Napahawak ang dalaga sa ulo niya at marahang bumangon. Napahilamos siya sa kaniyang mukha at sobrang sakit ng kaniyang ulo. “Damn it!” aniya at huminga nang malalim. Rinig niya ang pagbukas ng pinto kaya napapikit na lamang siya. “Manang? Puwede ka bang maghanda ng soup? Any soup, sobrang sakit ng ulo ko,” wika niya. Hindi naman ito sumagot at umupo pa sa couch sa gilid. Napakunot-noo siya at wala pala siyang couch. Napatingin siya rito at hindi makapagsalita nang makita ang binatang prenteng nakaupo sa couch at nakatingin sa kaniya nang mariin. Nakatikwas pa ang kilay nito habang nakatingin sa kaniya. “A-Ano ang ginagawa mo rito?” tanong niya rito. Napatingin siya sa paligid at napalunok. “W-What am I doing here?” dagdag niya pa. “You sure you forgot what happened last night?” tan

