ito po ang admission slip ninyo, pakibigay po ito sa attending nurse, siya na po ang bahala pagkatapos.” Iyon naman ang sabi ng in charge sa window ng admitting section ng ospital. “Ganun ba?” kinuha ni Greg ang papel at bumalik sa emergency room. Pagdating niya sa emergency room ay ibinigay niya agad ang papel sa nars. “Miss ito na ang admission slip.” “Sir, ito po ang request para sa kakailanganin ni maam. Pwede po ba kayo pumunta sa supply room? Ibigay niyo po itong papel upang mabigyan kayo ng kakailanganin ni maam.” Tinanggap ni Greg ang papel at lumakad papuntang supply room. Nakakuha siya doon ng gloves, syringe, IV, plaster, bulak, alacohol at kung ano pang kakailanganin ni Lara. Bumalik agad siya sa emergency room. Ibinigay niya sa nars ang mga dala-dala niyang kit. “Salamat po sir.” Tumalikod na ang nars. Inaasikaso ng mga on duty ang asawa niya. May sinasabi ang doktor sa mga ito. Nakikita niya may tinuturok ang nars doon sa kamay ni Lara. Lalong nangamba si Greg dahil wala siyang alam kung ano ang nagyayari kay Lara. Maya-maya ay hinahanap ng doktor si Greg. Lumapit siya dito. “Kayo po ba ang kasama ni misis?” tanong ng doktor. “Yes, dok!” ako po ang asawa niya.” “Ano po ang nangyari?” tanong ng doktor kay Greg. Ikinuwento niya na bumagsak ang asawa ng walang anuman. “Kaya siguro nag cause iyon ng bleeding ni misis.” Ito ang sabi ng doktor. “Hindi maayos ang kalagayan niya at ng baby sa loob. Sinuri ko kung may heartbeat ang baby, meron naman, subalit hirap akong marinig.” Natigilan si Greg sa sinabi ng doktor. Hindi maiproseso sa sarili ang mga nangyayari. “Sa gayon, hayaan muna natin magpahinga si misis, nagturok na kami ng gamot upang masiguro na kakapit si baby, subalit under observation pa ang epekto. Kailangan niya maconfine, nang matutukan ang kalagayan niya. Ihahabilin ko lang hindi siya pwedeng bumangon kailangan niyang manatiling nakahiga dahil malalagay sa piligro si baby kung gagalaw siya lagi.” Hindi makapagsalita si Greg sa paliwanag ng doktor. “Pwede mo na siyang lapitan, maya-maya pag okay na ang kwartong lilipatan sa kaniya, ay saka na kayo iaakyat doon.” Ito ang sabi ng doktor kay Greg. “Maiwan na kita dito may pupuntahan pa akong pasyente sa itaas.” Paalam niya. Umalis na ang doktor at nilapitan ni Greg ang walang malay na si Lara. Hinawakan niya ito sa kamay. Naupo sa tabi niya at isinubsob ang kaniyang ulo sa balikat nito. Nagsisisi. Nakokonsensiya. Hindi malaman kung papaano niya maiaalis mula doon ang asawa. Sa pagkakataong ito ay pati na ang anak na nasa sinapupunan ni Lara ay nailagay niya sa piligro. Lumapit ang nars kay Greg. “Sir excuse me po. Ipina-schedule po ni Dok si maam para sumailalim sa ultrasound. Kailangan pong masiguro ang kalagayan ng baby ay maayos.” “Okay miss.” Sagot ni Greg. Naiisip ni Greg, sana ay nasa maayos lang ang kalagayan anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD